Katherin
LUMUKOT ANG mga palad kong nasa kanyang balikat na siyang sandigan ko upang hindi ako mangawit sa pagtingkayad. Minulat ko ang aking mga mata at kahit halos hindi ko na siya makita sa sobrang lapit namin sa isa't-isa ay alam kong nakapikit siya at nilalasap ang pagdikit ng labi ko sa kanya.
Kumalat sa loob ko ang banayad na ligamgam dahil sa aking ginawa, naging payapa ang pagtibok ng aking puso subalit hindi naman ako nahiya.
Basta ay mainit ang aking mga pisngi kasabay ng pag-iinit ng aking loob sa magkaugnay naming labi. At nang mabilang ang limang segundo ay humiwalay ako sa kanya at umayos ako sa pagkakatayo.
Mulat na mulat ang aking mga mata at nakapikit pa rin siya, na tila nakadikit pa rin ang labi ko sa kanya. Pinakawalan ko ang hininga na napigil sa mga sandaling iyon. At nang imulat niya ang mga mata, ang malamig at matalim na hitsura niyon ay pinalitan ng kalambutan, pagsuyo at paglamlam.
Hindi ako kumurap nang magkatitigan kami. Hindi rin siya nagsalita at tinitigan ako na tila isa akong panaginip, hindi totoo. Pinunan niya ang natitirang maliit na espasyo sa aming pagitan. Hindi ako kumilos at hinayaan siya na lapitan ako ng ganoon.
"Hinalikan mo ako. Isusumbong kita kay Ama." namamagaw niyang bulong, nanghihina ang kanyang mga mata.
Ngumuso ako at muntik matawa sa kanyang sinabi.
"Sapagkat ang daldal mo.." dahilan ko, namumula ang mga pisngi.
At kaunti na lang ay tila lalangoy na sa kalooban ko ang aking ginawa at malapit na akong tablahan ng hiya.
Hinalikan ko siya.. ako ang humalik sa kanya!
Lumunok ako, nahihiya na talaga sa ilang sandali matapos iyon. Ayaw kong magpahalik sa kanya kanina subalit ako naman itong gumawa ng aksyon ngayon. Hindi ko tuloy alam kung ano ang iniisip niya. Nakakahiya talaga! Tinakpan ko ang aking buong mukha nang marahan akong usigin ng kahihiyan.
"Sa tuwing ikaw ang madaldal ay hindi naman kita hinahalikan kahit gustong-gusto kong gawin. Subalit ako, inabuso mo ang kahinaan ko."
Suminghap ako at mas lalong pinang-initan ng pisngi.
"Ninakawan mo ako ng halik, Katherin Fyenelle." paos pa niyang bulong, damang-dama ko ang kanyang hininga sa aking noo.
Sinilip ko siya sa pagitan ng mga daliri ko. Kung kanina ay mukha siyang nahalina sa aking halik, ngayon ay namumuo muli ang nakakaasar niyang ngisi, tuwang tuwa sa aking pamumula at kahihiyan. Kusang kiniliti ang puso ko nang hawakan niya ang mga kamay kong nagtatago sa aking mukha.
"Kailangan mong bayaran ang iyong ninakaw. Hindi ko mapapalampas ito."
Kumibot ang labi ko at suminghot, umiiling at tinatagan ang pagtatago sa mukha.
"H-huwag makapal ang iyong mukha. Hindi kita ninakawan ng h-halik."
"Oo, ginawa mo. Hinalikan mo ako ng walang permiso."
Hindi ako makapaniwala sa kanya!
"G-ginawa mo din iyon sa akin dati. Sa marahas na paraan!" asik ko, nais tabunan ang sariling kahihiyan. "M-magpasalanat ka at hindi kita kinagat upang dumugo din ang iyong labi!"
BINABASA MO ANG
The Untold Era
FantasyShe's a warrior, not a princess. She held the sword, no crown on her head. She was destined to fly, not to sit on a throne. An armour hugged her body, Not a gown of a fragile lady. Weakness is not her taste, rage is her. Always. No one dared to come...