NAKANGITI NIYANG binaba ang salakot sa ulo. Hindi inaalis ang tingin sa malaking bato kung saan may nakaupo. Tumalon iyon mula roon at nilakad ang distansya upang salubungin si Eowyn. Tulad niya ay nakangiti rin ito.
"Kanina ka pa?" tanong ni Eowyn nang makalapit ito sa kanya.
"Palagi naman akong nauuna." sagot naman nito na nagpalabas sa mahinhing tawa ni Eowyn.
Lubak-lubak ang kanilang kina-aapakan kaya inalalayan siya nito upang maupo sa kinauupuan nito kanina. Hinawakan nito ang kamay ni Eowyn at marahang iginiya sa malaking bato.
Tinignan ng binibini ang mga kagamitan na nakalapag roon. Mayroong mangilan-ngilan na prutas, ang iba ay may bawas. Naroon din ang itim na balabal na batid niyang pagmamay-ari ng kasama niya. Sa lapag ay naroon ang isang panulat at mga papel.
Dinampot niya ang papel at pinakatitigan ang nakaguhit roon. Tiningala niya ang buwan, saka ang mga bulubundukin na naaninaw sa madilim na gabi, ang tubig na tahimik. Saka niya binalik sa papel ang tingin.
Ngumiti siya.
"Ang husay mo." puri niya dito.
"Maganda ba?"
Sunod-sunod na tumango si Eowyn.
"Kuhang-kuha ang bawat detalye. Kahanga-hanga ang iyong talento, Ismael " Magiliw niyang komento.
Napangiti tuloy ang ginoo. Tinitigan nitong mabuti si Eowyn. Kinuha nito ang papel na hawak niya. Saka nito iginiya si Eowyn upang maupo sa bato.
"Bakit?" inosenteng tanong niya.
Ngumiti lalo si Ismael at dinampot ang panulat. Saka ito prenteng naupo sa isa pang bato katapat ni Eowyn.
"Manatili ka diyan. Iguguhit ko ang pinakamagandang tanawin na aking nakikita." matamis nitong sinabi.
Si Eowyn na mabilis naproseso iyon ay pinamulahan ng pisngi.
"A-ako ba ang iyong iguguhit?" nauutal at naniniguro pa niyang tanong.
"Ano pa bang magandang tanawin ang natatanaw ko bukod sa 'yo?" masuyong sinabi ni Ismael.
Mas lalong nag-init ang pisngi niya at napayuko. Mabilis niya iyong nabawi at nakangiti niya muling sinalubong ang tingin ni Ismael.
"Nagpaalam ka ba sa 'yong Ama?" tanong ni Eowyn.
"Hindi ko na kailangang magpaalam. Hindi ako bata." abala si Ismael sa kagamitan nang sabihin iyon.
"Subalit, sinabi mong kinagagalitan ka niya sa tuwing umaalis ka ng walang paalam."
"Ikaw ba ay hindi?" tinignan siya ni Ismael.
Natigilan si Eowyn, saka niya muling naalala si Katherin. Tinanaw niya ang dinaanan niya kanina. Bigla siyang nalungkot sapagkat umalis pa rin siya kahit batid niyang mabigat ang loob ni Katherin. Ito kasi ang nakatakdang araw nang kanilang pagkikita ni Ismael. Bihira niya lamang itong makasalamuha kaya hindi niya sinasayang ang mga pagkakataon ng kanilang pagkikita.
"Batid mong tumatakas lang ako kaya hindi alam ni Ama na lumilisan ako sa kastilyo..." nanghihina ang tinig niya.
Hindi na nawala pa ang bigat sa loob dahil kay Katherin. Sa lahat, ang kapatid niya lang talaga ang pinakaayaw niyang makaramdam ng sama ng loob sa kanya. Gayong batid niyang mababaw ang damdamin ni Katherin at mabilis itong masaktan at maging emosyonal.
BINABASA MO ANG
The Untold Era
FantasíaShe's a warrior, not a princess. She held the sword, no crown on her head. She was destined to fly, not to sit on a throne. An armour hugged her body, Not a gown of a fragile lady. Weakness is not her taste, rage is her. Always. No one dared to come...