DUMADAGUNDONG ang kulog sa kalangitan. Ang malakas na paghangin ang siyang nagsisilbing musika ng mga nagsasayawang puno. Ang pagkislap ng kidlat sa kalangitan ang nagbibigay ng liwanag sa lupaing nababalot ng magkahalong putik at dugo. Sinasabayan ito ng mga matitinis na himig ng kalansing ng mga patalim at pagsabog ng iba't-ibang mahika at salamangka.
Samu't-saring katawan ang ngayon ay nakakalat sa hangganan ng kaharian. Ang iba ay sugatan, ang iba naman ay siya nang nalagutan. Lumalaganap na ang mala-dagat na apoy sa nabibiyak na lupain. Dinidiligan ng dugo ang bawat butil ng alikabok na kumakalat sa pinangyayarihan ng digmaan.
Ang magkasalungat na paninindigan ng dalawang panig ang siyang ugat ng nangyayaring hidwaan na palaging nauuwi sa digmaan. Ang isang supling na napariwara ay hindi matigil sa pagtangis dahil sa kasilayan. Patuloy siya sa pagkusot ng mga mata at takot na takot sa nakikita.
"I-Ina... A-Ama..." bawat katawan na nalagutan na kanyang nadaraanan ay walang takot niyang itinitihaya upang makita ang mukha ng mga ito.
Hinahanap ang mga magulang na kanyang nakaligtaang daluhan nang mangyari ang digmaan.
"Ina..."
Nanginginig na siya sa takot at pangamba sa kung ano ang maaaring mangyari sa kanya. Pinanghignaan ng loob ang kaawa-awang supling nang makita ang hinahanap niya. Bumulahaw sa buong lungsod ang tangis ng batang nagda-dalamhati nang makita ang katawan ng mga magulang na wala nang buhay. Pinunit sa murang edad ang kanyang puso dahil sa kalunos-lunos na kinahinatnan ng kanyang mga magulang.
"Ina! Ama! H-huwag niyo akong iiwan!" paulit-ulit niyang inuuga ang mga katawan nito, nagbabaka-sakaling magising pa ang mga walang mulat nilang mga mata. "P-pakiusap, Ina, Ama.. h-huwag..."
Halos mawalan na siya ng hangin dahil sa walang patid na paghikbi. Sa mga oras na iyon ay wala na siyang maramdamang takot para sa kanyang sarili. Sapagkat wala siyang ibang nararamdaman, kun'di maagang pagda-dalamhati.
Kaya naman ang papalapit sa kanya na dalawang orc na handa na siyang pagpira-pirasuhin ay hindi na niya alintana. Nagdilim na ang lahat para sa kanya. Handa siyang salubungin ng maaga ang kamatayan sapagkat maaga rin siyang nawalan ng pag-asang mabuhay.
Tumayo siya na ngayon ay wala nang emosyon. Walang takot at handa nang harapin ang destinasyon. Ang kahindik-hindik na hitsura ng mga halimaw na nasa kanya nang tapat ay inamba na sa kanya ang mga palakol. Pumikit na lamang siya upang ito'y salubungin.
Ngunit ilang sandali pa ay wala siyang naramdamang dumapo sa kanya na patalim. Kun'di isang kamay ang humawak at humila sa kanya. Gulat siya nang magmulat nang makita ang kapwa niya bata na hinarap ang mga halimaw.
Sa murang edad ay nagawa nitong puksain ang mga iyon ng walang hirap. Sapagkat sa isang kumpas ng kamay nito ay mabilis naging abo ang mga orc.
Hanggang ngayon ay hawak pa rin siya ng batang lalaki. Ngayon ay nakatingin na ito sa kanya ng masama.
"Nais mong magpakamatay?"
Nagulat siya nang magsalita ito. Walang duda na pareho lamang sila ng antas ng edad subalit sa kanyang pandinig ay tila matanda na ang kanyang kaharap.
Muli ay dinumog siya ng pighati at muling humikbi. Pilit niyang inaalis sa kanyang pulso ang hawak ng batang lalaki at pinagtabuyan ito.
"Pakialamero ka! B-bitiwan mo ako! Gusto ko nang m-mamatay!" nakapikit niya itong pinagtutulakan palayo.
Subalit ganoon na lamang ang taglay na lakas ng batang lalaki at hindi niya man lang magawang kumawala dito.
"Bakit gusto mo nang mamatay? Marami nang namatay at dadagdag pa ang iyong bangkay sa mga lilinisin." kalmadong sinabi nito.
BINABASA MO ANG
The Untold Era
FantasyShe's a warrior, not a princess. She held the sword, no crown on her head. She was destined to fly, not to sit on a throne. An armour hugged her body, Not a gown of a fragile lady. Weakness is not her taste, rage is her. Always. No one dared to come...