–In collaboration with: Alix Sol Coeus
Oh Ginoong Sol, ako 'to si Luna
na naririto upang sayo'y umamin ng nadarama,
puso ko'y binibigyan mo ng saya,
na tanging sayo ko lang nadama.Sa bawat pagpatak ng oras,
hanggang sa liwanang at gabi man ay lumipas,
hindi ka maalis sa aking isipan,
maging sa pagtulog ko ika'y napapanaginipan.Tibok ng puso ko'y hindi ko na mapigilan,
kapag ikaw na ay naririyan,
hindi na alam ang gagawin,
pag tingin sayo ay mukhang lumalalim.Bawat pintig ng dibdib ay sayo nakalaan,
ang sigla at ngiti ko'y ikaw ang dahilan,
hiling ko, ang pag ibig mo rin ay maramdaman,
Maari mo bang ako'y pag bigyan?Oh Binibining Luna,
Ang 'yong nararamdama'y di ko binabalewala
Pagtingin sa aki'y alam ko na
Hinahayaan lang kita sa iyong ginagawaOo, matagal ko nang alam
Na sa aki'y may lihim kang nararamdaman
Sa bawat araw na ika'y nakikipagdaldalan
Makikita at mapapansin na dito ang 'yong nararamdamanAlam kong pilit mong nilalabanan
Na sa akin ay huwag ipaalam
Pero minsan di natin maiiwasan at malalaban
Pag sa pag-ibig tayo'y tinamaanOh Binibining luna,
Pagpasensyahan mo na sana
Ang pag-ibig na iyong binibigay
Ay di ko matatanggap sa'king buhayAko'y isang Ginoo–
Ginoong may nakaraang magulo
Puso mo sa aki'y huwag isuko
Ayokong makasakit ulit sa duloGaya ng isang babaeng minahal ko ng todo
Pero sa huli, nasaktan ko siya ng sobra pa sa iniisip at alam ko~–Ali & Luna.
~
//Sol&Luna
°
BINABASA MO ANG
𝗣𝗮𝗵𝗶𝗻𝗮 𝗡𝗴 𝗠𝗴𝗮 𝗧𝘂𝗹𝗮
Poésie𝖣𝖺𝗆𝖽𝖺𝗆𝗂𝗇 𝗇𝗀 𝖻𝖺𝗐𝖺𝗍 𝗌𝖺𝗅𝗂𝗍𝖺, 𝖡𝗂𝗇𝗎𝗈 𝗇𝗀 𝗆𝗀𝖺 𝗍𝗎𝗅𝖺. Nagsimula ako sa maikling katha, hanggang sa ang isipan ko ay mahasa, para magsulat ng mga tula, tulang ibabahagi sa madla. Mga letra at inspirasyon, pinag-isa ng imahen...