𝖫𝗂𝗁𝗂𝗆

23 2 0
                                    

"LIHIM"

✍︎ʜᴇʏɪᴛsᴍᴇᴊᴇsɪᴋᴀ✍︎

Sa isang binata
mata'y napatingin,
Mga sulyap ko sa kanya
sana ay mapansin.

Atensyon ko'y kanyang napukaw
pati puso ko'y parang matutunaw,
sa kanyang angking galing sa pagsusulat
isa syang dakilang manunulat.

Isang tala ang nakita
binulong na sana pagpalain ka,
pagpatuloy ang iyong sinimulan
tagumpay ay iyong makakamtan.

Hindi mo man ngayon makita
marunong ako maghintay sinta,
pakipikit ang iyong mga mata
sa iyong pagmulat sana ako ay matagpuan mo na.

Sa mga bituin
ay aking hinihiling,
na sana sa pagtapos ng dilim
pag ibig ko hindi na mananatiling isang lihim.

𝗣𝗮𝗵𝗶𝗻𝗮 𝗡𝗴 𝗠𝗴𝗮 𝗧𝘂𝗹𝗮Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon