✍︎Ginoong Ulan✍︎
Ginoong Ulan,
gusto kitang pasalamatan,
dahil sumasaya ang puso ko kapag ikaw ay nasisilayan,
minsan ka lang makita na bumagsak mula sa kalangitan,
ngunit kapag ikaw na ay nagparamdam,
daig pa ang mga multo na nagkalat sa kung saan saan.Ginoong Ulan,
sabihin sa akin ano nga ba itong sayo'y nararamdaman,
mukha yatang si Buwan sayo ay tinamaan,
jusko para na yatang mahihibang,
ngumingiti mag isa kapag ikaw na ay nandyan.
Maging ang pintig ng puso ay kakaiba,
sayo ba ay talagang nahulog na,
kapag ikaw ay kausap na,
tibok ng puso ay para bang nakikipaghabulan sa isang libong kabayo,
tiyan ko'y may libo libong paruparo,
kaya Ginoong Ulan ito ang tanong ko sa iyo,
kaibigan mo ba si Kupido,
at puso ko'y pinapana mo?Ginoong Ulan,
mahal na yata kita,
ah hindi, gusto na pala kita matagal na,
tapos unti onting sayo'y nahuhulog,
nakakaloka diba dapat ikaw iyon,
dahil bubuhos ang ulan mula sa itaas,
tapos sa akin ka babagsak.
Teka muna kalma ka lang,
dahil ako'y nag sisimula pa lang,
at wala pa ako sa katapusan,
katapusan ng mga tulang sayo ko lang ilalaan,
maging ang puso ko'y sayo ko din ibibigay,
hintay ka lang huwag ka munang mahimatay.
Baka kase mamaya di mo makaya,
kilig na iyong nadarama,
ikaw din, mga tulang gagawin ko pa sa susunod baka di mo na mabasa.Ginoong Ulan,
Ako lang 'to,
huwag kang sakin ay mahiya dahil ako'y walanghiya,
gusto mo turuan pa kita
ay wag na pala diba mabait kang bata.
minsan siraulo din ako,
pero kadalasan seryoso akong tao,
oum, seryoso ako lalo na pagdating sayo.
Oh! teka huwag ka munang kiligin,
dahil may isa pa akong sasabihin,
atensyon mo'y ilaan sa akin,
pakinggan ang bawat salitang babanggitin.Ginoong Ulan,
gusto kita,
ay hindi mahal na pala kita,
salamat dahil ikaw ay aking nakilala,
salamat din dahil napagtripan ka nila na sa akin ay asarin sa tuwi' tuwina,
kung hindi, hindi siguro kita makakasama,
at hindi mo mapupukaw ang puso ko na kung tumulog parang mantika,
salamat sayo dahil ang malulungkot na paksa,
ng aking mga tula,
ay muli mong binibigyan ng kulay,
halina libre ka ng pumasok sa aking buhay.
Sige na, pwedeng pwede ka ng kiligin,
simplehan mo lang para walang makapansin,
baka kase may makakita na naman sayo at sabihing ikaw na ay nababaliw,
oo baliw na nga, baliw na sa akin.
Huwag kang mag alala,
dadalhin na talaga kita, hindi sa mental hospital,
kundi sa aming bahay.✍︎𝚘𝚛𝚒𝚑𝚒𝚗𝚊𝚕 𝚗𝚊 𝚕𝚒𝚔𝚑𝚊 𝚗𝚒 : 𝚑𝚎𝚢𝚒𝚝𝚜𝚖𝚎𝚓𝚎𝚜𝚒𝚔𝚊✍︎
BINABASA MO ANG
𝗣𝗮𝗵𝗶𝗻𝗮 𝗡𝗴 𝗠𝗴𝗮 𝗧𝘂𝗹𝗮
Poesía𝖣𝖺𝗆𝖽𝖺𝗆𝗂𝗇 𝗇𝗀 𝖻𝖺𝗐𝖺𝗍 𝗌𝖺𝗅𝗂𝗍𝖺, 𝖡𝗂𝗇𝗎𝗈 𝗇𝗀 𝗆𝗀𝖺 𝗍𝗎𝗅𝖺. Nagsimula ako sa maikling katha, hanggang sa ang isipan ko ay mahasa, para magsulat ng mga tula, tulang ibabahagi sa madla. Mga letra at inspirasyon, pinag-isa ng imahen...