"ULAN"
✍︎ʜᴇʏɪᴛsᴍᴇᴊᴇsɪᴋᴀ✍︎
Apat na letra,
isang salita,
ayaw man sa kanya ng iba,
at palaging nag rereklamo kapag darating na,
ngunit para kay Luna,
masarap sa pakiramdam kapag presensya nya
ay nandyan na.Ang langit ay nagdaramdam,
dumidilim na ang kalangitan,
mukhang papabagsak na ang ulan,
ulan na palagi kong hinihintay na masilayan.Ang malayang pag buhos ng ulan,
kasabay ng malamig na hangin ay mararamdaman,
napaka sarap sa pakiramdan,
init ng ulo at lungkot ko'y naiibsan.Gustong gusto kong pagmasdan,
ang pagbagsak neto mula sa kalangitan,
dahil sa tuwing kasama sya,
masarap humiga sa kama para magpahinga.Isip ay kumakalma,
diwa ay namamahinga,
tanging pagbagsak lang ng ulan,
ang mapapakinggan,
kasabay ng malamyong kanta,
na sa akin ay nagdadala,
sa magandang panaginip na kasama ka.
BINABASA MO ANG
𝗣𝗮𝗵𝗶𝗻𝗮 𝗡𝗴 𝗠𝗴𝗮 𝗧𝘂𝗹𝗮
Poetry𝖣𝖺𝗆𝖽𝖺𝗆𝗂𝗇 𝗇𝗀 𝖻𝖺𝗐𝖺𝗍 𝗌𝖺𝗅𝗂𝗍𝖺, 𝖡𝗂𝗇𝗎𝗈 𝗇𝗀 𝗆𝗀𝖺 𝗍𝗎𝗅𝖺. Nagsimula ako sa maikling katha, hanggang sa ang isipan ko ay mahasa, para magsulat ng mga tula, tulang ibabahagi sa madla. Mga letra at inspirasyon, pinag-isa ng imahen...