✍︎ʜᴇʏɪᴛsᴍᴇᴊᴇsɪᴋᴀ✍︎
Paki wari ko'y ikaw ay natatakot,
na baka may ibang makalusot,
sa puso mong minsan ng nasaktan,
kaya nilagyan mo na ng harang na panlaban.Ginoo ano nga bang bumabagabag sayo,
anong gumugulo sa isipan mo?
ang iyong dinadalang problema,
sabihin sa akin at baka matulungan kita.Gusto kong iyong maging buwan,
sa gabing puno ng kadiliman,
sakin magsabi ng sakit na nararamdaman,
hayaan mong pawiin ko ang iyong kalungkutan.Ngunit kapag ako'y hindi mo nasilayan,
sa gabing maulan at puno ng ulap ang kalangitan,
isipin mo na lang na ako nasa tabi mo lang,
na nakangiti sayo at ika'y pinagmamasdan.AHH! Hindi ko na malaman,
bakit ganito ang aking nararamdaman,
puso ko'y palaging kinakabahan,
kapag ikaw ay bigla na lang lilitaw sa isipan.Ako'y parang timang na naka ngiti,
na namamangha sayo palagi,
ano nga bang meron sayong talaga?
at para kang virus na kumakalat sa aking sistema.Nababaliw na ba ako?
O ako'y sadyang natamaan lang sayo?
Walang hiya ka kupido,
bakit ako pa ang pinag laruan ng pana mo?
BINABASA MO ANG
𝗣𝗮𝗵𝗶𝗻𝗮 𝗡𝗴 𝗠𝗴𝗮 𝗧𝘂𝗹𝗮
Poetry𝖣𝖺𝗆𝖽𝖺𝗆𝗂𝗇 𝗇𝗀 𝖻𝖺𝗐𝖺𝗍 𝗌𝖺𝗅𝗂𝗍𝖺, 𝖡𝗂𝗇𝗎𝗈 𝗇𝗀 𝗆𝗀𝖺 𝗍𝗎𝗅𝖺. Nagsimula ako sa maikling katha, hanggang sa ang isipan ko ay mahasa, para magsulat ng mga tula, tulang ibabahagi sa madla. Mga letra at inspirasyon, pinag-isa ng imahen...