"𝐆𝐮𝐬𝐭𝐨 𝐊𝐢𝐭𝐚"
✍︎ʜᴇʏɪᴛsᴍᴇᴊᴇsɪᴋᴀ✍︎
Salitang gustong sayo'y sabihin,
damdaming gustong sayo'y aminin,
matagal na panahon ding sayo'y inilihim,
ngunit sa paglipas ng bawat araw ay nandito pa rin.Salitang gustong sayo'y ipakita,
damdaming sayo ko lang nadama,
ngunit sa t'wing sayo ay sasabihin na,
tila ba dila ko ay hindi na makapagsalita.Kapag ikaw na ay nandyan,
tibok ng puso ay para bang nakikipaghabulan,
pakiramdam ko ay may mga paruparo sa aking tyan,
na tila ba dinadala ako sa kalawakan.Sistema ko ay nagwawala,
pagkagusto sayo ay mas lumalala,
ano na nga ba ang dapat kong gawin,
sayo ba ay kailangan ng umamin?Kaya sa tula na lang idadaan,
tulang sayo lang nakalaan,
damdaming sayo ko na ramdaman,
sana ako ay pagbigyan.
BINABASA MO ANG
𝗣𝗮𝗵𝗶𝗻𝗮 𝗡𝗴 𝗠𝗴𝗮 𝗧𝘂𝗹𝗮
Poesía𝖣𝖺𝗆𝖽𝖺𝗆𝗂𝗇 𝗇𝗀 𝖻𝖺𝗐𝖺𝗍 𝗌𝖺𝗅𝗂𝗍𝖺, 𝖡𝗂𝗇𝗎𝗈 𝗇𝗀 𝗆𝗀𝖺 𝗍𝗎𝗅𝖺. Nagsimula ako sa maikling katha, hanggang sa ang isipan ko ay mahasa, para magsulat ng mga tula, tulang ibabahagi sa madla. Mga letra at inspirasyon, pinag-isa ng imahen...