|| MANANATILI KA ||
✍︎ʜᴇʏɪᴛsᴍᴇᴊᴇsɪᴋᴀ✍︎
April 14 noong nakilala kita
naalala ko pa kung paano ka magdrama,
isa ako sa nagbigay ng payo sayo,
ngunit hindi ko alam na iyon din pala ang ikahuhulog ko.Hindi ko na lang inintindi ang nararamdaman ko,
dahil baka naawa lang ako sa sitwasyon mo,
pero habang tumatagal mas lumalala,
pag kausap ka na puso ay nagwawala.Ikaw yung lalaking di ko inaasahan,
na makakasama ko sa mga kalokohan,
nagkalat pa sa E.U pridam wall,
sweetness mo talagang nakakafall.Isa ka sa mga naging kaibigan at partner in crime ko,
lahat ng katarantaduhan ko online sinasabayan mo,
sa mga kalungkutan nandyan ka,
inaasar at binubwesit ako para lang mapasaya.Ikaw yung lalaking daig pa ang babae,
sa pagiging maattitude at pag iinarte,
kahit nga sa asaran ako ang palaging talo,
pero sa puso ko ikaw naman ang nanalo.Ikaw yung lalaking handang samahan ako,
na takasan ang magulong mundo,
mundong alam nating walang sigurado,
at lahat ng bagay ay magbabago.At nangyari na nga ang kinakatakutan ko,
ang umalis ka at magpakalayo,
nais mong takasan ang sakit na nararamdaman,
kaya nagawa mong samin ay hindi magparamdam ng ilang buwan.Ngunit ikaw yung lalaking ang hirap kalimutan,
palagi kang nagagawi sa aking isipan,
na kahit sa pagbalik mo ay iba na ang iyong gamit na pangalan,
pero ang puso ko ikaw naman ay natatandaan.Nakilala agad kita kung sino ka,
nagawa ko pa ngang mag imbestiga,
para lang makumpirmang tama ang aking hinala,
at totoo nga, ikaw ay nagbalik na.Ngunit iyon na din pala,
ang huling sandaling makakausap ka,
dumating ang birthday ko ngunit wala ka,
hinintay kita, pero hindi ka nagpakita.Naiintindihan naman kita,
alam kong busy ka,
pero masakit lang na ni hindi ka manlang nagpaalam,
hanggang ngayon hindi ka pa din nagpaparamdam.Yung mga masasayang ala-ala,
na kasama ka,
nasa puso't isipan ko pa,
ngunit yung taong kasama ko, wala na.Kaya ang nais ko lang na sabihin,
ilang taon ka mang hindi magparamdam sa akin,
mananatili ka pa rin sa aking mundo,
at hinding hindi ka malilimutan ng aking puso.Ngunit hanggang dito na lamang talaga,
tuluyan ng kalilimutan ang nadarama,
ngunit mananatili ka pa rin na aking kaibigan,
kaibigang hindi ko malilimutan.
BINABASA MO ANG
𝗣𝗮𝗵𝗶𝗻𝗮 𝗡𝗴 𝗠𝗴𝗮 𝗧𝘂𝗹𝗮
Poetry𝖣𝖺𝗆𝖽𝖺𝗆𝗂𝗇 𝗇𝗀 𝖻𝖺𝗐𝖺𝗍 𝗌𝖺𝗅𝗂𝗍𝖺, 𝖡𝗂𝗇𝗎𝗈 𝗇𝗀 𝗆𝗀𝖺 𝗍𝗎𝗅𝖺. Nagsimula ako sa maikling katha, hanggang sa ang isipan ko ay mahasa, para magsulat ng mga tula, tulang ibabahagi sa madla. Mga letra at inspirasyon, pinag-isa ng imahen...