Chapter One

3.5K 78 7
                                    

Hi future readers!

Please know that this is unedited so please read at your own risk! Thank you so much!

******
Iginala ko ang tingin sa kabuoan ng aking restaurant. Medyo madami ng tao dahil maraming dumadayo dito lalo na at kadalasan sa mga building na malapit dito ay malalaking business talaga.

May kalakihan ang branch na ito dahil nasa sentro siya kompara sa ibang branch na nasa probinsya.

It's been five years since I opened this restaurant and I just can't help but to be proud of my self.

I did this alone. Without the help of my parents or anyone..

Persephone's.

Yan ang pangalan ng restaurant ko na kinuha ko sa pangalan ng anak ko.

Napukaw ang aking pag iisip nang marinig ko ang sigaw sa isang table malapit sa pinto.

"Ano ba? Hindi ka ba nag iingat? Can't you see me? Ang tanga mo naman! "

Rinig kong sabi ng babaeng customer sa aking waitress na ngayon ay nakayuko at humihingi ng paumanhin.

"Katya, please."

Rinig kong sabi ng lalaki na nakaupo sa harap ng babaeng tinatawag niyang Katya.

Nakatalikod ito sa akin kung kaya ay hindi ko makita ang mukha nito.

"No, Zacreus! Ang tanga kasi eh! Hindi tumitingin sa dinadaanan niya kita namang nandito ako!"

Sigaw ng babae kaya't unti unti itong nakakuha ng atensyon.

"Pasensya na po ma'am. Hindi ko po talaga sinasadya."

Humihingi pa rin ng paumanhin ang aking tauhan. She was about to wipe the woman's dress but the woman dodged her hand.

Doon ko na ginustong lumapit sa table nila.

Maayos ang training ng aking mga tauhan kahit karamihan sa kanila ay mga walang experience dahil ang mga kinukuha kong trabahante ay iyong mga estudyanteng naghahanap ng pagkakakitaan upang suportahan ang pag aaral. Iyong iba naman ay mga bread winner at mga single parents.

"Don't touch me! Ang dumi mo! Let me talk to your manager! "

"Katya, can you please calm the fuck down? You're attracting too much attention!

The man said in a low, deep, husky voice.

Mahina lang ang pagkasabi niya pero rinig ko ang gigil nito.

"Hi, I am the manager. May I help you?"

Sabi ko nang makalapit sa table nila. Deretso kong tiningnan ang babae na ngayon ay nanggagalaiti na.

"Guess what? Natapanunan ako ng juice dahil napaka tanga ng empleyado mo! "

Galit na sabi niya sabay pakita sa dress na may mantsa ng juice.

"Pasensya na po ma'am, natalisod po kasi ako. Bigla kasing nag cram ang paa ko ma'am."

Nakatungong sabi ng waitress, na nakilala kong si Arya. Isa sa mga working student ko.

"It's okay. I'll take it from here. "

Sabi ko at nginitian siya dahil kita kong naluluha na siya.

Bumuntong hininga ako bago bumaling ulit sa mga customers.

"I really do apologize for the inconvenience ma'am. I will talk to her later at pagsasabihan ko po sa nangyari."

"Now, you can order anything you want as a compensation po. It's on the house."

Ngunit mas lalo pa yatang nagalit ang babae sa sinabi ko.

"I don't need a free food! Do you think I can't afford it? I can even buy this whole damn restaurant now!"

Nagpapasensyang ngumiti ako sa kanya. Iyon na nga ma'am, hindi ko naman sinabing hindi mo afford. Compensation nga diba?

Pero s'yempre hindi ko sinabi iyon.

"That's not what I meant ma'am. I apologize for that."

"Katya, that's enough! "

Noon lang ako bumaling sa lalaking kasama ng babae. Nawala na siya sa isip ko kahit nasa harap ko lang din naman siya.

Nakatikom ang mga labi nito at salubong ang kilay na tiningnan ang babaeng kasama.

"No! Gusto kong tanggalin nila iyong tangang waitress na iyon! Nakaka perwesyo siya sa mga customer dito! "

Doon na ako nawalan ng pasensya sa kanya.

Iyong ngiting pilit kong ibinigay dahil gusto ko sanang kausapin ito ng matiwasay ay unti unting naglaho.

"I believe that's impossible ma'am. I can talk to the girl and point out her mistake even when it's unintentional but you can never tell me on what should I do with my employees."

Mariing sabi ko sa kanya. Oo, na "perwesyo" siya. Na istorbo ang date nila ngunit ang sabi ng empleyado ay hindi nga niya sinasadya diba. Isa pa, iniisip ba nitong basta basta nalang nangbubuhos ang aking mga empleyado?

"What! She is incompetent! Hindi ka sana basta bastang nagha hire ng mga empleyado!"

Aba't! Pakialam mo? Hindi naman sinasadya noong tao ang nangyari! Nabuhusan lang ng konti ang damit nito akala mo mamamatay na siya bukas! Gusto pang tanggalin ko ang empleyado ko! Desisyon ka?

Rinig ko ang buntong hininga ng lalaki.

Ramdam ko rin ang gigil nito sa kasama.

"I said that's enough! The girl did not do it intentionally! They already apologized! Let's just go."

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nito. Buti pa to si sir, nakakaintindi pa.

Tumayo na ang lalaki at tumingin sa akin.

Hindi ko maiwasang hindi siya titigan dahil agaw pansin ang kanyang nunal sa gilid ng kanyang makapal na kilay. Sobrang tangos din ng ilong nito at natural na mapupula ang mga nakatikom na labi.

Umigting ang panga nito kung kaya't naibalik ko ang tingin sa mga berde nitong mga mata.

"Oh wait, I know you! "

Sabi ng babae kaya napabaling ako ulit sa kanya.

"You are that Senator's mistress right? Oh my god!"

She said with a mocking smile.

Unti unting nanlamig ang aking mga kamay. Malakas ang pagka sabi niya noon kaya't may mga customers na bumabaling sa banda namin.

Biglang tumawa ang babae na parang nasisiraan ng ulo.

"Kaya naman pala, may pinagmanahan ang mga empleyado mo. Tanga."

Biglang nag init ang aking ulo at gusto ko nalang siyang sampalin ng paulit ulit. But I composed myself even when I really wanted to pull her hair.

"Ma'am--"

"I said that's enough! "

Malakas na sabi ng lalaki at tumingin sa akin.

Samut-saring emosyon ang nakikita ko sa mga mata nito na hindi ko mapapangalanan.

Naglagay ito ng ilang libo sa mesa bago hinablot ang braso ng babae at kinaladkad paalis.

Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas ang mga ito sa restaurant.

Agad lumapit ang isa sa mga empleyado ko at nilinis ang mesa pati na ang juice na natapon sa sahig.

Nagpasalamat ako at tumuloy na rin sa aking opisina..

Dumeretso ako sa swivel chair ng aking office at doon huminga ng malalim..

Inisip ko ang sinabi ng babae kanina. Nakilala niya ako, bilang isang kabit.

Ngumiti ako ng mapait dahil unti unting bumigat ang aking dibdib.

Ang tagal na ng iskandalong nangyari ngunit araw araw parin akong hinahabol ng alaala na iyon.

A woman's dream Where stories live. Discover now