Kinabukasan ay nagising ako dahil sa isang bulinggit na tumatalon sa kama.
"Mommy! Wake up, mommy!"
Umungot ako dahil inaantok pa ako.
"It's early baby, lemme sleep first."
"No! Wake up mommy, please. Let's go to the park, mommy!"
Wala akong nagawa kundi ang gumising dahil alam ko namang hindi rin ako titigilan nito.
Dahan dahan among umupo sa kama at pagkatapos ay kumandong sa akin ang anak ko at yumakap sa leeg ko.
"Good morning, mommy!"
She greeted me and kisses me on my cheeks and my lips.
"Good morning too, baby." Sabay halik din sa mukha niya.
"You want to go to the park?".
"Yes, mommy. I want to play there. And I want you to come with me so we can play, mommy."
"It's saturday, mommy. You don't have work right?"
Dagdag pa na tanong niya sa akin. Alam na niyang every saturday and sunday ay hindi ako pumapasok sa trabaho dahil inilalaan ko iyon sa kanya.
Pwera nalang kung may emergency na kinailangan kong pumunta sa restaurant. Pero kung kaya naman ng mga empleyado ko ay hindi na ako pumupunta. I trust my employees too.
"Yes, baby. Why don't you go to yaya Fely and take a bath so we can go there na?"
Nakangiting sabi ko sa kanya.
"Okie dokie!"
Excited naman itong tumayo at tumalon sa kama.
"Careful!"
"Okay, mommy!"
Pasigaw na sagot nito dahil mabilis itong naglakad palabas ng kwarto.
Ako naman ay bumangon na rin at inayos ang kama bago nagpuntang banyo.
After kong maligo ay umupo ako sa vanity mirror at nag blower ng buhok pagkatapos ay kinulot ko ang dulo nito.
After mag lotion ay pumili na rin ako ng maisusuot.
I decided to wear a thin strapped crop top na pinaresan ko ng black highwaist jeans and a white sneakers.
Nagpulbo lang din ako dahil hindi ako mahilig maglagay ng kung anu anong kolorete sa mukha.
Pormado na ang natural na makapal kong kilay. Matangos ang maliit kong ilong na bumagay lang rin sa aking maliit na mukha. Natural na mapupula rin ang aking mga labi.
Kapag umaalis ako ay naglalagay lang ako ng ever bilena na cheek and lip tint and then I'm ready to go.
Pagkatapos kong mag perfume ay kinuha ko na rin ang sling bag ko na siyang lalagyan ko ng wallet at cellphone.
Lumabas na ako ng aking kwarto at narinig ko kaagad ang excited na boses ng anak ko sa sala kausap ang lola at lolo niya.
"Why won't you come with us, mommyla and grand dad?"
"Please."
Pilit ng anak ko habang nag puppy eyes pa. Natawa ako sa sarili ko dahil alam talaga nito kung paano kunin ang mga tao sa paligid niya.
"Naku, sweetheart. Mommyla and grand dad are already old for that. We will just wait for you to finish and then when you go home, we will watch Moana, how about that?"
"Okay! And we'll eat macaroons, too?"
Natawa kaming lahat dahil ang bilis lang talaga kausap nitong anak ko.
"Of course, we can! I will tell nanay Nelia to cook macaroons for us."
"Yehey!" Sabay palakpak pa.
Nauna na itong maglakad palabas kasama ang personal nanny nitong si yaya fely.
Bumaling naman ako sa mga magulang ko at humalik sa kanilang pisngi.
"Mag iingat kayo. Kumain na rin 'yan kanina habang naliligo ka."
Sabi ni daddy.
"Thank you mom, dad."
Tumango ako at naglakad na rin papalabas. Nakita kong nakaandar na ang sasakyan at naroon na rin sa loob si yaya fely at ang anak ko na nanonood ng barbie sa ipad niya.
Hindi naman kalayuan ang byahe kaya nakarating din kami kaagad.
Kaagad na lumabas ang anak ko at mabuti nalang naunanan siyang bumaba ni yaya fely kaya't naalalayan niya ito habang bumababa.
Nauna nang pumasok si yaya at ang anak ko dahil napaka excited nitong maglaro. Madami na ring bata ang nasa loob.
"Kuya."
Tawag ko sa driver namin.
"Balikan n'yo nalang po kami. Tatawag nalang po ako kung magpapasundo na kami, kuya."
"Sige, ma'am."
Nagsimula na rin akong maglakad papunta sa anak ko nang may nadapang bata sa harap ko. Tantiya ko ay nasa pito o walong taong gulang ito.
Huminto ako sa paglalakad tinulungan siya.
"Are you okay?"
Tanong ko sa kanya. Kaagad naman itong bumangon at pinagpagan ang damit.
"Soren."
Napabaling ako sa baritonong boses na iyon.
"Uncle, I tripped!"
Kaagad namang chineck noong lalaking pamilyar sa akin ang bata.
"Does it hurt?"
Tanong nito sa bata noong tinuro nito ang siko na siyang naitukod niya ng nadapa.
"It's okay, uncle."
Nanatili parin ako sa harapan nilang dalawa.
Ah, kilala ko na siya. Siya iyong ka date ni Katya na sa restaurant ko.
Mukhang naagaw ko ang pansin niya dahil mula sa bata ay nailipat niya ang kanyang tingin sa akin at tinitigan ang kabuoan ng mukha ko.
"Thanks."
Sabi niya kaya natanggal ko ang titig sa kanya.
Napatikhim naman ako't tumango sa kanya. Ngumiti din ako sa bata.
Nagpatuloy akong naglakad papunta sa kinaroroonan ng aking anak. I bet she's already enjoying herself now. I smiled at that thought.
Ngunit imbis na ang masaya kong anak ang madatnan doon, ay si yaya fely na nagpa panic lamang ang naroon.
Nang makalapit ako sa kanya ay nagsimula.na siyang umiyak.
"Ma'am, sorry po nawawala po si Amor." Sabi niya habang umiiyak. Amory Persephone ang buong pangalan ng anak ko at Amor ang tawag niya kay persephone dahil maiksi lang daw at madaling bigkasin.
Kinabahan naman ako kaagad sa kanyang sinabi.
"Ano? Paano nangyari iyon ate, hindi mo ba nabantayan ng maayos?"
Hindi ko na nahintay ang sagot niya at kaagad akong humingi ng tulong sa security at pati na rin sa mga taga bantay.
Pinakita ko rin ang picture ng anak ko upang madaling mahanap.
Nagsimula akong mag ikot sa lugar at nagbabakasakaling makita ko ang anak ko.
Umiiyak pa rin si yaya fely habang nag iikot din. Ang sabi niya sa akin ay sinagot lang niya ang tawag ng anak niya dahil nagkasakit daw ang isa niyang anak. Hindi naman daw siya lumayo ngunit paglingon niya wala na si persephone.
Hindi naman ako galit sa kanya dahil naiintindihan ko siya bilang nanay.
Kinakabahan lang ako at natatakot hangga't hindi ko nakikita ang anak ko na maayos lang.
Oh my god! Persephone, where are you baby?
YOU ARE READING
A woman's dream
Genel KurguShe was adored by many because of how genuinely kind she is. But when she was involved by a scandal, everyone turned their back on her. That was when she knew those people who will really stay even in the darkest times. Only her family. Will she...