Chapter Sixteen

1.8K 51 8
                                    

Hello! Unedited po ulit! Sorry in advance sa errors!

Enjoy reading!

**********

Simula noong sinabi niya na manliligaw siya sa akin ay halos wala namang nag bago. Tumatawag at nagte-text parin siya kapag walang masyadong ginagawa sa office. Minsan naman pumupunta kami sa safe place naming dalawa kapag gabi lang kami nagkikita lalo na at masyado siyang ginagawa lately.

Hindi rin niya nakalimutang kumustahin ang anak ko. Palagi. Kapag nagtatanong siya kung kumusta ako palaging may kasunod na, "Kumusta si Persephone?", "Kumain na ba siya?" , "Ano ginawa niya sa school?".

Kaya mas lalo ko siyang nagustuhan. Kahit may maliit na parte sa akin ang kinakabahan na baka mapunta na naman ako sa sitwasyon ko dati kasi hindi ko na kakayanin.

Kung masasaktan man ako ngayon, alam kong mas masakit siya kaysa sa naging relasyon ko noon.

Noon kasi alam kong tinatago ako, maski pamilya ko walang alam. Kaya noong nasangkot ako sa gulo ay malaki ang ibinagsak ko. Siguro mas galit ako kaysa sa brokenhearted.

Now, if I will take the risk of loving Zac, at kapag nasaktan ako, hindi lang ako ang masasaktan. Pati na ang anak ko.

Although hindi pa namin sinabi kay Persephone, pero alam kong mamahalin din siya ng anak ko. Ngayon palang hindi na sila mapaghiwalay.

Napukaw ako sa pag iisip ng tumunog ang cellphone ko hudyat na may nag text.

I took my phone out of my bag and checked who texted me.

Ganoon nalang ang kaba ko nang makitang pamilyar ang numero ng nagpadala ng mensahe sa akin.

Unknown number:

Alam kong nabasa mo ang mga texts ko. Can I talk to you? Can we meet?

I gritted my teeth when i read the text. Tang ina, ano pa ba ang gusto niya?

Sinira na niya ang buhay ko pero ano pa ba ang gusto niyang mangyari?

Iyong galit na nilimot ko na ay kusang nangibabaw ulit. Iyong sakit at gulong dinala niya sa buhay ko biglang nagparamdam. Iyong pangungutya ng mga tao sa akin pati sa pamilya ko ay isa isang nag flashback sa akin.

Binura ko ang text at blinock ang number na iyon.

Huminga ako ng malalim at nag relax.

Darating mamayang gabi si Zac dahil gusto niyang pormal na magpaalam sa magulang ko tungkol sa panliligaw niya.

Noong una ay nagdadalawang isip pa ako kasi ayoko pa sanang ipaalam sa magulang ko ang tungkol doon hangga't hindi pa naging kami ngunit naisip ko din na ganoon siya ka seryoso sa akin dahil handa siyang makipag usap ng personal sa mga magulang ko.

Mababait naman ang mga magulang ko. Pero alam kong mas doble ang pagka protective nila ngayon pagkatapos nang nangyari noon.

Kanina pa ako nakauwi sa bahay dahil gusto kong paghandaan ang pagdating niya mamayang gabi. Alas singko palang ng hapon kaya maaga pa.

Ang totoo niyan ay kinakabahan talaga ako mamayang gabi.

Imbis na pumirmi sa kama ay napag desisyonan kong tawagan ang bestfriend ko.

Tatlong ring palang ay sinagot na niya kaagad.

"Hey, sis! What's up?"

Sagot niya sa masiglang boses. Ang alam ko nasa maldives na sila ngayon ng fiancee niya pagkatapos nila sa singapore.

"Hi. Nadisturbo ko ba kayo?"

"Hindi! Nag s-wimming lang naman kami ngayon pero nagpapahinga pa for now. May problema ba?" She asked in a worried tone.

A woman's dream Where stories live. Discover now