Chapter Fifteen

1.8K 49 5
                                    

Hi! This is unedited so sorry na kaagad sa mga typos!

Enjoy reading!!!

+++++

Ilang araw ang lumipas simula noong makatanggap ako ng mensahe galing sa isang unknown number.

Hanggang ngayon ay iniisip ko parin kung sino ang nagpapadala ng mensaheng iyon pero malakas ang kutob kong galing iyong sa isang taong parte ng aking masalimoot na kahapon.

Bumuntong hininga ako at ikiniling ang aking ulo upang matanggal doon ang aking iniisip.

"Pang ilan mo na 'yan."

Sabi ni Zac.

Oo, magkasama kami ngayon at nandito ulit kami sa safe place namin.

"Is there a problem?" Tanong niya ulit.

Sa lalim ng iniisip ko nakalimutan kong nandito pala siya at magkasama kami. Kaagad naman akong na guilty.

"Sorry. May naisip lang ako." Mahinang sabi ko sabay bigay sa kanya ng maliit na ngiti.

He returned the smile to me. "If you have a problem that I can help, please let me know."

Sabi niya sa akin.

Hindi ako sumagot ay patuloy na tinitingnan siya. Hindi rin siya bumawi ng titig.

Ang kapal ng kilay niya at ang ganda ng porma na akala mo'y pina gawa talaga. His deep set almond shape eyes are so intense na kung hindi mo siya kilala ay aakalain mong napaka suplado niya. Pati ilong na sakto lang ang hugis pero ang tangos na nababagay rin sa kanyang makapal at natural na mapupulang labi.

Napukaw ako sa pag iisip ng kinagat niya ang pang ibabang labi.

Tumikhim ako at ibinaling ang tingin sa harapan....kung saan kitang kita ang city lights.

"How are you?" Tanong ko sa kanya. Ilang araw din kasi kaming hindi nagkita dahil may problema sa kompanya nila.

"Naayos ko na ang gusot sa kompanya..sorry kung hindi kita napuntahan."

Mayroon kasing kumukuha ng pera sa kompanya nila. Noong una ay hindi pa napansin kasi maliit na halaga lang at napagtakpan rin kaya hindi kaagad na aregluhan. Iyong huling pangyayari ay may dalawang milyon na ang nakuha kung kaya't kinailangan niyang magtrabaho overtime upang maayos ang gusot dahil ayaw niyang umabot pa ang balita sa mama nila. Baka ma stress lang rin daw.

"It's okay. Nasanay naman na din akong bahay to restaurant tapos bahay ulit ang routine ko."

He chuckled and bit his lips again.

Ganoon nalang ang kabog ng dibdib ko ng hawakan niya ang mga kamay kong nasa mga hita ko.

Nilaro laro niya iyon bago siya nagsalita.

"Oly..." He said in a low deep voice.

Dumoble ang tibok ng puso ko wala pa naman siyang sinabi. Hindi ko rin napigilang kagatin ang ibabang labi ko bago tumingin sa kamay kong hawak niya patungo sa mata niya.

He licked his lower lip na once again before facing me.

"Alam kong...alam kong hindi kapa handang magmahal ulit.."

"Alam kong hindi naging madali ang pinagdaanan mo...pero pwede ba akong manligaw?"

Mahina akong napasinghap. Hindi kaagad nakasagot dahil sa lakas ng kabog sa dibdib ko na animo'y gustong lumabas sa dibdib ko.

Kahit na ganoon ay nakayanan ko paring magsalita at magtanong sa kanya. Hindi ko tinanggal ang mga mata ko sa mata niya. Ganoon din siya sa akin.

"B-bakit? B-bakit ako?"

"Bakit hindi ikaw?" Balik tanong niya sa akin.

Tinanggal ko ang kamay ko sa hawak niya at bumaling ng tingin sa harapan. Akala ko ay kakayanin kong tumitig sa kanya ng matagal ngunit napaka intense ng mga mata niya na parang hinihigop ako kaya tinanggal ko ang tingin sa kanya.

I put my hands on my lap again and curled them into a fist.

Bakit kasi ako? May anak na ako...bakit sa akin niya gusto?

"Kung iniisip mong dahilan ay may anak ka na...mas lalo kitang nagustuhan sa parteng iyan."

Biglang sabi niya na para bang nababasa niya ang naiisip ko.

"You are an amazing and a strong woman that you were able to surpass your struggles. You fought the battle that you were once in which made me appreciate you more. You are more than just a single mom. You are a wondermom."

Sa sinabi niya ay hindi ko napigilan ang luhang pumatak sa mata ko. I chuckled even when my tears are falling. Umiiyak ako hindi dahil nasasaktan ako. Kundi dahil sobrang na touch ako sa sinabi niyang iyon.

Hinawakan niya ulit ang mga kamay ko at iniharap ako sa kanya.

Pinisil niya ang mga kamay ko bago pinahid ang mga luha ko gamit ang dalawa niyang kamay.

"Don't think too low of yourself. You are more than anything else, baby."

He said that while still wiping my tears. Tumungo ako at kinagat ang mga labi. Kung kanina ay doble dobleng kabog ang nararamdaman ko sa aking dibdib, ngayon ay naging kalmado ito at napalitan ng mga paru parong nagsasayawan sa sikmura ko dahil sa itinawag niya sa akin..

Normal lang bang umiyak sa kilig?

Kusa ko nang pinahiran ang basang mukha ko kaya wala siyang nagawa kundi ang tanggalin ang mga kamay niyang nasa mukha ko.

Huminga ako ng malalim upang makalma ang pakiramdam...

Kung papayag ako sa panliligaw niya. Ibig sabihin noon ay pumapayag na akong papasukin siya sa buhay namin ni Persephone.

Handa na ba akong mangyari iyon? Handa na ba akong masaktan ulit?

Ano ka ba, Olympia? Hindi pa nga nagsisimula ang sakit na kaagad ang naiisip mo?

Hindi ko lang maiwasan dahil hindi madaling sakit ang naramdaman ko noon.

Sa panahon na magkasama kami ni Zac, nakikita ko naman talagang mahilig siya sa bata. Pero iba parin talaga kung sariling anak mo iyon. Hindi ko lang maiwasang isipin ang sasabihin ng mga tao kapag nakikita nilang nakikipag relasyon ang isang single na bachelor sa isang dalagang ina.

I took a deep breath once again. Napaka unfair ko naman sa mga iniisip ko tungkol kay Zac, ni hindi ko pa siya nabigyan ng pagkakataon pero heto at ang tindi na ng pag overthink ko. Nadamay lang siya sa trauma ko.

"You can still think about it...hindi naman ako nagmamadali. No pressure." He chuckled after saying that.

"Handa ka bang mahusgahan ng ibang tao? Na nakikipag relasyon ka sa isang babaeng may anak na? Na ibinalitang naging kabit ng senador?"

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na unti unting nawawala ang ngiti niya at sumeryoso ang mukha niya.

"Hindi ako naniniwala sa balitang iyon kung iyon ang iniisip mo. Sa maikling panahon na magkasama tayo ay mas lako ko lang napatunayan iyon.

Sabi niya at huminto saglit at bumuntong hininga.

"Hindi mahirap mahalin si Persephone...napaka bait at bibo niyang bata. Higit sa lahat... Mahal na mahal ka niya at wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Kung iisipin ko sila, hinding hindi ako tuluyang magiging masaya."

Lihim akong napangiti sa sinabi niya.

"At oo, mahal kita." Sabi niya ulit.

Unti unting nawala ang ngiti ko at napalitan iyon ulit ng malakas na kabog sa dibdib at mga paru parong matagal ng nakakulong sa sikmura ko.

Mas lalo lang lumakas iyon dahil inulit niya pa.

"Mahal kita."

A woman's dream Where stories live. Discover now