"Are you nervous?" Tanong ko kay Zac.
Simula kasi kaninang pag alis namin sa bahay ay ang tahimik na niya. Hindi ko naman siya makausap ng maayos.
"Are you not?" He asked me back.
I chuckled.
Papunta kasi kami sa OB ko dahil sa buwanang check up. I am now seven months pregnant at ilang buwan ay manganganak na rin.
"Why are you nervous? Malalaman na natin ang gender ni baby mamaya."
"I am nervous but thrilled, okay? Just give this to me love." He said and then kissed my hand.
Hindi kasi kami nagpa ultrasound para malaman ang gender noong mga early months. Gusto ko iyong klarong klaro na si baby para hindi na umulit. Ngayon, seven months na ang tiyan ko at sigurado akong malalaman na namin ang gender ni baby.
Kaming dalawa lang ang papunta sa ospital ngayon dahil may pasok ang panganay namin. Gusto nga mag absent pero hindi pinayagan kaya sinabi nalang namin na susunduin namin siya pagkatapos namin magpa check up.
Pagkarating namin sa ospital ay kaagad nag park si Zac. Kaagad rin siyang bumaba at umikot upang mapagbuksan ako ng pinto at alalayang bumaba. Hinalikan niya pa ako sa labi bago kami nagsimulang maglakad.
Napangiti nalang ako. Mas lalo lang siyang naging sweet simula noong maging maayos ang kalagayan niya. Hanggang ngayon ay bumabawi pa rin ako sa kanya dahil feeling ko parin hindi ko siya deserve.
Alam ko namang alam niya ang nararamdaman ko kaya araw araw niya ring ipinaalala sa akin na hindi ko kailangang bumawi. Na iyong pagkakataong binigay ko sa kanya upang makapasok sa buhay namin ay sapat na daw.
Lalo pa noong nalaman niyang buntis ako. Sobra sobra na daw ang naibibigay ko sa kanya. Ngunit kahit ganoon ay pinipilit ko paring bumawi sa pamamagitan ng pagpapakita kung gaano ko siya kamahal. Sa mga maliliit na bagay na alam kong importante sa kanya.
"Ms. Samonte." Tawag sa akin noong assistant ng doctor.
"I really hate people calling you by your last name." Nakabusangot ang mukhang sabi ni Zac.
Natawa ako dahil hindi pa kasi kami nagpakasal. Ayoko kasing makasal nang malaki ang tiyan. Pagka panganak ko naman, as long as kaya ko na, magpapakasal naman kasi kaagad. Gusto niya ng church wedding pero gusto ko talaga ng beach wedding. Gusto ko sa amanpulo. Siyempre, pinagbigyan niya ako. Lahat ata nang gugustuhin namin ay ibibigay niya.
Inaalalayan niya akong pumasok sa loob at sabay rin kaming bumati sa OB ko.
"How are you, Ms. Samonte?"
"I'm fine, Doc. We're fine." I smiled at her.
"Are you ready to find out the baby's gender?" Nakangiti niyang tanong sa amin.
Tumingin ako kay Zac sa gilid at nakitang nakatiim ang mga labi niya. I squeezed his hands to let him know that everything will be alright. Aalamin lang naman namin kung babae ba o lalaki ang anak namin!
Pinahiga ako ng doctor at may inilagay siya sa tiyan ko. Alam ko naman na ito dahil naranasan ko na ito noong ipinagbubuntis ko pa si persephone.
"Doc, pwede po bang pumasok ang asawa ko dito?"
"Sure! Why not?"
At pagkatapos ay tinawag niya si Zac. Kasama ko si Zac sa loob ngunit may shower curtain kasi kaya hindi niya makikita ang result.
Nang makapasok siya ay hinawakan niya kaagad ang kamay ko at hinalikan ito at sabay kaming nanonood sa screen.
"The baby's position is good. And wow, congratulations you're having a baby boy!" The Doctor said and smiled at us.
I also smiled and looked at my boyfriend. I found him wiping his tears. Napaiyak naman ako sa nakikita ko. Mapula pula na ang mata niya dahil nagpipigil ng luha ngunit hindi siya nagtagumpay dahil tumulo parin ito. Kaagad niya akong niyakap at hinalikan sa labi habang sabay kaming umiiyak sa saya. Hinalikan niya rin ang tiyan ko at kita ko sa mga mata niya ang pagmamahal at excitement.
On our way home, we decided to buy things for our baby since alam naman na namin ang gender ng anak namin. Dadaanan lang muna namin ang panganay namin upang isama sa pamimili. I'm sure sasaya iyon lalo pa't hiniling noon na sana lalaki ang baby sibling niya.
Masaya rin ang mga pamilya namin noong malaman nilang lalaki ang ipinagbubuntis ko. I mean, kahit anong gender naman ay okay lang sa aming lahat as long as healthy.
Wala na akong mahihiling pa sa diyos. Na sa akin na ang lahat. May lalaking tanggap at nagmamahal sa akin at sa anak ko. Nagkakasundo ang pamilya namin at ngayon ay magkakaroon na nang bagong miyembro ang pamilya namin.
Alam ko namang hindi lang puro saya ang mararanasan namin. Dati, ayokong makaramdam ng kasiyahan dahil alam kong babawiin rin iyon. Ngunit ngayon? Masaktan man ako ng ilang beses alam kong nandito lahat ng mga mahal ko sa buhay para sa akin.
Kaya sa lahat ng mga single mom na nangangarap magkaroon ng lakaking tatanggapin sila, huwag kayong mawalan ng pag asa. Mayroon at mayroong natatanging lalaking mamahalin ang lahat ng sa iyo.
At kung hindi palalaring magkaroon, okay lang. Ang importante kontento ka sa kung anong meron ka. Hindi naman lahat umiikot sa pag ibig. Iyong anak mo ang kayamanan mo higit sa lahat.
Nang dumating kami sa paaralan ng panganay namin ay nakita namin itong nakaupo kasama ang bagong nakilalang kaibigan. Inilipat na namin ito sa ibang paaralan simula noong trahedya.
Hindi nahirapang mag adjust ang anak ko dahil natural na natural sa ugali nito ang maka adapt sa environment kahit saan pa ilagay.
Nang makita niya kami ay nanlaki ang mga mata nito at tumayo mula sa pagkakaupo. Inayos ang bag at tumakbo papunta sa amin.
Sabay kaming natawa ni Zac.
"Mommy! Dada!"
Since hindi na ako makayuko ay si Zac ang sumalubong ng yakap sa panganay namin. Kinarga niya ito upang mahalikan ako.
"How's our baby, mommy?" She asked.
"Well, we have a good news for you."
Ipinasok muna siya ni Zac sa back seat at sinigurong maayos ito bago ako pinagbuksan ng pinto sa passenger seat at nagmadaling umikot papasok sa driver's seat.
"What is it mommy?" She looks so excited na marinig ang surprise. Nagkatinginan kami ni Zac at sabay na natawa.
"You'll be having a baby brother!"
She squeeled and clapped her hands.
"Oh my geee!" She said while holding her face with her two hands.
Nagtawanan kaming mag anak habang papunta sa mall.
Bumuntong hininga ako at hinimas ang tiyan ko.
Hindi ako magsasawang magpasalamat sa diyos sa sobra sobrang blessing na ito..
Zac glanced at me and whispered I love you.
This man never fails to make me feel loved.
We are really blessed to have him.
YOU ARE READING
A woman's dream
General FictionShe was adored by many because of how genuinely kind she is. But when she was involved by a scandal, everyone turned their back on her. That was when she knew those people who will really stay even in the darkest times. Only her family. Will she...