Malalim na ang gabi noong makarating ako sa bahay. Tahimik na ang lahat at feeling ko ay natutulog na sila.
Pagka park ko ng sasakyan ay kaagad akong bumaba. I was so exhausted with the talk with Keith. Bigla akong napagod noong matapos ang pag uusap namin.
Pagka panhik ko sa taas ay dinaanan ko ang kwarto ng anak ko. I carefully opened the door in her room and went up to her. I silently sat on the side of her bed.
I took the strands of her hair on her face and put it behind her ear. Tinitigan ko ang mukha ng anak ko habang iniisip ang mga sinabi ng ama nito sa akin.
I felt like my heart was sliced into two. I was not hurt for me, I was hurt my daughter who is longing for a dad that doesn't want her.
Masama mang pakinggan ngunit magandang desisyon ang hindi ko pagpapakilala sa kanya sa ama niya noon. Dahil bukod sa siguradong kasal pa ito ay ayaw naman pala nito ng anak.
Bago paman ako mapaiyak ay mahina kong pinahiran ang luha ko at hinalikan siya sa kanyang noo.
Maingat akong tumayo at isang beses pa itong tiningnan bago tuluyang lumabas ng kwarto nito at tumuloy sa silid ko.
Pagka pasok ay umupo kaagad ako sa kama at sumandal sa head board habang ipinikit ang mga mata.
Ang isip ko'y patuloy na bumabalik sa pangyayari kani kanina lang.
Bigla na namang sumiklab ang galit sa puso ko nang maalala ang sinabi ni Keith. Did he really expect me to come back running to him once he's already single? Did he really think that I still want to have a life with him?
And, he said he divorced his wife. I just hope it's not because of me. Makokonsensya ako kung ako ang dahilan dahil babae rin ako. I know what they did to me was worst but his wife is also a victim. She just saved me from the hell that I am in and even my life was runined because of that, I did not even once wish for their marriage to fall apart.
Sa kalagitnaan ng aking pag iisip ay tumunog ang aking cell phone na nasa aking bag. Masyadong tahimik ang aking kwarta kaya rinig na rinig ko ito.
Kahit pagod ay pinilit kong tumayo sa kama upang makuha ang telepono.
And when I checked who called, it was an unknown number.
Humigpit ang kapit ko sa cell phone ko dahil naiisip kong baka si Keith na naman ito. Ano pa bang gusto niya? Sinabi ko na sa kanya na ayaw ko ngang makipagbalikan sa kanya! Nagpakita lang ako dahil sa anak ko!
Hindi ko ito sinagot at tinitigan lang hanggang sa huminto ito.
I was about to block the number but before I could do that, a message came in. Followed by another one.
Unknown number :
Is this Olympia?
Unknown number :
This is Jeff, Zac's bestfriend.
Kumunot ang noo ko sa nabasa. Why would Jeff contact me? I don't remember giving my number to him. I mean it's okay because he's Zac's friend but this is just unusual. Kinakabahan tuloy ako kaya imbis ma mag reply ay tumawag ako.
Dalawang ring lang ay sinagot niya naman kaagad ako.
"Hello?"
Sabi niya at rinig ko pa ang maingay na tugtog sa background niya. Mukhang nasa club niya siya.
"Hey, Jeff." Sabi ko sa kanya but I doubt he heard that since malakas ang tugtog sa background.
"Oly, hey. Can you fetch this bastard here? Kanina pa siya nag iinom ayaw naman sabihin ang problema." Sabi niya sa medyo malakas ang boses. May narinig pa akong pamilyar na boses na parang lasing na nagsasalita sa background niya.
Kaagad kumabog ang aking dibdib. Hindi ako nagkakamali. Boses niya iyon. Boses ni Zac iyon. Akala ko ba nasa singapore siya? Na bukas pa ang uwi niya? Anong ginagawa niya sa club?
Bago pa ako makasagot ay biglang naputol ang linya pero isang mensahe ang dumating galing sa unknown number na nag text kanina na ngayon ay sinave ko na sa pangalan ni Jeff.
Jeff :
Please fetch him here, kanina pa 'to inom na inom and he's almost passed out. Ayaw sabihin ang problema sa'kin.
Iyon ang sabi niya sa text niya at nagsend pa ulit ng huling mensahe na nasa club niya sila.
Hindi na ako nagbihis at nagmamadaling bumaba hawak ang cell phone at susi ng sasakyan.
Nagsinungaling ba siya sa akin? Bakit hindi siya nagsabing ngayon pala ang dating niya? Bakit di man lang siya nagparamdam ngayong araw kung nakauwi na pala siya? O dumalaw man lang sa amin?
Bumuntong hininga ako habang nagda drive at malalim ang iniisip.
Kakausapin ko at tatanungin ko siya ng maayos. Walang mangyayari kung magco-conclude kaagad ako. Baka iyon ang ikasira namin.
Baka may problema lang siya kaya kinailangan niyang mag inom. Oo tama. Talagang mag uusap tayo Zacreus Hanniel.
Suminghap ako't nakitang malapit na ako sa club at noong makarating ay naghanap kaagad ako ng lugar kung saan pwedeng maka park.
Medyo malayo iyon sa entrance kaya kinailangan ko pang maglakad.
Nakalinya pa ako sa mga taong papasok sa club. Dagsaan kaya medyo mahaba rin ang linya ng tao.
Hindi ko natanong kung saang banda sila nakaupo kaya tinext ko si Jeff para mas madali ko silang mahanap. Ang dami pa namang tao baka abutin ako ng siyam siyam.
Pagka pasok ko sa loob ng club ay ang malakas na tugtog at ang nakakahilong ilaw ang sumalubong sa akin.
Kinailangan ko pang ipagsiksikan ang sarili ko para makadaan man lang. I saw people making outs on each corner of the club ngunit binalewala ko lang kasi club naman ito.
Patuloy ako sa paglalakad papunta sa kung nasaan ang magkaibigan at noong malapit na ako ay nakita ko silang dalawa doon sa couch. Si Jeff na halatang nakainom ngunit hindi pa gaanong lasing at ang taong laman ng isip ko kani kanina lang.
Nakasandal siya sa upuan, ang ulo ay nasa sandalan ng couch.
Lasing na lasing ah.
YOU ARE READING
A woman's dream
General FictionShe was adored by many because of how genuinely kind she is. But when she was involved by a scandal, everyone turned their back on her. That was when she knew those people who will really stay even in the darkest times. Only her family. Will she...