Unedited!
Enjoy reading!
+++++++++
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako upang magpahanda ng pagkain.
Dumiretso ako sa kusina at sinabi kay ate Gina, isa sa mga helper namin ang mga ulam na ihahanda para mamaya.
Maya maya ay naririnig ko ang boses ng aking mga magulang at pati narin ang boses ng anak ko sa living room kaya't pumunta ako doon upang sabihin sa mga magulang ko ang pagdating ni Zac.
Nakita kong nanonood na naman sila ng Moana dahil ang anak ko'y walang kasawaan sa movie na iyan.
Nakaupo ang anak ko sa sofa bed na nasa gitna ng living room dahil iyon ang gusto niyang pwesto habang ang mga magulang ko naman ay magkatabi sa sofa na nasa likod ng anak ko.
"Ma, pa."
Tawag ko sa mga magulang ko sabay upo sa tabi ni mama. Sabay naman silang lumingon sa akin.
Kinagat ko muna ang ibabang labi ko bago nagsalita.
"M-may bisita po ako mamaya." Sabi ko sa kanila na may nginig pa sa boses. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung okay lang sa kanila o baka hindi dahil na nga sa nangyari noon.
Matagal bago may magsalita sa kanilang dalawa.
"Sino?"
"Si Zacreus po." Sabi ko sa mahinang boses.
"Uncle Zac is coming over, mommy?"
Hindi pa man nakasagot ang mga magulang ko ay nauna nang magtanong ang anak ko. Ang lakas na ng volume ng pinapanood niya pero narinig niya parin iyon.
Nilingon ko siya ay binigyan ng maliit na ngiti.
"Yes, baby."
She stood up and went up to my lap and sit there.
"Grand dad! Mommyla! Uncle Zac is coming over! I will introduce you to him...he's mommy's new friend."
Sabi ng anak ko na pumapalakpak pa.
Tumawa naman ang mga magulang ko dahil sa kabibohan ng anak ko.
"Really? Is he handsome too?" Pagpatol ni mama kay Persephone.
"Yes! So handsome, mommyla! He looks like superman. But with whiskers!" My daughter said. She even put her to palms on each side of her face na para bang kinikilig.
"More handsome than me?" Nakangiting tanong naman ni papa.
"Of course not, grand dad! You are the most handsome in the whole wide world!" Pasigaw na sagot naman ng anak ko dahilan ng tawanan namin.
"Okay! We'll meet your uncle Zac tonight. Let's see if he's kind too."
"He is, mommyla and Mommy likes him too!"
Oh my god baby.
Alam ko namang iba ang ibig sabihin ng anak ko pero sa panunuksong tingin ng mga magulang ko ay alam ko na iba ang pagkakaintindi nila doon.
Ngumiwi nalang ako upang maitago ang pag iinit ng pisngi ko. At nakahinga narin ako nang maluwag dahil alam kong payag narin silang nagpapunta ako ng lalaki ngayon nang hindi sila nasabihan ahead of time.
Pinagpatuloy namin ang panonood ng Moana at ngayon ay sumasabay na sa pagkanta ni Moana ang anak ko.
Maya maya ay lumapit ang isa naming katulong upang ipagpaalam na dumating na ang bisita ko.
Excited naman ang anak ko at sumama pa sa akin sa pagsundo sa kay Zac sa labas habang ang mga magulang ko ay dumiretso sa kusina upang tingnan ang mga naihandang pagkain.
Pagkalabas namin ng gate ay nakita kong naka park ang sasakyan niya habang siya ay nakasandal sa hood nito na may bitbit na bulaklak. Isang bouquet at isang piraso ng sunflower.
When our eyes met, he automatically smiled. Iyong ngiting kita ang ngipin. Habang ako at binigyan din siya ng maliit na ngiti dahil sa dagundong ng dibdib noong lumapit siya.
"Uncle Zacky!"
Tawag ng anak ko sa kanya sabay yakap sa binti niya. He laughed and crouched down to kiss my daughter on her cheeks and gave her the sunflower.
"For you, little princess."
My daughter giggled at whwt he said habang tinatanggap ang flower.
"And for you, mommy." Sabi naman niya sabay bigay ng bouquet sa akin..
Ganoon nalang ang pagsasayawan ng paru paro sa katawan ko nang marinig ko ang tinawag niya sa akin.
"Wow! This is beautiful, uncle Zac. Thank you!" My daughter said and she tiptoed and pouted like wants to give Zac a kiss. Naintindihan naman iyon ni Zac at yumuko upang mabigyan siya ng halik ni Persephone sa pisngi.
After that, he carried her in his arms na gustong gusto naman ng anak ko at nangunyapit pa sa leeg nito.
"Thank you for the flowers..." Pagpapasalamat ko sa kanya.
Tumaas ang dalawang kilay niya sabay ngisi sa akin.
"Wala bang kiss si mommy sa'kin?" Mahinang sabi niya sa akin dahil karga niya ang anak ko.
Namula ang mukha ko sabay yuko at nagpatinuna sa pagpasok ng bahay. Hindi ko pinansin ang sinabi niya kaya rinig ko ang mahinang halakhak niya.
Kanina pa'to ah! Sa text pa to tukso nang tukso sa akin!
Habang papasok sa bahay ay rinig ko ang pag uusap nilang dalawa ng anak ko. Nagtanong ang anak ko kung nasaan si Soren at kung bakit hindi nito kasama.
Pagkapasok ng bahay ay nagpa baba naman ang anak ko at tumakbo papuntang kusina kung nasaan ang mga magulang ko.
Pagkawala ng anak ko ay kaagad ko siyang kinurot sa kanyang braso dahilan ng kanyang paghalakhak.
Ang gandang pakinggan ng tawa niya.
"Kanina ka pa ah! Nanggigigil na ako sa'yo!" Mahinang sabi ko sa kanya at akmang kukurutin siya ulit ngunit bago mangyari iyon ay nahawakan na niya ang kamay ko at pinagsiklop ang mga kamay namin bago bumulong.
"Nanggigigil na rin ako sa'yo. Cute mo, mommy."
Sabi niya sabay ngisi.
Pagkarating namin sa dining room ay nakita ko ang mga magulang kong nakatingin na sa amin padausdos sa mga braso naming magkadikit hanggang sa mga kamay naming magkasiklop.
Pormal ang mukha ni papa habang kinagat naman ni mommy ang labi niya na nagpipigil ng ngiti.
I just hope that this dinner goes well.
YOU ARE READING
A woman's dream
General FictionShe was adored by many because of how genuinely kind she is. But when she was involved by a scandal, everyone turned their back on her. That was when she knew those people who will really stay even in the darkest times. Only her family. Will she...