Chapter Eleven

1.9K 48 11
                                    

Kaagad kaming napatingin sa boses na iyon.

It's Katya.

Hindi kaagad ako nakapagsalita dahil nahihiya ako. Isa isa kong tiningnan ang mga kasama namin at kita kong naguguluhan sila sa sinabi ni Katya.

Hindi ko naman magawang tingnan si Zac. Dahil nahihiya ako.

"Mistress, who?"

Hindi ko alam kung sino ang nagtanong dahil nanigas nalang ako sa kinauupuan ko.

*Oh, you don't know?" Sabi ni Katya pagkatapos ay tumawa ng malakas.

Gusto ko ng lumabas at umuwi nalang.

"First, the senator. Then now, Zacreus? Really?"

Nagbaba ako ng tingin at kita ko sa gilid ng aking mga mata na pinagtitinginan ako ng mga kasama namin. Some of them gasped.

"Katya, what is your problem?"

Sabi ni Zac sa tabi ko.

"That bitch! Ang hilig niya talagang makisawsaw. Napaka mang aagaw! Unang una iyong senator and then you!"

Tatayo na sana ako at aalis na ngunit mayroong humawak sa kamay ko kung kaya't nanatili akong nakaupo.

"First of all, whatever happened to someone's life is none of your goddamn business. Second, wala siyang inagaw sa'yo because I'm not yours. C'mon! We both know that my mom only set me up on a blind date with you. And that's just once!"

Sabi ni Zac habang pinipisil ang kamay kong hinawakan niya.

Mas lalo namang nanggagalaiti ang babae sa sinabi nito.

"Na masusundan pa sana kung hindi lang dahil sa babaeng iyan! She's the reason why you don't reply to my messages?"

She scoffed after saying that. Nilingon ko si Zac at nakitang umiigting ang kanyang panga. Pinisil ko pabalik ang kanyang kamay at tiningnan siya sa mata. Nakikiusap na huwag nang patulan dahil unti unti na kaming nakakakuha ng atensyon.

"And really? Sa babaeng kabit na may anak ka lang papatol? I mean, c'mon, Zac! Instant daddy ka?"

Sabi niya sabay tawa ng malakas. Uminit ang aking pakiramdam at nagsimulang manginig ang kamay ko sa galit. Bago paman ako makapagsalita ay naunahan na ako.

"Excuse me, but this is an exclusive party miss. I don't even know you and I don't have any idea why you were able to come inside. So please, go out before I call the security."

Sabi ni Jeff kay Katya. Ngunit makapal lang siguro ang mukha ng babae dahil tinawanan lang si Jeff.

"Are you kidding me? This is a club!" Sabi pa ni Katya. Halatang nakainom.

"This is a freaking club and I own it. Now, kung ayaw mo ipakaladkad kita sa labas, please just go out."

Sabi ni Jeff na ngayon ay nakatayo at na ready nang tumawag ng security.

She put both her hands up in the air as if she qwas surrendering. May ngisi parin sa labi niya.

"Alright! Ayoko din namang magtagal dito at baka mahawa pa ako."

Sabi niya habang tumitingin sa akin bago tumalikod at umalis.

Huminga ako ng malalim bago nagtaas ng tingin sa mga kasama namin.

"Sorry." I said and pursed my lips.

Ngumiti lang sila sa akin at tumango. Walang ni isang nagtanong tungkol sa nangyari.

"No, sorry. Hindi ko alam kung sino ang nagpa pasok sa kanya dito."

"That's okay, dude. I only met with her because of mom. And I can't fathom the idea of dating someone who can't even respect other people."

Sabi ni Zac na hanggang ngayon ay nakahawak pa rin sa kamay ko.

Nag settle na ulit kaming lahat at nagpatuloy na akala mo ay walang nangyari.

Pero iyong mga sinabi ni Katya sa akin kanina ay nakatatak na sa isip ko.

Hindi lang ako sumasagot sa kanya kasi pakiramdam ko, wala akong obligasyon na sabihin sa kanya ang nangyari dati. And I felt like I don't owe her anything.

Ano ngayon kung mayroon nang anak ang babae? Hindi na ba siya deserving mahalin?

Isang pisil sa kamay ko ang aking naramdaman dahilan kung ba't ako napabaling kay Zac.

Nagkatinginan kami ng matagal na animo ay nag uusap ang aming mga mata. Hindi na kinailangan ng maraming salita dahil pakiramdam ko nababasa niya sa mga mata ko ang naiisip ko't nararamdaman ko.

Ngumiti siya sa akin ngunit hindi ko magawang ngumiti pabalik. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko na matagalan ang intensidad sa titig niya.

Bumaling ako sa harap, sa mga kasama namin ngunit hindi ko binawi ang aking kamay.

Dalawang shot lang ang nainom ko dahil mababa ang alcohol tolerance ko. Hindi rin masyadong uminom si Zac dahil alam naman niyang magmamaneho siya.

Alas tres na ng madaling araw nang matapos kami.

Nagpasalamat ako sa kanilang lahat lalo na kay Jeff at bumati ulit.

Ngayon, nasa kotse na kami ulit. Tahimik na bumabyahe.

Maya maya ay binasag niya ang katahimikan.

"You're a great mom. You love your daughter above anyone else."

Sabi niya na parang alam niya talaga ang naiisip ko.

"There's nothing wrong with loving a single mom. I know for sure, they love more than they can give." Sabi niya.

Sumulyap siya saglit sa akin at tumingin ukit sa daan.

At ito na naman iyong mga paru paro na kumikiliti sa tiyan ko.

It's just that, he exactly knows what to say.

Tiningnan ko ang side profile niya. Ang tangos ng ilong.

Huminga ako ng malalim bago ibinaling ang mga mata sa kalsada.

"Iyon naman talaga ang tingin ng mga tao sa mga single mom. Tingin nila mga disgrasyada kaya wala nang magmamahal." Sabi ko at binigyan siya ng mapait na ngiti.

"That's not true. Don't listen to what other people will say. Don't let everything they say matter to you. The importante thing is, you believe in you."

Bumaling ako sa kanya na siya namang pagbaling niya dahil naka stoplight pa. Nagkatinginan kami at sa puntong ito, ako naman ang nagbigay ng ngiti sa kanya na siyang nagpangiti din sa kanya bago bumalik sa pagda drive.

Alam ko naman iyon. Walang ambag ang mga tao sa buhay kaya wala silang karapatang apihin ako. At hangga't wala silang ambag sa buhay ko, hindi rin counted ang opinyon nila.

A woman's dream Where stories live. Discover now