Unknown number :
Oly.
Unknown number :
Please talk to me.
Tinitigan ko nang may kunot sa noo ang text na na receive ko kanina. Hindi lang ito. Marami pa.
Alam ko naman na kung sino ito ngunit ang hindi ko maintindihan ay bakit patuloy parin siya sa pagco- contact sa akin kahit ang klaro klaro na nang pag uusap namin.
Ayaw niya sa anak ko which is okay lang sa akin. Gusto niya makipagbalikan ako sa kanya na napaka impossible dahil bukod sa ayoko nang bumalik sa kanya, may iba na akong mahal. Ang gusto ko lang ay mapagbigyan ang anak kong makilala ang ama niya at mabigyan siya ng pagkakataon upang maging ama sa anak ko.
I deleted the text and blocked his number. I think it's about time to change my number. Ayoko ring may iisipin si Zac tungkol dito lalo na ngayong parte na siya ng buhay ko.
Pagkatapos ng gabing pag uusap namin ay madaling araw na kaming umuwi. Nag convoy kami at hinatid niya ako sa bahay. Gusto nga niyang gisingin ang mga magulang ko at ipaalam na kami na. Ganoon siya kasaya at ka excited.
Humingi rin ako ng pasensya dahil hindi ko sinabi sa kanya ang pakikipagkita ko kay Keith. Sinabi ko na plano ko talagang sabihin sa kanya nang gabing iyon pero iyon nga, napangunahan siya ng pangamba.
Darating siya mamaya dahil plano naming mamasyal kasama si Persephone. Naisipan din namin na ngayon sabihin kay Persephone ang totoo. Masasaktan ang anak ko ngunit alam kong maiintindihan niya. Pero hindi ko kinakalimutan na kahit ganoon man ay bata parin ang anak ko, gaano man ka mature ang pag iisip niya.
Daddy love ❤️ :
I'm on my way, mommy. See you! I love youuu
Yes. Pinalitan niya ang pangalan niya sa phone ko. Nakita ko kasi sa phone niya na naka save ang pangalan ko bilang "momma love ❤️". Ang lakas ng tawa ko noong nakita ko iyon at parang nahihiya pa siya kaya bilang ganti ay pinapalitan din niya iyong pangalan niya. Gusto ko rin naman. Ang cute niya nga eh.
"Mommy!"
Napukaw ang aking atensyon dahil sa pagtawag ng anak ko.
"Hi, love!" Nakangiting sabi ko habang inilahad ang dalawang braso upang mayakap siya.
Pagkalapit niya sa akin ay inilagay niya ang teddy sa kamay at kumandong sa akin.
"Mommy, I miss you. Do you have work today?"
"No, love. Mamamasyal tayo today. Guess who will be with us?" Tanong ko habang nakangiti. Umaakto siyang nag iisip at inilagay pa ang daliri sa ulo.
"Hmmmmm....mommyla and grand dad?"
"No, baby"
"Then who, mommy?" She asked while pouting her lips.
"Uncle Zac."
Nanlaki ang mata niya at humagikhik pa.
"Really, mommy? I miss Uncle Zac mommy!"
"Yes, baby. He's on his way here so we better take a bath now and prepare. How about that?" Sabi ko habang iniipit ang takas niyang buhok sa magkabilang tenga niya.
"Yehey! Let's go, mommy!" Bumaba na siya galing sa pagka kandong sa akin at pumunta na sa banyo.
Dumeretso na rin ako doon upang sabay kaming maligo.
Pagkatapos naming maligo ay inuna kong asikasuhin ang anak ko at pagkatapos ay nagbihis na rin ako. Naka matching baby pink romper na off shoulder pa kaming dalawa. Hinati ko ang buhok niya sa gitna at brinaid ang mga ito. Ako naman ay nagponytail upang ma emphasize ang off shoulder na suot.
Excited na humawak sa kamay ko ang anak ko at sabay kaming pumanaog sa hagdan.
"Oh, here they are!" Narinig kong sabi ni mommy.
"Uncle Zac!" Excited na sigaw ni Persephone kay Zac na nakaupo sa harap ng mga magulang ko.
Hindi kaagad siya nakasagot dahil natulala siya sa akin o sa amin at natauhan lang noong marinig ang hagikhik ng anak ko pagkalapit namin. Kaagad siyang tumayo at lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi at sa labi. Namula ang pisngi ko dahil nandoon ang mga magulang ko at hindi ko pa nasasabi sa kanila ang tungkol sa amin ni Zac.
Ngunit nang makitang may mga ngiti ang kanilang mga labi ay alam ko nang sinabi na ni Zac sa kanila.
"Me too, Uncle! Persephone wants kisses too!" Sabi ng anak ko.
Lumuhod si Zac sa harap ng anak ko.
"Of course, princess. You are so pretty today." Nakangiting sabi ni Zac.
Nanlaki naman ang mata ng anak ko at ngumiti na animo'y kinikilig.
"Really, Uncle? Prettier than mommy?"
Wow, anak? Nakikipag kompetensya ka na sa akin ngayon?
Kidding aside. Ang cute nila tingnan. Nanatili lang kaming nakangiting tatlo ng mga magulang ko at nanonood lang sa kanila.
"Mommy is beautiful and amazing and you came from her so you are beautiful and amazing too." Malumanay na sabi ni Zac sa anak ko at hinalikan niya ito sa noo at pisngi pagkatapos ay tumayo na si Zac at hinawakan sa kamay ang anak ko.
"Ohmygee! You heard that, mommy!" Nakangiting baling ng anak ko sa akin. Tumango naman ako sa kanya habang nakangiti parin.
Tinawag ko si yaya Fely upang dalhin si Persephone sa labas at doon maghintay dahil gusto kong kausapin sandali ang mga magulang ko. Gusto kong pormal na sabihin sa kanila ang tungkol sa amin ni Zac.
Magkatabi kaming umupo ni Zac sa harap nh mga magulang ko.
"Mom, dad." Tawag ko sa mga ito.
"I know Zac already told you about us but I just want to formally tell you as your daughter. Kami na po."
Ngumiti ang mommy ko at tumango naman si Daddy.
"I just want you and Persephone to be happy, anak. We will support you kung saan kayo masaya." Sabi ng mommy ko.
Hinawakan ni Zac ang kamay ko at ipinatong sa hita niya.
"I will do my best to make them happy, sir, ma'am."
"Call us tito and tita, Zac. Or mom and dad if you want." Humalakhak na sabi ni mommy.
"Basta ang gusto ko lang namang sabihin ay kung hindi mo na sila kaya, o kung magsawa kaman sa kanila, ibalik mo lang sila sa amin. Huwag mo lang saktan." Natahimik kami dahil sa sinabi ni papa.
"Hinding hindi po mangyayari iyon, tito. Mas magsasawa si Oly sa akin at baka ako ang ibalik niya sa mommy ko." Sabi niya sabay ngisi na siyang ikinatawa ng mga magulang ko.
Pagkatapos ng pag uusap na iyon ay kaagad na kaming lumakad dahil naiinip na rin ang anak ko.
Magkahawak kamay kaming naglakakad papunta sa sasakyan niya nang may mga ngiti sa labi. Huminga ako ng malalim dahil punong puno ng saya ang dibdib ko.
Thank you, lord.
YOU ARE READING
A woman's dream
Aktuelle LiteraturShe was adored by many because of how genuinely kind she is. But when she was involved by a scandal, everyone turned their back on her. That was when she knew those people who will really stay even in the darkest times. Only her family. Will she...