Nakaupo ako ngayon sa kama ko habang tinititigan ang address na nakalagay sa mensahe kung saan kami magkikita.
Kinakabahan man ay wala akong magagawa kundi ang siputin siya dahil utang ko 'to sa anak ko.
Wala rin naman akong balak magtagal doon. Kakausapin ko lang siya at ipapaalam ang tungkol sa anak ko kung hindi niya pa alam.
Kung matatangap man niya ang anak ko at gusto niyang makita, kahit ayaw ko man ay wala akong magagawa dahil hiling iyon ng anak ko.
Hindi ko pa rin nasasabi sa mga magulang ang tungkol dito dahil alam kong tututol sila sa gagawin ko. Pero hindi lang ang sarili ko ang dapat kong isipin. Karapatan ng anak ko 'to.
Ilang taon na niya akong binigyan ng pagkakataon na sabihin sa kanya ang tungkol sa ama niya ngunit ngayon lang siya tuluyang nagtanong.
Magkikita kami mamayang gabi. Mabuti nalang at malayo ang ibinigay niyang address dahil ayoko na ring makitang kasama siya ulit at magkakaroon na naman ng isang malaking issue.
Bukas pa ang dating ni Zac galing singapore at naka handa na ang surprise ko para sa kanya. Sasagutin ko na siya bukas. Wala naman akong balak patagalin ang panliligaw niya pero gusto ko lang maranasan ang maligawan ulit. Iyong panliligaw na hindi itinatago.
Balak ko ring sabihin sa kanya ang lahat ng ito bukas. Napaka importante kasi ng pinuntahan niyang conference at ayokong dagdagan ang problema at iisipin niya.
Nagpakawala ako ng isang buntong hininga at pagkatapos ay napagdesisyonan kong maligo na. Kinakabahan ako sa magiging pagkikita namin dahil baka magsimula na naman ito ng panibagong issue.
Habang naliligo ay kung saan saan nagpunta ang isip ko. Gaya ng ano kaya ang pakiramdam na makitang muli ang isang taong may malaking kasalanan sa iyo at ni hindi manlang humingi ng tawad? Iyong taong nakasakit sa iyo ng malala, na ikinasira ng iyong buong pagkatao lalong lalo na sa pamilya mo.
Ilang taon kong binuo ang sarili ko. Ilang taon akong nagsikap na yakapin ang pira pirasong bubog ng puso at pagkatao ko. Sobrang hirap pero nakayanan ko.
Nakayanan ko ring magmahal ng isang tao kahit na pakiramdam ko ay wala na akong maibibigay na pagmamahal. Iyon ang anak ko.
Akala ko dati ay hindi ko siya mamahalin dahil sa tatay niyang sinaktan at sinira ang buhay ko. Pero noong marinig ko ang iyak niya at mahawakan siya, humingi ako ng pasensya sa diyos at sinabing okay lang masaktan kung ang ganda ng regalong binalik sa akin.
Kaya gagawin ko ang lahat mapasaya ko lang ang anak ko.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Halter top at highwaist jeans lang ang isinuot ko.
Maya maya ay nag drive ako patungo sa address na ibiniya niya. Inagahan ko na kasi baka ma traffic ako't ayoko ring matagalan. Wala ang mama at papa ko dahil ipinasyal nila si Persephone.
Habang nagda drive ay unti unti akong kinakabahan. Hindi ko alam kong paano ko siya haharapin na hindi makakaramdam ng galit.
Siguro, mabuti narin ito na makita ko siya nang masiguro kong wala na akong kahit na anong nararamdaman sa kanya. Kasi hindi deserve ni Zac iyon. Deserve niyang mahalin ng buo.
Pagkarating ko sa restaurant na iyon ay kaagad akong nag park. Ilang beses akong nagpakawala ng malalim na hininga bago ako tuluyang bumaba ng kotse.
Pagka pasok ko ay nalaman ko kung bakit dito niya niya gustong makipag kita, tago kasi ang lugar at iilan lang ang nandoon.
May lalaking biglang lumapit sa akin at giniya ako sa isang room. Feeling ko ay VIP room ito. Nakita kong may dalawang lalaking nakatayo sa may pinto kaya naisip kong mga body guard niya iyon.
Binuksan noong isang bodygurad ang pinto at kaagad nagtama ang mga mata naman dahil nakaharap siya sa pinto mismo.
Nagtagal ang titig ko sa kanya. Biglang nag flash back lahat ng pangyayari noon hanggang sa eskandalong nangyari. Ito iyong lalaking minsang nagturo sa akin kung paano magmahal. Ito iyong lalaking pinaniwala ako na walang mali sa pagmamahal ko. Ito iyong lalaking nanloko at nagbilog sa akin. Ito iyong lalaking sumira ng buhay ko.
Nagising ako sa pag iisip nang marinig ko ang pagsarado ng pinto. Ngayon, kung tahimik sa labas ay wala ng mas tahimik pa dito sa loob.
"Oly..." Tawag niya sa akin.
Hindi kaagad ako nakasagot sa kanya at tinitigan ang kabuuan ng kanyang mukha.
Now, I can finally say that I no longer love this man in front of me. I can no longer remember how it felt when I fell in love with him because that love was forbidden. It should not be felt. I can remember everything, every memories we had but I can't remember how it felt when I was in that memory.
Tumikhim ako at naglakad papunta sa mesang kinauupuan niya. Iikot na sana siya upang ipaghila ako ng upuan ngunit naunahan ko na siya kaya umupo na rin siya sa harap ko.
"May gusto akong sabihin sa iyo. Importante ito."
Deretsong sabi ko. Ayoko ng magpaligoy ligoy pa. Gusto ko na kaagad umuwi at makipag usap nalang kay Zac. Miss na miss ko na talaga siya.
"Me too. I have something important to tell you." Sagot niya naman sa akin. Hindi ako sumagot kaya nagpatuloy siya.
"But first...I just want to say sorry for everything. For leaving you behind and for not reaching out right after what happened." Paghingi niya ng tawad.
Ginagap niya ang isang kamay ko na nasa mesa. Kaagad kong kinuha ang kamay ko na para bang napapaso. Naisip ko na naman si Zac.
"Let's not talk about it anymore I-"
"No. No, I know I was wrong and I know it's all my fault-"
"It was, All of it was your fault. Napatawad na kita bago ka pa man humingi ng tawad. Pagkatapos ng nangyari ay ginusto kong mamuhay ng matiwasay kaya pinatawad kita kahit ganoon kalaki ang galit ko sa iyo." I gritted my teeth while saying that. Iyong galit na matagal ko ng pinatulog ay biglang nagising.
"I-i know. I'm so sorry." Nagsusumamo niyang sabi sa akin.
Tumungo ako at huminga ako ng malalim upang kumalma bago tumingin sa kanya.
"May gusto ka pa bang sabihin? Kasi kung wala na, ako na ang magsasalita." Seryosong sabi ko sa kanya.
"Gusto ko sanang bumawi sa iyo sa nangyari noon at sa kasalanan ko sa iyo. Gusto ko lang malaman mo na totoong minahal kita. Naging miserable rin ako noong nawala ka sa buhay ko. At ngayon na hiwalay na kami ng asawa ko, gusto ko sanang bumawi sa iyo at humingi ng isa pang pagkakataon kasi Oly...mahal pa rin kita."
YOU ARE READING
A woman's dream
General FictionShe was adored by many because of how genuinely kind she is. But when she was involved by a scandal, everyone turned their back on her. That was when she knew those people who will really stay even in the darkest times. Only her family. Will she...