Chapter Eight

2.2K 51 3
                                    

Unknown number:

Hi, this is Zac. You can save my number if you want. :)

Nakagat ko ang aking mga labi pagkatapos mabasa ang text na natanggap ko.

Nagdalawang isip pa ako kung rereplyan ko pero napagpasyahan kong huwag nalang at i-save nalang ang number niya. Pagkatapos noon ay pumasok sa ako sa banyo at naglinis ng katawan.

Pagkauwi namin kanina ay knock down agad ang anak ko sa antok at pagod dahil na rin sa sobrang kulit nito.

Dumalo kasi kami ng birthday ng classmate niya at inimbitahan lahat silang kaklase nito sa party kaya wala akong choice kundi ang pumunta.

Noong una ay nagdalawang isip rin akong pumunta dahil baka pag tsimisan lang ako ng mga nakakilala sa akin doon.

Wala akong kaibigan o kakilala sa mga magulang ng classmates ni Persephone dahil si yaya Fely ang nagbabantay sa kanya kapag nasa school at pumupunta lang ako kapag may importanteng announcement o meeting pero pagkatapos din niyon ay umaalis ako kaagad.

Kahit noong pagdating namin sa venue ay ngumiti lang ako sa kanila at nanatili lang ako sa gilid kasama si yaya Fely, pinapanood ko lang si Persephone na sobrang aliw sa mga palaro kaya ayun, tumba pagkauwi.

Pagkatapos niyon ay nagpasalamat ako sa nag imbita. Mabait naman silang magpamilya at sobrang aliw din nila sa anak ko kasi napaka active sa palaro.

Pagkauwi nga namin ay nakatulog kaagad ito kung kaya't pinahiran ko na lang ito ng wet wipes sa buong katawan at pinalitan ng damit upang komportable ito matulog.

At iyon na nga, nakatanggap ako ng text kay Zac.

I was anticipating for his text few days after I gave him my number and I don't understand why.

I did my best not to interact or even entertain men anymore but with him, it's just so easy to trust. And that made me scared.

Bumuntong hininga ako at tinapos din ang pagligo.

After changing into a pair of pajamas, I wiped my hair and waited for it to dry first before going to sleep.

Umupo ako sa kama at tiningnan ulit ang cellphone bago ito kinuha.

I clicked the message that I received from him earlier.

Ako:

Saved.

Nagdalawang isip pa ako bago i-send pero sa huli sa sinend ko rin.

Ano ba? Pwede ka namang hindi magreply at i-save nalang ang number niya!

Pero gusto ko lang naman din malaman niya na na-receive ko ang text niya.

Sige. Palusot pa.

I bit my lips and turned my phone into silent mode since my daughter is already sleeping.

I was staring at something when I realized that he will come over tomorrow. Well, dalawa sila ni Soren.

But nonetheless, that thought made me feel giddy inside.

Shit talaga.

I sighed once again and forced myself to sleep. Not because I am excited for tomorrow, but because I don't really like where my thoughts are going.

I was about to sleep when my phone lighted up. I took it thinking that it came from my bestfriend who is in singapore with her fiancee but no, it came from that someone I was just thinking.

Zacreus:

Thank you. Excited to see you tomorrow! :)

I pursed my lips after reading it. Butterflies in my stomach are awakened.

And with that, another text came in.

Zacreus:

And princess, too! :)

Nangiti ako sa huling message niya. Na hindi niya talaga kinalimutan ang anak ko.

Hindi na ako nag reply at natulog na rin ako.

Alam ko namang hindi nakalimutan ni Persephone ang pagpunta ni Zac and Soren bukas sa restaurant. Masyadong matalas ang memorya ng anak ko na hindi mo siya pwedeng pangakoan kung hindi mo matutupad kasi maalala't maalala niya iyon.

Kaya alam kong kinabukasan, mas mauuna pa iyang magising sa akin at siya pa ang magpapaalala sa akin.

Iyon ang huli kong naisip bago ako kinain ng antok.

Kinabukasan, nagising na naman ako dahil sa pag gising sa akin ng isang bulilit.

Sabi na sa inyong mauuna pa iyang magpaalala sa akin kung anong meron ngayon.

Iminulat ko ang aking mga mata at tiningnan ang anak ko na nakatunghay sa akin.

"Mommy, today is saturday! Uncle Zac and Soren are coming over to the restaurant!"

I smiled at her.

"Good morning to you, madam."

Humagikhik ang anak ko at humalik sa akin.

"Good morning, mommy ko!"

I put kisses all over her face that earned me a laugh from her.

"Why don't you go and take a bath now? I'll go ahead and prepare for today too!"

Sabi ko sa kanya habang inaamoy ko ang kili kili niya.

Tumawa siya bago sumagot. "No, mommy! It tickles!"

Humalakhak din ako at pagkatapos ay inaalalayan na din siyang bumaba.

Bumuntong hininga muna ako bago tuluyang bumangon at naghanda para maligo.

After taking a bath, I did my morning routine and chose what to wear for today.

I checked myself in the mirror once again. They said I looked like Ester Exposito, the one who played as Carla in Elite, a series on netflix. And I believe that, it's just that I have expressive and sharp eyes.

One last look and I am good to go. Habang pababa sa hagdan ay narinig ko ang anak ko na nagku kwento.

Nang makita nila ako ay agad na tinapos ng anak ko ang pagkain at humalik sa pisngi mg aking mga magulang bilang pagpaalam at nauna na g lumabas kasama si yaya fely.

"She said her friend is coming over today?"

My mom asked me.

I pursed my lips and without removing my eyes on her, I nodded.

"Hmmm... With her friend's uncle?"

Dagdag niya pa na may aliw sa mga mata.

"Yeah, she was talking about a certain "Uncle Zac" too. You know him?"

"Yeah, he was the one who found Persephone when she got lost in the park. I invited them to treat them as a thank you."

I explained to them kasi baka iba ang intindi nila sa pagpunta ng mga ito.

"Well, I won't say too much. You know what you're doing."

They smiled at me and I kissed them both before heading outside.

Nang makapasok na sa sasakyan ay chineck ko muna ang anak ko bago nagsabing aalis na.

Hmmm...I wonder what will happen today?

A woman's dream Where stories live. Discover now