Final Chapter

2.6K 58 19
                                    

OMG THIS IS THE LAST CHAPTER OF THIS STORY!!!!

UNEDITED!

+++++++±++++++++++++++±++++++++
Inilagay ko ang dalang bulaklak sa puntod na nasa harap at nagdasal. Limang taon na ang lumipas simula noong masalimoot na nangyari sa amin.

Ilang taon na rin simula noong mawala siya sa mundo. Hindi ko inaasahan na mangyayari ito. Nasaktan rin ako sa pagkawala niya. Ni hindi manlang kami nabigyan ng pagkakataon na makapag usap.

Sana ngayon ay payapa ka na.

Sayang at hindi man lang tayo nakapag usap dahil sa sobrang hirap ng mga nangyari ay mas pinagtutuunan ko ng pansin ang mga importanteng bagay...at mga importanteng tao sa buhay.

Nagdasal ako ng tahimik at maya maya ay tumayo na rin mula sa pagkakaupo.

Inilibot ko ang tingin sa sementeryo. Nakakakilabot ang tanawin na iyon. Mga taong nagpaalam na sa mundo. It's just shows na lahat tayo ay may oras lang dito sa mundo. Kaya gawin mo na ang gusto mong gawin. Maging masaya ka kung gusto mo as long as wala kang nasasaktang ibang tao. Hindi kasi natin alam ang mga mangyayari...maaring ngayon o bukas ay ikaw naman ang magpapaalam sa mga mahal mo sa buhay.

Bumuntong hininga ako at tiningnan ulit ang puntod na nasa harapan.

Thank you for everything. The happiness, the sadness, the hurt and the pain. May your soul rest in peace.

Goodbye, Keith.

Bumuntong hininga ako bago tumalikod at naglakad papuntang sasakyan.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang isipin ang mga nangyari noon.

Noong akala ko ay kukunin na sa amin si Zac.

Nanigas ako ng marining ang sinabi ng doktor. "He didn't make it....Zac didn't make it.." Tears keep streaming down my face but what the doctor said keeps on repeating in my head.

When it sinked in, I just broke down on my knees and cried my heart out.

"No!...he's a-alive! He's alive!"

Paulit ulit na sinabi ko.

Maya maya lang ay may nurse na dumating at kinausap ang doktor ngunit hindi ko na magawa pang makinig sa kanila dahil sa pag iyak ko. Parang pinipiraso ang puso ko at tanging si Zac lang ang makapag babalik ng mga iyon.

Hindi pwede! Hindi pa namin natupad ang pangarap namin ni Zac! Hindi pwedeng mawala siya!

Maya maya ay naramdaman ko nalang na may dumalo sa akin at hinahaplos ako sa likod.

"Anak..." Boses pa lang ay kilala ko na. Niyakap ko kaagad si mommy Rina at doon umiyak sa balikat niya. Niyakap niya rin ako pabalik..

"Everything's gonna be okay. My son is a fighter. And he loves you, so I doubt if he'll just go without marrying you".

She said that while caressing my hair and my back pero ramdam ko ring nasasaktan siya. Magkayakap kaming dalawa at magkatulong na inaalo ang isa't isa.

Iyong akala naming tuluyan ng mawawala si Zac noong araw na iyon ay nagpapabasag sa amin ngunit kaagad ring binawi dahil lumabas ulit ang doktor at kinausap kami.

He lived. He fought for us. Ilang segundo lang daw ay nagka heartbeat ulit si Zac kaya't tarantang taranta ang lahat upang i-check ito. Ang sabi ng doktor ay sobrang rare daw ang nangyari dahil hindi lahat ay ganoon ang kaso. Hindi ko na narinig ang mga sinabi ng doktor dahil napahagulhol nalang ako ulit dahil sa saya. Sobrang sikip ng dibdib dahil sa halong sakit at saya.

Nawalan ako ng malay noong araw na iyon at na confine din sa mismong ospital. Ang mommy ko ang aking nakita noong nagising ako. Isang araw daw akong tulog dahil sa pagod at stress. Pagkatapos niyon ay ibinalita niya sa akin ang sitwasyon ko.

A woman's dream Where stories live. Discover now