Chapter Thirty Five

1.9K 45 3
                                    

Pagkasabi ko tungkol sa nangyari kay Zac ay kaagad niyang pinaharurot ang sasakyan. Nagmamadali ngunit may pag iingat parin.

Pinahiran ko ang aking mga luha dahil naisip kong hindi iyon makakatulong sa sitwasyon. Sinulyapan ko si Zac at nakita ko ang lamig sa mga mata niya. Ang mga kilay ay salubong ngunit kung titingnan mo ay mahinahon lang siya.

Kanina pa siya tahimik simula nang sabihin ko ang sinabi ng guro ng anak namin.

Pagkarating namin sa eskwelahan ay hindi ko na hinintay na ipagbukas niya pa ako ng pintuan at sumabay na din sa pagbaba niya. Hinawakan niya kaagad ang kamay ko pagkaikot niya papunta sa akin at magkahawak kamay kaming nagmamadaling maglakad papunta sa loob.

Sinalubong kami ni Mrs. Almacen na guro ni Persephone. Kitang kita ko ang takot sa mga mata nito lalo na noong tiningnan nito ang katabi ko.

"M-ma'am."

"Anong nangyari sa anak ko? Nasaan ang anak ko?" Kaagad kong tanong kahit unti unti na naman akong naiiyak dahil sa pag alala. Ramdam ko ang pagpisil ni Zac sa hawak niyang kamay ko.

"M-may m-mga pulis po s-sa l-loob. G-gusto po nila kayong m-makausap." Naiiyak na sabi niya.

Walang pagdadalawang isip na pumasok kami sa loob ng classroom ni Persephone. Wala nang mga bata na sa tingin ko ay pinapauwi dahil sa nangyari. May dalawang pulis ang nandoon sa loob pagka pasok namin.

"Kayo po ba ang magulang ng nawawalang bata?"

"Yes. We are the parents. Care to explain what happened with our daughter?"

Nakatiim bagang na tanong ni Zac sa kanila.

Tumingin ang pulis sa guro kaya't tiningnan ko din ito.

"N-naglalaro l-lang po ang mga b-bata sa p-playtime nila s-sir. N-noong sinundo k-ko na s-sila ay nakita kong b-bitbit na s-siya ng i-isang lalaki p-palabas."

"Nakita n'yo ba ang mukha ng lalaki?" Tanong ng isang pulis.

"H-hindi po. N-nakatalikod na po ito pagkakita ko."

"What about the security guards?" Tanong ni Zac.

"N-nag cr d-daw po saglit iyong n-naka duty at h-hindi na nahintay ang p-papalit sana sa p-pwesto niya."

Hinilot ko ang ulo dahil bigla itong sumakit. Masakit ang dibdib ko sa pag alala sa anak namin.

"Sabi ninyo ma'am na nakita mo ang likod ng lalaking kumuha sa bata. Pwede mo po bang ma describe sa amin?"

Tumango ang guro. "S-siguro magka height s-sila ni s-sir. M-may t-tattoo po sa b-bansang s-siko."

Ganoon nalang ang pagyanig ng mundo ko nang marining iyon. Si Keith. Wala akong ibang kilalang lalaking may tattoo sa siko. Siya lang. At sa naiisip ko sa mga nangyayari sa mga nagdaang araw, iyong parang may tumitingin at nanonood sa akin kapag lumalabas ako, iyong may sumusunod na kotse sa akin sa tuwing umaalis ako. Ngayon nagpatagpi tagpi ko na.

Nilingon ko si Zac at tumulo ang luha ko.

"Si Keith."

Ganoon nalang ang pag igting ng kanyang panga nang marinig ang sinabi ko.

"Kilala n'yo po ba ma'am?"

Tumango ako. Nanghingi sila ng mukha ni Keith kaya't kaagad kong sinabi kung sino siya. Kitang kita ko ang pagkagulat sa mga mata nila at ang unti unting pagliwanag sa mga mukha nila habang nakatingin sa akin na para bang may naalala. Kinagat ko ang aking labi dahil doon pero wala na akong pakialam.

"He is the biological dad. But I am her father now. Please do whatever you have to do to find her as soon as possible." Sabi ni Zac.

Umalis na ang mga pulis pagkatapos sabihing gagawin nila ang lahat upang kaagad mahanap ang anak ko. Inihatid naman ng guro ang mga ito sa labas.

Kasalukuyan akong nakaupo ngayon habang si Zac ay nasa labas at nakikipag usap sa kung sino. Ang sabi niya ay hihingi rin siya ng tulong sa mga kakilala niya.

Habang patuloy na iniisip ay ganoon nalang ang pagsiklab ng galit sa loob at ang ngit ngit sa kalooban.

Putang ina!

Gusto ko sanang isipin na gustong makasama ni Keith ang anak ko ngunit sa tuwing naiisip ko iyong pag uusap namin. Iyong kung gaano siya ka tutol tungkol sa bata at kung paano niya sinabi na magpapakasal kami at aalis ngunit hindi kasama si Persephone ay umiinit ang ulo ko sa galit.

Nabalik ang atensyon ko nang tumunog ang telepono ko.

It's my mom calling. I texted them about what happened. I heard my mom's hysterical voice when I answered the call.

"Mom, the police are doing their best. Pati si Zac ay nanghingi na rin ng tulong. Calm down."

Ang lakas ng loob kong magsabing calm down ngunit ako naman itong hindi mapalagay at gustong pumunta kahit saan at maghanap mismo kay Keith!

"That son of a bitch! He is really luring you in his life again, huh? Hindi pa talaga sapat ang pagsira niya sa buhay mo noon!"

Sandali ko pang kinausap ang mga magulang ko. Si daddy na alam kong galit na galit na rin ay humingi na rin ng tulong sa kakilala niya.

Pagkatapos ng pakikipag usap ko sa mga magulang ko ay siya namang balik ni Zac sa loob.

Hindi ko na napigilang yumakap sa kanya at iniyak ang galit at poot pati ang pag aalala sa anak namin.

"Shhhh..we will find her. As soon as possible. I'll make sure of that." Sabi niya habang hinahaplos ang buhok at ang likod ko. Naramdaman ko rin ang paghalik niya sa ulo ko.

Maya maya ay napagdesisyonan naming umuwi muna. Ayoko pa sanang umuwi at maghintay nalang doon ngunit pagabi na. Ang sabi ng mga pulis ay tatawagan nila kami kapag may balita na.

Tahimik ang byahe namin pauwi. Napagpasyahan namin na sa bahay namin uuwi. Hawak ni Zac ang kamay ko at maya maya ay ramdam ko ang pagpisil niya sa kamay ko. Ipinararamdam sa akin na kasama ko siya. Na hindi ako nag iisa. And I appreaciated him so much.

Tahimik ang byahe namin kaya't rinig na rinig ang pagtunog ng cellphone ko hudyat na may mensaheng dumating.

Parang apoy na sumiklab ang galit sa kaibuturan ko nang mabasa ang mensahe.

Unknown number :

If you really love your daughter, come and get her. Alone.

A woman's dream Where stories live. Discover now