Chapter Thirty Nine

2.1K 43 5
                                    

UNEDITED! PLEASE LEAVE YOUR THOUGHTS AND VOTES!

FACEBOOK : AQUARIUSPEN WP
TWITTER :AQUARIUSPENWP

+++++++++++++++++++++++++++++++++

Zac was shot on his chest. Near his heart.

Magta tatlong buwan nang naka confine si Zac sa ospital. Hindi basta- basta ang tama niya, malapit ito sa puso kung kaya't kinailangan itong obserbahan pa. Ngunit ang ikinabahala ko ay hanggang ngayon hindi parin ito nagigising dahil sa dami ng dugong nawala nito dahil sa tama ng baril.

Kasalukuyan akong nasa ospital ngayon at nasa kwarto kung nasaan si Zac. Halos ilang beses palang akong umuwi sa bahay at dito na nagka kampo sa ospital.

Hindi mawala sa akin ang pag alala. Gusto kong nandito ako kapag magigising na siya.

Paminsan minsan akong umuuwi sa bahay upang alamin ang kalagayan ni Persephone kahit naman binabalitaan din ako ng mga magulang ko.

Nagka trauma ang anak ko dahil sa nangyari. Simula pa noong kidnapin siya ni Keith at nakita niya pa ang pag baril ni Keith kay Zac. Para sa isang bata ay sobra sobra ang pangyayaring iyon. Ilang araw itong hindi makausap at bigla nalang iiyak kapag may makikitang tao na hindi nito kilala. Hanggang sa pagtulog ay ganoon siya. Biglang magigising at iiyak. Kaya't inilapit ko siya sa isang propesyonal dahil hindi ko kayang makitang ganoon ang anak ko.

Bawat impit at iyak niya ay tila sugat sa puso ko. She was diagnosed with PTSD o Post Traumatic Stress Disorder at salamat sa magaling na psychologist na tumulong sa amin lalo na sa anak ko. Ngayon ay unti unti na itong bumalik sa dating sigla. Hindi na rin ito naiiyak sa tuwing nakakakita ng ibang tao.

Alam din nitong nasa ospital ako dahil kay Dada Zac niya. Gusto nga nitong sumama ngunit hindi namin pinayagan dahil baka ma apektuhan siya at ma trigger pa ang masaklap na ala ala niya sa masamang pangyayari.

Nakilala ko na rin ang mama ni Zac. Noong isinugod ito sa ospital pumunta din ang mama nito sa ospital kung kaya't kahit hindi planado ay nagkakilala kami.

Tanda ko pa ang nangyari noong araw na iyon.

Nasa harap ako ng emergency room kung saan ipinasok si Zac. Karga ko parin ang anak ko at sabay paring lumuluha at humahagulhol kaya't kahit gusto akong kausapin ng mga pulis ay hindi nila magawa kaya't umalis na lang muna ang mga ito.

Maya maya ay dumating ang mga magulang ko at kinumusta ako. Niyakap nila kami ng mahigpit lalo na ang anak kong nakatulog dahil sa pagod at stress.

Sinamahan ako ng mga magulang ko at maya maya ay dinala si Persephone sa doktor upang mapatingnan din. Gusto nila akong isama ngunit ayaw kong umalis doon sa kinauupuan ko kaya wala silang nagawa kundi ay umalis nalang.

Biglang bumukas ang pinto ng emergency room kaya napatayo ako kahit kinakabahan.

"Relatives of the patient?"

Bago ko pa maitaas ang kamay ko ay may nauna nang sumagot. Isang babaeng hinihingal na akala mo ay ilang metro ang itinakbo ngunit makikita mo ang pag alala sa mukha nito.

Dumoble ang kaba sa dibdib ko nang mabanaag ang mukha ng babae. Hawig kay Zac. Kaya oo, ina niya ito.

"I'm the mother. Where's my son?"

Halo halo ang nararamdaman ko. Pahod, takot, kaba at pag alala ngunit ginawa ko ang lahat upang makalma ang sarili at tahimik na nakikinig sa sinasabi ng doktor.

Pagka alis mg doktor ay tiningnan ko ang ginang na nanatiling nakatayo kung saan sila nag usap ng doktor. Nakita kong nagpahid ito ng luha sa pisngi. Kinagat ko ang aking mga labi dahil doon.

A woman's dream Where stories live. Discover now