Chapter Twenty Five

1.8K 41 0
                                    

Pagkarating ko sa bahay ay nadatnan ko ang parents ko na nagka kape sa garden.

Pagka baba ko ng kotse ay dumeretso ako sa kanila.

"You went out last night?" Tanong ni mama sa akin.

Umupo ako sa bakanteng upuan sa harap nila ni papa bago sumagot.

"Yeah. Pinuntahan ko lang po si Zac. Nalasing kasi walang mag uuwi."

Tumango si mama. Hindi rin naman sila nagtanong kung bakit naglasing si Zac at buti nalang kasi wala akong maisasagot. Mahapdi parin ang dibdib ko dahil sa pag trato niya sa akin pero baka may pinagdadaanan lang siya kaya iintindihin ko siya.

"Hindi ka ba pupuntang restaurant ngayon, anak?" Tanong ni papa sa akin.

"Pupunta pa. Pero maaga rin akong uuwi. Ako ang susundo kay Persephone mamaya."

"Mommy!" Biglang tawag ng anak ko kaya napabaling ako sa banda niya. Nakita kong tumakbo ito papalapit sa amin.

I stood up from my seat and crouched down to hug her.

"Where did you go, mommy?"

"I went to your tito Zac, baby." Sabi ko sabay ngiti sa kanya. Sumimangot naman siya sa akin.

"Gusto ko rin po punta kay tito Zac, mommy." Binigyan ako nito ng nagtatampong tingin.

Ngumisi naman ako.

"Yes, after school baka pupunta si tito Zac. So for now, you go to school, okay?"

She clapped her hands and even jump in happiness. Hindi ko kayang burahin ang ngiti sa mukha niya. Hindi ko kayang mapalitan ang kislap ng kanyang mga mata ng kislap ng kanyang luha. Kanina napagdesisyonan kong sabihin ang tungkol sa anak niya ngunit ngayon parang nabahag ang buntot ko dahil ayoko siyang masaktan.

"Yehey! Okay, mommy. I love you." Hinalikan niya ako sa magkabilang pisngi at pati sa lips.

"I will fetch you later at school, okay? Wait for mommy."

"Okay, mommy!"

Sagot niya naman pagkatapos ay tumakbo papunta sa parents ko at humalim din sa mga ito. Maya maya ay umalis na ito pati si yaya fely na siyang magbabantay dito.

Umupo ako ulit sa harapan nina mama at papa. Napagdesisyonan kong sabihin sa kanila na nakipag kita ako kay Keith. Alam kong magagalit sila sa akin. At alam kong mas magagalit pa sila kapag nalaman nilang ayaw ni Keith sa anak ko.

"Mom, dad. I have something to tell you."

Seryoso naman silang napabaling sa akin. Kinakabahan ako't huminga ng malalim.

"Persephone has been asking about his dad."

Hindi ko kaagad nadugtungan at tinimbang ang ekspresyon nila sa mukha.

"She heard people calling her an illegitimate. She asked me what that means. And that I am not married that makes her one."

Kumunot naman ang noo ng mama ko. Si papa ay seryosong nakikinig ngunit alam kong nababahal na ito. Alam ko kung gaano nila kamahal ang anak ko.

"Pati ba naman bata? Bakit sila nag uusap sa harapan ng bata?"

Galit na sabi ni mama. Bumuntong hininga ulit ako at kaagad dinugtungan ang sinabi.

"I met with Keith yesterday."

Rinig ko ang singhap ni mama at ang mabigat na buntong hininga ni papa.

"Why? Akala ko ba si Zac, Olympia? Ano na naman 'to?" My dad finally voiced out while gritting his teeth.

Akala ba nila nakipagkita ako dahil gusto ko? Dahil mahal ko pa ito? Ma, pa, lubog na lubog na ako kay Zac. Kung may naramdaman man ako kay Keith ngayon, iyon ay galit at pagka muhi.

"I went and meet him because my daughter asked to meet him. And I can't say no to her." Nagsimula ng uminit ang mga mata ko, nasasaktan para sa bata.

"For how many years, hindi siya nagtanong tungkol sa ama niya at karapatan niya rin ito kaya kinausap ko si Keith."

"Kung ganoon olympia, ayokong magkaroon na naman kayo ng koneksyon! Kung meron man, kay Persephone lang. Iyon lang. Ayoko nang bumalik ka sa sitwasyon mo dati."

Hindi ko na napigilan at tumulo na ang luha ko.

"I-iyon na nga ma. Ayaw niya kay Persephone. Gusto niyang makipag balikan kasi hiwalay na siya sa asawa niya pero ayaw niyang kasama si Persephone."

Tumungo ako para punasan ang luha ko.

"Tangina. Hindi siya kawalan Olympia. Nasasaktan ako para sa apo ko pero masaya akong ayaw niya kay Persephone. Wag lang siyang magkamaling saktan ang apo ko." Sabi ni papa.

Huminga ako ng malalim at tiningnan sila.

"Hindi ko lang alam kung paano sabihin sa anak ko na ayaw sa kanya ng ama niya. Pero wala akong magagawa kundi sabihin ang totoo. Ayoko nang magsinungaling sa anak ko. Hindi ko lang talaga alam kung paano ko sisimulan."

Bumuntong hininga naman ang mama ko.

"Wala tayong magagawa oly. Iyan lang ang hiling ng anak mo sa iyo. Masasaktan at masasaktan siya kahit anong paraan pa ang gawin mo. Isipin mong nandito lang kami hangga't nabubuhay kami ng papa mo."

Alam ko iyon. Sobrang mahal ko ang pamilya ko. Hinding hindi ko ipagpapalit.

Pagkatapos naming mag usap ng parents ko ay pumanhik na ako upang maligo. I feel so sticky and dirty. Ni hindi ko man lang naisip na maligo sa condo ni Zac dahil sa sobrang exhausted ko.

Habang naliligo ay bumalik ang isip ko sa pag uusap namin kanina ni Zac.

Alam kong may rason ka kung bakit ganoon mo nalang ako tratuhin kaya sige, hahayaan kong mag explain ka sa akin.

Aasa ako hangga't hindi mo sinasabing titigil ka na sa panliligaw sa akin. Aantayin ko ang explanation mo. Kasi mahal kita.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong bumuntong hininga. Tinapos ko nalang ang pagligo at kaagad nagbihis upang pumunta sa restaurant.

Kahit hanggang sa byahe, milagro lang na hindi ako nabangga o ano dahil na kay Zac parin ang isip ko. Hay naku, Zacreus Hanniel, pwede bang mamaya ka nalang ulit mamasyal sa isip ko?

Naiisip ko ang surprise dinner ko sa kanya mamaya. Kinakabahan ako pero excited rin. Sana magpunta siya. Kahit matagal....aantayin ko siya...

A woman's dream Where stories live. Discover now