Chapter Nineteen

1.8K 45 2
                                    

Another unedited updated!

Please vote and comment your thoughts on the story so far. Thank you!

********

Tatlong buwan ang nakalipas simula noong nagpaalam si Zac sa mga magulang ko na manliligaw siya sa akin.

Everyday was a bliss dahil kay Zac. Naging sobrang close na din nila si Persephone kaya naman may konting kaba na naman ako sa puso ko na mas lalo lang masasaktan ang anak kung maghihiwalay man kami ni Zac kung sakaling sasagutin ko na siya.

Ngunit sa pagdaan ng araw ay hindi ko naman siya nakakitaan ng ugaling hindi ko magugustuhan. Masasabi kong mabait siya pero nakakainis dahil ang hilig manukso tapos kapag nakikita niyang naiinis na ako ay saka niya naman ako lalambingin.

Palagi siyang dumadalaw sa bahay at minsan naman ay pinupuntahan niya ako sa restaurant.

Minsan ay lumalabas kami kasama si Persephone at minsan naman ay sa bahay lang kami, nanonood ng moana.

Araw araw ay mas lalo akong nahuhulog sa kanya hindi lang dahil sa kamahal mahal siya kundi dahil na rin sa pagmamahal na pinapakita niya sa anak ko.

Minsan ko na ding natanong ang sarili ko na kung siya kaya ang unang lumapit sa akin, ganito din ba kami kasaya?

Kasi kung oo, gusto ko nalang ibalik ang oras at antayin na lumapit siya sa akin.

Bumuntong hininga ako at naisip na kahit anong gawin ko ay hinding hindi na maibabalik ang dati kahit gaano man ako nasaktan.

Kaya gusto ko nalang mag focus sa kung anong meron ngayon.

Hindi ko naman balak patagalin ang pagsagot kay Zac. Pero gusto kong gawing special ang pagsagot sa kanya kaya may hinanda akong surpresa.

Pero bago iyon, gusto ko na sanang sabihin sa anak ko ang tungkol kay Zac. Na hindi lang siya kaibigan para sa akin. Ngunit hindi ko alam kung saan ako magsisimula dahil iyong kinakatakutan kong pagtatanong niya tungkol sa ama ay nangyari na nga....

Magkatabi kaming nakahiga sa kama ni Persephone dahil gusto niya akong makatabing matulog. May sariling kwarto na siya pero most of the time mas gusto niyang magkatabi kami. Ganoon din naman ako.

Isang gabi habang magkayakap kami ay bigla siyang may tinanong na nakakapag pakaba at nakakapag bigay sakit sa dibdib ko.

"Mommy, what's illegitimate?"

Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya. Hinarap ko siya at hinawakan ang mukha niya.

"Where did you hear that?" Mahinang tanong ko.

"I just heard that from my classmates' mom. They said you were not married and I am an illegitimate."

"I even asked my teacher what is that but she did not answer me." She answered while pouting her lips.

Tang ina. Ito talaga pinaka ayaw ko sa lahat. Okay lang naman kung ako lang ang pag uusapan nila eh, wag na sana nilang idamay ang anak ko. At kahit saan nila ako pag usapan okay lang, wag lang nilang iparinig sa anak ko.

Hindi pa man ako nakasagot ay nagtanong na naman siya ulit na mas nakakadagdag sakit sa dibdib ko.

"Mommy, why don't I have a daddy? Did he leave us? Ayaw niya ba kay Amory, mommy? Hindi naman bad si Amory mommy, kaya ba't siya nag leave?" Biglang nag init ang mga mata ko dahil sa tanong niya. Namumula ang kanyang mukha at naiiyak na.

"No he didn't. But you're still a baby that's why you wont understand things yet. When you're old enough, I will tell you everything. That's a promise, baby."

Sabi ko sa kanya sabay hawak sa pisngi niya. Hinalikan ko siya sa mukha at noo at pinahiran ang munting luha na tumulo sa mata niya.

"Can I see him, mommy?"

Napasinghap ako sa tanong niya. Gusto kong humindi pero noong tumingin ako sa mga mata niyang naiiyak ay parang nilukumos ang puso ko.

"S-sure. I will talk to him first a-and I'll let you know when can we meet him, okay?" Sabi ko sa nanginginig na boses.

Pagkatapos noong nangyari ay hindi ko na siya nakita pa. Kahit sa telebisyon ay hindi ako nanonood ng kahit na anong balita.

Maya maya ay nakatulog rin ang anak ko. Ngunit gising na gising parin ang diwa ko.

Noong masiguro kong malalim na ang tulog ni Persephone ay dahan dahan akong bumangon at kinumutan siya. Nilagyan ko rin ng unan sa magkabilang gilid niya.

Dahan dahan naman akong tumayo na siya namang tunog ng cellphone hudyat na may tumatawag. Kinuha ko kaagad ang robe ko pati ang cellphone at dali daling nagpunta sa veranda dahil baka magising ang anak ko sa ringtone ng phone.

Pagkatingin ko sa tumawag ay biglang nawala ang bigat ng dibdib na naramdaman ko kanina at malaking ginhawa ang hatid nito sa akin.

"Hi, mommy." Bati niya sa pagod na boses.

"Hey."

He sighed on the other line before he spoke. "Are you okay?"

Mahina akong suminghap. Gusto ko sanang sabihin sa kanya kung ano ang bumabagabag sa akin pero ayokong sabihin iyon sa phone. Gusto kong sa personal sabihin.

"Yeah, I just miss you." Totoo iyon. Ilang araw palang kami g hindi nagkita ay nami miss ko na ang presensya niya. Ngayon kasi ay nasa singapore siya para sa isang conference at isang linggo siya doon.

Hindi kaagad siya nakapagsalita pero rinig ko ang mahinang singhap niya sa kabilang linya. Siguro kasi hindi naman ako nagsasabi nang ganyan sa kanya. Nasanay siyang siya lang palagi ang nagsasabi nang ganoon at hindi niya hinihintay ang sagot ko.

"Are you really okay?" Tanong niya ulit na siyang nagpatawa sa akin ng mahina.

"Yes, ofcourse. Persephone and I just miss you. How's the conference?"

"I miss my girls too. I really want to go home now and hug you tight. I miss your chubby cheeks and I miss the little princess' laugh." Sabi niya sabay buntong hininga.

Kinilig naman ako sa sinabi niya kaya kinagat ko nalang ang aking labi upang pigilin ang sariling umirit.

"The conference is so boring, I prefer to be with you both." Bumuntong hininga ulit siya na para bang napaka laki ng problema niya.

Ngumisi naman ako dahil nacu- cutan lang ako sa kanya. Para siyang batang nagtatampo kasi hindi binigyan ng lollipop.

"Just hurry your ass up here para manood na ulit tayo ng moana. Di ba Maui?" I told him and giggled.

"I don't really care if we watch that for the rest of our lives so long as I am watching that with you and little miss."

Paano pa ako makakaahon nito kung ganito siya?

Madami pa kaming napag usapan pero maya maya ay tinapos na niya ang tawag dahil gusto niyang magpahinga na din ako.

Gusto ko pa sana siyang kausap pero rinig ko rin ang pagod sa boses niya kaya tinapos ko na rin ang tawag.

Pagkatapos ng tawag ni Zac ay siya namang pasok ng isang mensahe.

Unknown number :

Please, talk to me. Can I see you?

Inisip ko pa ng ilang beses itong desisyon na gagawin ko.

Ayoko na sana talaga siyang makita pa kahit kailan. Pero gagawin ko to para sa anak ko.

Bago pa man magbago ang isip ko ay nireplyan ko na siya.

Ako :

Okay. Tell me where.

A woman's dream Where stories live. Discover now