Chapter Thirty Six

2K 40 8
                                    

Tulala parin ako ngayon habang iniisip ang natanggap na mensahe kanina. Tama nga ang kutob ko. Si Keith nga ang kumuha sa anak ko.

Rinig ko ang buntong hininga ng mga magulang ko. Nasa bahay na kami at nakwento ko na rin sa kanila ang nangyari at kulang ang salitang galit upang ma describe ang apoy sa mga mata nila. Kung mahal ko ang anak ko alam kong mas mahal nila ito.

Sandaling umalis si Zac at may pinuntahan. Humingi siya ng tulong sa kaibigan niya upang mapadali ang imbestigasyon. Alam kong mas lalo lang siyang nagalit nang mabasa ang mensahe na ipinadala ni Keith sa akin kanina.

Ang sabi niya, hindi niya hahayaang pumunta akong mag isa dahil baka mapahamak kaming dalawa ni Persephone. Kahit tutol ay tumango nalang ako at ngayon ay nakaupong naghihintay ng balita.

Ilang oras ang lumipas at ramdam ko ang pangungulila sa anak ko kaya't umakyat muna ako sa kwarto. Dumaan ako sa kwarto niya at umupo sa kama. It felt so empty knowing that she's not here. I miss her giggles and laughters. Hindi ko napigilang tumulo ang luha ko. Kinuha ko ang unan niya at sininghot ito. Mas lalo lang nadagdagan ang pangungulila ko nang masinghot at amoy niya sa unan.

Gusto ko na siyang puntahan. Wala na akong pakialam. Miss na miss ko na ang anak ko. At natatakot ako para sa kanya. Hindi lingid sa kaalaman kong ayaw ni Keith na magkaanak ulit kaya alam kong nakikita niyang hadlang an anak ko upang makipagbalikan sa kanya dahil hindi niya tanggap ito.

Ngunit nagkakamali siya. Hindi ako makikipagbalikan sa kanya dahil may iba na akong mahal. At kahit hindi dumating si Zac sa buhay namin ay hinding hindi parin ako makikipagbalikan sakanya. Ang tagal kong binuo ang sarili ko para lang bumalik ulit sa kanya pagkatapos ng lahat.

Puno ng luha ang mga matang kinuha ko ang cellphone sa bag at pumindot doon. Ilang minuto kong tinitigan ang mensahe na ipinadala niya kanina bago nagtipa ng ire-reply. Kahit pinagbawalan ako ni Zac na magreply dahil kinailangan itong pagplanuhan ngunit hindi ko na kayang maghintay pa.

Ako :

Where are you? Where is my daughter?!

Gigil na nagtipa ako at kaagad ipinadala ang mensahe.

Hindi nagtagal ay kaagad siyang nagreply.

Unknown number :

Thought you're not gonna ask.

Hindi pa ako naka reply ay tumawag siya. Ilang  ring pa bago ko ito sinagot.

"Where is my daughter, Keith! Tang ina! Wag na wag mong sasaktan ang anak ko!"

Kuyom ang kamay na tanong sa kanya. Mas lalo lang sumiklab ang galit ko nang tumawa siya sa kabilang linya.

"Your daughter is fine. I mean, our daughter is fine. She's currently sleeping. I think she's tired from crying."

"Tang ina mo! Anak mo iyan! Wala kang puso!"

Naluluhang sabi ko sa kanya. Iniisip ko pa lang na kanina pa umiiyak ang anak ko ay parang pinipiga ang puso ko.

"I know I said that I don't want her to be part of our family. But now, I changed my mind. Kapag binalikan mo ako, isasama na natin ang anak natin at aalis na tayo sa bansang ito. Iwan mo ang lalaki mo."

Tumawa siya pagkatapos niyang sabihin iyon.

"Kung mahal mo ang anak mo ay pipiliin mo siya at iiwan ang lalaki mo. Unless, hindi mo kayang iwan ang bagong nobyo mo at ipagpapalit ang anak mo dahil lang sa isang lalaki? Think about it and let me know your decision."

Hindi pa ako nakasagot ay tuluyan na niyang pinatay ang tawag.

Nanghihina akong nakaupo sa kama ng anak ko. Ang dalawang braso ay nasa hita at ang kamay ay sapo ang sariling mukha habang lumuluha.

A woman's dream Where stories live. Discover now