Pagkarating ko sa mesa nila ay kaagad akong binati ni Jeff.
"Ayan tumba." Nakatawang sabi niya habang itinuro si Zac na katabi nito.
"I don't really know what happened to him because this is also the first time na talahang naglasing siya." Even when he's laughing, I can still sense the concern in his voice for his bestfriend.
Nanatili ang mata ko kay Zac. Talagang lasing siya dahil ni hindi siya nagising sa malakas na tugtog at tuluyan pang naatulog. Ang long sleeve polo ay nakatupi na hanggang siko niya.
"I also don't know what happend to him. I don't even know he's going home today since he told me he'll be home tomorrow." Sagot ko kay Jeff habang ang mga mata ay nakatoon parin sa lalaking nakatulog na sa sofa.
Rinig ko ang buntong hininga ni Jeff kaya nilipat ko ang tingin sa kanya.
"Can you bring him home? I'm sorry I called you. Pangalan mo kasi ang bukang bibig niya kanina pa hanggang makatulog."
Tumango ako sa kanya. "Sure. And don't say sorry, ako na ang mag uuwi sa kanya."
"Oh, thank God! Papatulugin ko lang sana siya sa VIP room kung hindi mo nasagot ang tawag ko kanina. Hindi ko kasi maiwan ang club ngayon kaya buti nalang nag call back ka." He then gave me a small smile which I returned.
Lumapit ako sa kinauupuan ko at sinubukang gisingin si Zac pero lasing na lasing talaga ata siya.
"Hey, Zac. It's me."
Lumapit pa ako sa kanya at hinawakan mukha niya niya. Dumukwang ako ng konti at hinaplos ang buhok niya upang magising siya. Umungol lang siya pero hindi tuluyang nagising. Narinig ko naman ang tawa ni Jeff sa gilid ko.
"You know what, tulungan na kitang kargahin siya sa sasakyan mo. Hinding hindi iyan magigising for sure." Nakangising sabi ni Jeff sabay lapit sa banda namin.
At iyon nga ang nangyari. Nakasaklay sa magkabilang balikat namin ni Jeff ang magkabilang braso ni Zac at magkatulong na dinala siya sa kotse ko.
Ano ba kasing dahilan ng paglalasing mo at umabot pa sa puntong hindi ka na makalakad? Ganoon ba kalaki ang problema mo? Ba't di ka nakipag usap sa'kin?
Pagkarating namin sa kotse ko ay kaagad kong binuksan ang passenger seat at hinayaan si Jeff na isakay si Zac doon. Medyo nanakit ang balikat ko kaya marahan ko itong hinilot.
Nang ma settle na si Zac doon ay ni hindi man lang ito na nagising o ano. Tsk!
Huminga ng malalim si Jeff at nakangisi parin siya noong hinarap niya ako.
"Thank you, Oly."
"No, thank you. For calling me and for letting me know."
Unti unting nawala ang ngisi niya at napalitan ito ng maliit na ngiti hanggang sa sumeryoso ang kanyang mukha.
"He really loves you, Oly. That's the truest of the truth."
Suminghap ako bago tumango at binigyan siya ng maliit na ngiti. "I know. I love him too."
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.
"Really? Does he know that?"
"Not yet, but I am planning to tell him tomorrow pero mas na surprise ako sa paglalasing niya ngayon."
He chuckled when I said that.
"Oh, well. I'm sure the bastard will be so happy once he hear that. Ingat kayo sa byahe."
Nagkapaalaman na kami ni Jeff at pumasok na ako sa driver seat. Hindi pa siya kaagad pumasok dahil hinihintay niyang umalis ang sasakyan ko.
Nagsimula na akong mag drive patungo sa condo ni Zac. May dalawang beses na akong nakapunta doon. Noong una ay ako lang tapos ang pangalawa ay kasama namin si Persephone.
Hindi ko siya maiuwi sa bahay nila kasi hindi pa naman ako nakapunta doon.
Alam ko na din ang passcode niya. Oo, sinabi niya sa akin. Ganoon siya ka sigurado sa akin na konti nalang ay parang ipapahawak na niya sa akin ang sahod niya. Biniro ko siya tungkol diyan pero imbis na biro ay parang mas gusto daw niya iyon. Siraulo.
Minsanan ko siyang sinusulyapan sa pwesto niya para tingnan kung maayos lang ang posisyon niya sa pagkakaupo.
Pagkarating sa condo tower ay kaagad akong nagpark da basement. Pagka park ko ay isang buntong hininga ang pinakawalan ko nang maisip kung paano ko siya madadala sa taas nang hindi kami matutumba.
Bumaba ako ng kotse at umikot sa passenger seat. Tinanggal ko ang seat belt niya at marahan siyang ginising.
Mahina kong tinampal ang mukha niya. Nakatayo parin ako sa gilid niya.
"Hey, Zac. We need to go upstairs para makatulog ka ng maayos."
Noong una ay umungol lang siya ngunit kalaunan ay dahan dahang nagbukas ang mata niya.
Tumitig lang siya sa akin at nangingiti naman ako dahil sa ka cutan niya. Na alimpungatan ata.
"God, Am I dead?"
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Gago ba to? Mukha ba akong si kamatayan?
"Baba ka na, please. Akyat na tayo."
Dahan dahan kong hinila ang braso niya upang igiya siya pababa ngunit hindi siya nagpatinag at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa braso niya.
Isang hawak pa lang pero parang lahat ng lamang loob ko ay nagsasayawan.
"Are you an angel?"
Napahalakhak ako sa sinabi niya. Kahit lasing bumabanat parin. Oo, ang cute mo pero hindi ko pa nakakalimutan na naglasing ka ngayon. Hmp!
"I am not an angel so please get down already and let's go up, okay?"
Dahan dahang sabi ko na parang anak ko iyong kausap ko. Para naman siyang nahihipnotismo sa akin at tumango lang siya habang nakatitig parin. Kinagat ko nalang ang ibabang labi ko para pigilan ang pagtawa.
After forty eight years nakababa rin siya ng sasakyan. Muntik pa kaming matumbang dalawa dahil bigla siyang nawalan ng balanse at tuluyang napayakap sa akin. Buti nalang nasalo ko siya kahit sobrang bigat niya.
Dahan dahan kaming naglalakad papuntang elevator. Humanda ka bukas. Mag uusap talaga tayo kung bakit ka nagkaka ganyan.
Huminga ako ng malalim at patuloy siyang iginigiya. Ngayon ay para siyang sawa na nakalingkis sa akin. Iyong dalawang braso niya ay nakayakap sa bewang ko habang ang kaliwang braso ko naman ay nasa bewang niya upang di siya matumba.
Hay, humanda ka talaga sa akin Zacreus Hanniel.
YOU ARE READING
A woman's dream
General FictionShe was adored by many because of how genuinely kind she is. But when she was involved by a scandal, everyone turned their back on her. That was when she knew those people who will really stay even in the darkest times. Only her family. Will she...