Chapter Three

2.7K 73 2
                                    

Isang katok ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

"Come in."

Pumasok si Arya, iyong empleyado ko na inaalipusta noong babaeng customer kanina.

Nakatungo ito at nahihiyang tumingin sa akin.

"Sit down, Arya."

Umupo naman ito sa upuan na nasa harap ng mesa ko.

"Ma'am, pasensya na po talaga. Hindi ko po iyon sinasadya."

Naluluhang sabi nito sa akin.

"How's your studies?"

Nag angat ito ng tingin sa akin at mukhang nagulat sa tanong ko.

"I want to know how are you doing with your studies."

"Okay naman po, medyo nakakapagod pero ga-graduate na po ako next year kaya konti nalang po."

"Good. Mabuti naman. Kapag may problema ka sa pag aaral mo huwag kang magdalawang isip na humingi ng tulong sa akin. Okay?"

Sabi ko sa kanya.

Bumuntong hininga ako bago nagsalita ulit.

"Alam ko namang hindi mo sinasadya iyong nangyari kanina. Kilala ko kayong lahat na nagta trabaho sa akin. And on behalf of the customer, I want to say sorry for what she said. Hindi ka tanga, Arya. Okay?"

I really felt bad when she called Arya, tanga. Arya is studying while working kasi mag isa nalang siya sa buhay.

Mabuti nga at pursigido ring makatapos ng pag aaral ito. Iyong ibang wala ng mga magulang sa buhay ay napunta sa maling direksyon dahilan kung bakit nasira ang buhay nila.

Gusto ko lang siguraduhin na hindi iisipin ni Arya ang mga sinabi ni Katya sa kanya.

Tanga, incompetent at perwesyo. Ayokong maisip niya na ganoong klaseng tao siya. Alam ko ang epekto ng salita sa ibang tao. Kahit gaano kaliit o kalaki man ito.

"Thank you po, ma'am. Sa lahat lahat. Gagawin ko po ang lahat para maka graduate ako at makabawi sa iyo."

Naluluhang sabi niya sa akin.

"Hindi mo kailangang bumawi sa akin. Bumawi ka sa sarili mo. Wala ka namang utang na loob sa akin dahil pinagta trabahuan mo naman ang lahat."

Ngumiti siya at ginagap ang aking kamay.

"Malaking bagay na po iyong pagtanggap mo sa karamihan sa amin dito kahit na nag aaral parin kami. Iyong pagtulong mo at iyong palaging pangungumusta mo sa amin, ma'am"

Pinisil ko rin pabalik ang kanyang kamay.

"You owe it to yourselves. Gawin n'yo lang kung anong magpapasaya sa inyo. Hindi ko lang kayo empleyado dito. Pamilya ko na rin kayo."

Pagkatapos ng pag uusap namin ni Arya ay nagdesisyon akong umuwi na ng maaga.

Usually kasi every 5PM ako umuuwi since until 10PM naman kami. Ngayon, 4:30PM palang pero gusto ko nang umuwi at magpahinga.

Pagkalabas ko ng opisina ay nakita ko si Mark, isa sa mga chef namin at mukhang nagb-break time.

"Mark, kayo na ang bahala dito. Uuwi ako ng maaga kasi sumasakit ang ulo ko."

Tumango naman ito sa akin.

"Opo ma'am. Magpahinga po kayo. Get well soon po."

Ngumiti ako at nagpasalamat pagkatapos ay derecho akong naglalakad papunta sa parking space intended for me, my employees dahil iilan sa kanila ay naka motor, and for our customers.

A woman's dream Where stories live. Discover now