Chapter Thirty Eight

2K 38 4
                                    

UNEDITED! PLEASE LEAVE A COMMENT AND VOTE! Thank you and Enjoy!

+++++++±++++++++±++++++++++

"Why don't you get inside, hon?"

Napatalon ako nang marinig ang boses na nasa gilid ko. Kanina paba siya diyan? Ni hindi ko man lang siya nakita!

Napahawak ako sa dibdib ko at huminga ng malalim upang maibsan ang kaba sa dibdib.

Nang makalma ay ibinaba ko ang aking kamay na nasa dibdib at ikinumo ito. Ngayon ay unti unting nanumbalik ang katarantaduhan niya sa isip ko.

Nagdadalawang isip na pumasok ako ngunit nasa loob ang anak ko kaya't wala akong choice kundi ang pumasok.

Dahan dahan akong pumaloob at dahan dahan ring isinara ang pinto nang hindi inaalis ang paningin sa lalaking nasa harapan ko. He's standing meters away from me with an annoying smile on his face.

"Why are you doing this, Keith?" Nagngi-ngitngit na tanong ko sa kanya.

"You know why, Oly. Gusto kong magkabalikan tayo dahil mahal na mahal parin kita. At alam kong ganoon ka rin sa akin."

Pumikit ako sa inis dahil sa sinabi niya. Paulit ulit nalang. Nang maibuka ang mga mata ay tumingin muna ako sa anak ko na nasa kama bago ko siya tiningnan ulit. Naka kuyom parin ang aking mga kamay at sa sobrang gigil ay alam kong masusugatan ang mga palad ko. Hinarap ko siya ng maigi.

"Nag usap na tayo tungkol dito, Keith. Walang pagbabalikan ang mangyayari. Akala ko tapos na tayo sa usapan na ito."

Ngumisi siya sa akin. "Alam kong sinabi mo lang iyon dahil nasasaktan ka. Heto na nga, kumpleto na tayo, tatanggapin ko na ang anak mo." Sabi niya sabay lahad sa braso niya.

Anak mo.

Napangisi ako sa isip ko. Tang ina. Tanggap niya daw. Pero alam ko namang ginagawa niya lang ito upang sumama ako sa kanya. Alam ko namang hindi ito tungkol sa pagiging buong pamilya namin.

Bago ako sumagot at tinitigan ko siya. Parang hindi ko na kilala ang lalaking nasa harap ko. Ang lalaking napaka maalaga sa akin, ang lalaking palagi akong inaasikaso noon na kulang nalang lahat ng gusto ko ay susundin niya ay ibang iba na sa lalaking ito.

Pati hitsura niya ay nagbago na rin. Pumayat siya at parang walang oras magpagupit. Lumalalim din ang mga mata niya.

"No, Keith. I'm serious. Walang magbabalikan Keith. Alam mo, wala naman akong pakialam kung ayaw mo sa anak ko, e. Mas masaya pa nga ako na ganoon nga. Because I get to keep her with me. Because I don't want to associate myself with you anymore."

Matapang na sabi ko sa kanya. Unti unting nawala ang ngisi niya at dahan dahang lumalapit sa akin. Kita ko ang pag igting ng panga niya na parang napatid ang kanyang pasensya at handa nang manakmal. Sa kabila ng kabang naramdaman ay naging positibo ako sa pag iisip. Na hindi niya magagawang saktan ako.

"That's true. The truth is, I don't love you anymore. I love someone else. Someone who is also willing to be the father and fill your position in my daughter's life."

"No." Sabi niya habang naglalakad papunta sa akin. Unti unti naman akong umaatras. Kada hakbang niya ay siya ring pag atras ko hanggang sa wala na akong ma aatrasan at napasandal nalang ako sa pader na nasa likod.

"Please let us go, let me go, Keith. Tanggap na ng anak ko na hindi mo siya tanggap kahit alam ko pang matindi ang magiging epekto niyan sa kanya pero sisiguraduhin namin na pupunuin namin ang pagmamahal sa kanya na hindi mo kayang ibigay."

"Olympia, alam kong hindi iyan ang nilalaman ng puso mo. Sabihin mo na sa akin na mahal mo parin ako at ako na ang bahala sa lahat."

Umiling iling ako sa kanya sabay lunok dahil mas lalo lang siyang nagalit sa reaksyon ko. Pero kinailangan ko siyang gisingin..na hindi mangyayari ang gusto niya. Lumuha man siya ng dugo.

"Hindi na kita mahal, Keith. Mahal na mahal ko si-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang sakmalin niya ako sa mukha.

Napasinghap ako at sa takot ay parang lalabas ang puso ko sa dibdib.

"Hindi iyan totoo! Ako ang mahal mo! Baliw na baliw ka sa akin, Olympia." May pa iling pa niyang sabi at rinig ko ang tunog ng ngipin niya nang umigting ang panga niya sa ngitngit.

Sinusubukan kong magsalita ngunit nahihirapan ako dahil sa kamay niyang nasa panga ko. Ganoon nalang ang paglaki ng mga mata ko nang pangkuin niya ang dalawa kong kamay sa ibabaw ng ulo ko habang ang isang kamay ay nasa panga ko parin.

Umirit ako at sinusubukang huminga ng maayos kahit tumutulo na ang mga luha ko. Ang ulo niya ay unti unting bumaba sa leeg ko. Ginalaw galaw ko ang aking katawan upang umiwas sa kanya kaso mahigpit ang hawak niya sa akin. Nahihirapan na akong huminga at nandidiri sa mga halik na ipinatak niya sa aking leeg pababa sa collarbone ko. Ramdam kong tumindig ang balahibo ko sa pandidiri at mas nilakasan pa ang pagsigaw, wala na sa isip ko ang anak kong mahimbing na natutulog dahil sa kademonyohan ng kanyang ama.

"Kung hindi ka magiging sa'kin, hindi ka rin mapapasakanya, Olympia. Hindi kayo magiging masaya." Bulong niya sa tenga ko.

"Walang sasaya. Hindi kayo sasa-"

Hindi niya natapos ang sasabihin nang marahas na bumukas ang pinto at ganoon nalang ang pagtulo ng aking mga luha at ang ginhawang naramdaman nang makita kung sjno ang nasa pinto.

"Son of a bitch!" Zac cursed and went to our side.

Sa laki ng mga biyas niya ay parang inilang hakbang niya lang kami at mabilis na hinablot si Keith kaya't nabitawan niya ako kaya napaupo ako sa sahig. Alam kong hindi inaasahan ni Keith ang pangyayari kaya't madali siyang naitapon ni Zac.

"Tang ina mo! Hayup ka!" Rinig kong sabi ni Zac habang dinadahulahan si Keith at pinagsusuntok. Nanghihina akong unti unting tumatayo upang pigilan siya at baka mapatay niya ito. Lampas langit man ang galit ko kay Keith ngunit ayokong mamatay siya kaagad. Kinailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya.

"Zac."

Hindi niya ata narinig ang tawag ko sa kanya dahil patuloy parin siya sa pagsusuntok kay Keith.

"Zac, stop it! Baka mapatay mo siya!"

Hindi niya pa rin ako narinig at kita kong puro dugo na ang nasa mukha ni Keith ngunit patuloy parin ito sa pagsangga sa suntok at paminsan minsang lumalaban. Ang bobo. Nakahiga siya at nasa ibabaw si Zac sa kanya.

"Mommy." Doon lang huminto si Zac nang marinig ang boses ni Persephone.

Kaagad kong dinaluhan ang anak ko sa kama.

"Shhhh... Mommy's here." Pinahiran ko ang aking mga luhang dala sa takot, kaba at pandidiri.

Inilagay ko ang mukha ng anak ko sa dibdib ko upang hindi niya makita si Zac at Keith.

Nang sinulyapan ko sila ay nakita kong tinigilan rin ni Zac si Keith at naglakad papunta sa amin.

Nakita ko namang unti unting tumayo si Keith sa likod at bago paman makalapit si Zac sa amin ay tinawag na niya ito.

"Montezori!"

Lumingon si Zac sa kanya at ganoon nalang ang pag laki ng mga mata ko nang makita ang baril nahawak nito at itinutok kay Zac. Ni hindi man lang naka huma si Zac at isang malakas na putok ang narinig ko. Para akong nabingi ngunit ramdam ko ang gulat at pag iyak ng anak ko.

Nakikita kong pagkatapos mabaril ni Zac ay siyang pasok ng mga pulis kaya't nadampot kaagad si Keith. Natauhan ako dahil sa yugyog sa gilid ko. Pinanood ko ang anak kong umiiyak habang may itinuro. Nang tiningnan ang itinuro niya ay ganoon nalang ang kabog sa dibdjb ko.

"Zac!" Malakas na sigaw ko nang makitang dinaluhan ng mga tao si Zac. May dugo. Tangina may dugo.

"Mommy! Si Dada!" Umiiyak na sigaw ni Persephone. Kinarga ko ang anak ko at dumalo kay Zac ngunit hindi kami pinayagang makalapit.

Sumisikip ang dibdib ko at sabay kaming napahagulhol ng anak ko. Sumubsob ang anak ko sa balikat ko at ramdam ko ang hinagpis naming dalawa.

Ang sakit makita na iyong lalaking ibinigay sa amin ng diyos. Iyong lalaking walang ginawa kundi mahalin kami at ang aming maliit na pamilya ay nakahandusay at walang malay.

***********************************

Hi! Please follow my social media accounts!

Facebook : Aquariuspen WP
Twitter : Aquariuspenwp

A woman's dream Where stories live. Discover now