Pagka rating namin sa restaurant ay agad kaming binati ng mga empleyado kong naka duty sa mga oras na iyon.
Alas nuwebe na ng umaga at may iilan ma ring customers ang nasa loob.
Pati anak ko ay bumati rin sa mga empleyado ko na nagpangiti din sa kanila dahil sa aliw sa anak ko.
Dalawa lang kami ni Persephone na tumuloy sa opisina ko kasi gusto ni yaya Fely na tumulong sa kitchen, kahit taga hugas lang daw. Hindi kasi siya mapakali kapag wala siyang ginagawa. Kahit gusto ko siyang magpahinga lang din kasi hindi naman mahirap bantayan si Persephone pero hinayaan ko nalang din.
I put mine and Persephone's back pack on the couch inside my office.
I let her settle down with her ipad and I also went to my desk and started to read my emails.
"Mommy, what time are they coming?"
My daughter asked.
I looked at her and answered,"I don't know baby. Why don't we just wait for them?"
She sighed and asked me again. "Can you call uncle Zac mommy?"
Nagdadalawang isip ako kung gagawin ko iyon dahil baka nasa trabaho ito maka disturbo pa ako pero nang makitang nag pout na ang anak ko ay napag desisyonan ko nalang i-text si Zac upang tanungin.
Ako :
What time are you coming over?
Tunog demanding kaya nag send ulit ako ng text.
Ako :
Persephone is asking btw.
I bit my lower lip and checked the messages I sent before putting my phone on my desk.
"I already texted uncle Zac. Let's just wait for his reply, okay?"
I told my daughter and that made her smile. She nodded at me and went back to playing.
I sighed and started reading my emails again.
Maya maya ay biglang tumunog ang phone ko at sabay pa kaming tumingin ni Persephone doon. Hindi naman halatang excited siya.
Napabungisngis ako sa anak ko ng biglang namula ang mukha niya dahil sa tingin ko. Mukhang may crush ang anak ko sa "bagong friend" niya.
Zacreus:
Miss me?
Napakunot noo naman ako sa nilalaman ng text niya. Para akong may mga alagang paru paro sa tiyan ko at isa isang kumawala ang mga ito.
Zacreus :
Kidding haha. We'll be there at lunch. Please do tell princess.
At sinabi ko naman iyon sa anak ko. Umoo naman siya at nagpasyang maglaro ulit.
Ako :
Okay. See you.
Zacreus :
See you! ;)
I mentally rolled my eyes. Napaka naughty maski sa text.
Maya maya ay tinawag ko ang isa kong waitress para i-prepare ang isang VIP room kung saan kami kakain mamaya.
Medyo madami ng tao kapag lunch time and as much as possible, ayoko maka attract attention galing sa ibang tao. Ayoko silang mailang lalo na ang anak ko.
Wala pa siyang alam tungkol sa totoo niyang ama, at ni minsan ay hindi siya nagtatanong sa akin tungkol dito.
Hindi ko alam kung magpapasalamat ako dahil hindi pa ako ready na sabihin sa kanya, o malulungkot dahil sa batang edad ay napaka mature na niya mag isip.
Maya maya ay kinatok ako ng isa ko pang empleyado at sinabing dumating na ang bisita namin. Sinabi ko rin kasi kanina na tawagin kami kung nandito na sila.
Excited namang tumayo ang anak ko at mas nauna pang lumabas kaysa sa akin. Inaalalayan naman siya ng empleyado ko at sinamahan hangga't makapasok sa VIP room.
"Thank you, Shane."
Pagpapasalamat ko at ngumiti naman ito sa akin bago tumango at bumalik sa trabaho.
Pagbaling ko sa loob ay kaagad nagtama ang tingin namin ni Zac. At kung nagwawala ang mga paru-paro sa tiyan ko kanina, ngayon ay gusto nang kumawala na parang kinikiliti ang sikmura ko.
Ako ang naunang nag iwas ng tingin dahil hindi ko kayang tagalan ang intensidad ng kanyang mga mata kahit nakangiti pa ito.
Tinulungan niyang umupo ang anak ko sa tabi ni Soren at bilang pagpapasalamat ay kiniss pa siya nito sa pisngi.
He smiled at my daughter for what she did and then pulled the chair beside him. Since Persephone chose to sit beside Soren. So ang pwesto, magkatapat kami ni Soren at magkatapat naman si Zac at ang anak ko.
"Hi."
Sabi ni Zac pagkaupo namin.
Ngumiti ako sa kanya at bumati pabalik.
"Hi."
Tumikhim naman ako bago tinawag ang waitress para ma serve na ang pagkain.
"Nagpaluto na ako ng pagkain. Kung may gusto kayo, sabihin n'yo lang para ma prepare."
Sabi ko habang pinaghahanda ng pagkain ang anak ko na ngayon ay magiliw na nakikipag usap kay Soren na parang may sarili silang mundo.
"Sure. But I think this is enough. Thank you."
I nodded and smiled a little.
Tahimik kaming kumakain habang nag uusap pa rin ang mga bata.
"May lakad ka ba bukas?"
Bigla akong natigilan ng basagin niya ang katahimikan naming dalawa.
"B-bakit?"
"It's my bestfriend's birthday tomorrow and I just want to invite you."
"If you don't want to, that's okay. No pressure."
Dagdag niya pa sabay ngiti sa akin.
Hindi kaagad ako nakasagot sa kanya dahil hindi ko naman kilala ang kaibigan niya. Isa pa, ilang araw palang kami magkakakilala pero para bang ang tagal na namin magkakilala.
"N-nakakahiya naman sa best friend mo, magdadala kapa ng outsider."
I decided to joke around.
Kinagat niya ang ibabang labi bago sumagot.
"It's okay. Pwede kami magdala ng plus one bukas. And kung may work ka naman dito, sa gabi pa naman ang party kaya hindi makakasagabal."
Mahabang sabi niya na para bang sigurado siyang sasama ako.
Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain habang nakikinig kami sa usapan ng mga bata. Mabuti pa ang mga ito.
Pagkatapos niyon ay kinailangan ng umuwi ni Soren dahil hinahanap na ito ng mommy nito. Inimbitahan naman ito ng anak ko na maglaro sa bahay namin na siya namang tinanggap ni Soren at sisiguraduhing magpapaalam sa mga magulang para pwede itong magtagal sa susunod.
Bago paman nakalabas ang mga ito ay hinawakan ko ang braso ni Zac na siyang nagdala ng bolta-boltaheng kuryente sa katawan ko.
"I'll go with you. Just text me the details."
Sabi ko sa kanya sabay bitaw sa braso niya.
His eyes sparkled and gave me a smile. Iyong ngiti na nakikita ang mga ngipin nito.
"Sure, but I'll pick you up tomorrow."
Sabi niya sabay hawak ng kamay ko at pumisil pa bago tuluyang umalis.
Napabuntong hininga ako. Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako para bukas. Kung bakit? Hindi ko alam.
YOU ARE READING
A woman's dream
Ficción GeneralShe was adored by many because of how genuinely kind she is. But when she was involved by a scandal, everyone turned their back on her. That was when she knew those people who will really stay even in the darkest times. Only her family. Will she...