Prologue.

4 1 0
                                    

Prologue:

"Dianne!!"

Muntik na akong malaglag sa kama ko ng umalingaw-ngaw ang boses ni mama sa buong bahay. As usual kung hindi mag rap, uumpisahan niya sa pag banggit ng pangalan ko with matching nakakakabog ng damdamin.

"Aba, Dianne! Hindi ka anak mayaman para tanghali na bumangon! Hindi mo hawak ang oras kaya bumangon ka na d'yan kung hindi malilintikan ka sakin!" Waaah! Sakit sa tenga!

Napataklob nalang ako ng unan sa sobrang irita. Nang wala na akong marinig na ingay ay kinapa ko ang phone ko sa side table ko. Automatic na bumukas ng malaki ang mata ko na inaantok kanina ng makita kung anong oras na. 6 am na!

7 o'clock ang pasok ko kaya 'di ako pwedeng pa petics-petics lang! Kahit labag sa loob ko ay wala akong magawa kun'di ang mag madali.

6:40 am na ako nakapasok. 'di ko nga alam kung anong ligo ang nagawa ko loob ng limang minuto. Nang makapasok na ako sa university namin ay hinawi ko ang mga nagkukumpulang student sa daan. Kung minamalas ka nga naman! Bakit kung kailan ako nagmamadali saka sila humarang sa dinadaanan ko!

Isa ako sa siga sa school namin kaya no choice sila kun'di ang tumabi sa dinadaanan ko.

"Bitch!"

Napahinto ako sa narinig ko at lumingon sa pinanggalingan ng boses at hindi na ako nagtaka ng may makakita ng nag aaway. Kaya naman pala andaming pakshit sa daan dahil nakikichismis doon at 'wag ka nandon ang Reyna ng pakshit. Tsk!

Pinag iisipan ko kung tutulong ba ako o Hindi, pero late na ako! Teror pa naman yung teacher namin na bitter kaya hindi ako pwedeng ma late! Dahan dahan akong nag lakad habang nag iisip kung mangingialam ba ako? Hays sige na nga! I am superwoman kaya iligtas ang nangangailangan! Charot!

"Ano na naman 'yan, Cass?" Walang emosyon kong tanong ng makalapit sa kanila. Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Wag kang makialam" she rolled her eyes. Tsk! Kala mo maganda, banlag naman.

"At bakit 'wag mangialam?" Hindi nag babago ang ekspresyon ng mukha ko.

"Because, none of your business!" Singhal niya. Tsk! Dami niyang alam!

Pinanood ko lang sila kung pa'no nila bully-hin ang walang kalaban laban na babaeng naka upo na sa sahig at puno na ng dumi ang uniform niya at walang humpay sa pag iyak. Naiirita ako kapag nakakakita ako ng umiiyak dahil binu-bully sila! Hindi ba kaya nilang lumaban?

Kinuha ni Cassandra ang inumin ng kasama niya aso— ah este kaibigan pala. Saka ibinihos sa ulo ng babae.

Umirap ako at lumapit muli sa kanila.

"Napaka walang kwenta mo namang kaaway, 'yan lang ba kaya mong gawin? Buhusan ng kung ano ano ang kalaban? Tsk! Pathetic" Itinayo ko Ang babae na nangangatog na ang tuhod dahil sa takot.

"Pwede ba, 'wag ka ngang mag paka super hero rito" Umirap siya at akmang hahablutin ang babae pero agad ko itong hinatak sa likod ko at tinaasan din siya ng kilay.

"Ano bang atraso niya sayo at ang aga aga pinagti-tripan mo siya?" Kalmado kong tanong.

"Well, nilalandi lang naman niya ang boyfriend ko" tinarayan niya ulit ako. Eh kung dukitin ko kaya 'yang mata niya!

"Tss! Akala mo naman gwapo ang boyfriend niya kung maka asta!" Bulong ko pero mukhang narinig niya.

"Anong Sabi mo?" Galit na tanong niya.

I rolled my eyes. "Sabi ko... Kung Mahal ka ng jowa mo, dapat makampante ka na Hindi ka niya papalitan kahit na may lumandi sa kaniya" Sabi ko at mukha namang may na realized siya.

If We Fall Inlove (Teen Series)Where stories live. Discover now