Chapter 12:
"Dianne! Wake up!" Napasigaw ako ng daganan niya ako.
Weekend ngayon kaya pwedeng tanghaliin bumangon.
"Argh! Get out of here!" Sigaw ko pero hindi siya nagpatinag.
"Dane! Stop!" Sabi ko pa habang hinihila niya ang comforter.
"Get up!" Hinatak niya ako.
Half-asleep pa ako ng bumangon.
"Kayong dalawa mag grocery kayo! Wala ng stock!" Sabi ni mama.
"Oh see? Kaya bumangon kana riyan!" Tuluyan na niya akong bumangon. What the fuck!
Hinatak ko din siya kaya natumba kami sa kama. Hinampas naman niya ako ng unan kaya gumanti ako. Nag paluan kami ng unan habang nagtatawanan.
"Tama na 'yan!" Suway ni mama kaya napatigil kami saglit.
"Uy, si mama naiinggit!" Pang aasar namin. Inirapan lang niya kami at tumalikod pero bago pa siya makaalis ay tumakbo kami papunta sa kaniya at kiniliti siya.
Nang mapagod kami ay tinigilan na namin siya. Bumaba na kami para kumain. Pagkatapos kumain ay inutusan niya kaming mag grocery.
"Bagay ba?" Tanong niya sa suot niyang dress na kulay pink.
"Oo" sagot ko habang nagpapatuyo ng buhok.
"Mag dress ka din para twinning tayo" Sabi niya kinuha ang kulay blue na dress kagaya ng sakaniya.
"Ayuko! I don't like a dress, so jologs!" I rolled my eyes. Ako? Mag de-dress? Kailan ka nakakita ng siga na nag de-dress? Tsk! Ew!
"Weh? Eh dati nga gustong gusto mong nag susuot tayo niyan e!" Sabi niya.
"Basta ayuko!"
"Hays, sige na nga!" Sumuko na din siya.
Naka dress siya, ako naman ay maong short at croptop long-sleeve! Siya ang pumili no'n kase kung hindi daw ako mag de-dress, 'yun nalang daw suotin ko. Kahit naiirita ay no choice ako! Kukulitin at kukulitin niya ako pag 'di niya nakuha gusto niya!
"'Yan! Ang sexy mo!" She giggled.
Kita ang pusod ko kaya nakakairita talaga. Mag go-grocery lang naman kailangan sexy pa?
"New passion sense 'yan! Wag mo ngang takpan 'yung t'yan mo! Ang ganda nga e!" Tinanggal niya ang braso ko na nakaharang sa t'yan ko.
Sumakay na kami sa kotse. Nasa passenger seat siya, ako naman ay nasa likod. Ayaw niya daw mag drive dahil tinatamad siya kaya si Kuya John na driver namin ang pinagdrive niya.
Pumasok na kami sa isang grocery store.
"Alam mo, masaya naman pala kasama si Calix" Natigilan ako sa sinabi niya. Kumuha na ako ng cart at tinulak 'yon.
"Anong pinag usapan niyo?" Tanong ko habang kumuha ng stock. Food muna ang inuna namin.
"Uhm, tinanong niya ako ng kahit ano" Sabi niya at ngumiti.
"Teka nga pala, Ikaw ba ang nagbigay ng number ko sa kaniya?" Tanong ko. Nagtaka naman siya.
"Huh? Ang alam ko kay Brix ko 'yon binigay" Nagtataka pa ring Sabi niya. Omaygosh!
"Ah, haha! Oo nga kay Brix. Sorry akala ko si Brix 'yung pinag uusapan natin hehe" Umiwas ako ng tingin.
"Oo, kase hiningi niya, ikaw ah!" Sinagi niya pa ako. Ngumiti nalang ako ng parang natatae.
"Mas bagay kayo ni Brix! Kesa do'n sa lalaking naghatid sayo kahapon" Napatingin naman ako sa kaniya.
"Huh? K-kami ni Brix?"
YOU ARE READING
If We Fall Inlove (Teen Series)
Teen FictionMs. Siga Queen Vs. Mr. Captain Isang babaeng palaging nakikipag away at laging laman ng gulo sa campus nila. Hanggang isang araw nagbago ang lahat dahil nakilala niya ang isang lalaking ubod ng kulit.