Chapter 5:
"Ms. Secretary, please call the two guardian of them" Utos ng Principal sa secretary niya. Agad naman itong sumunod.
"Hindi ko papalagpasin ang ginawa niyo! Kapag hindi pumunta ang guardian niyo, parehas kayong one week suspension!" Seryusong sabi niya.
Ano ba 'yan! Akala ko naman tapos na ang kamalasan ko! Hindi ako nainform na meron pa pala ngayon! Gutom na ako! Hindi pa ako kumakain e!
Nagkatinginan kami ni Cassandra sa isa't isa at parehas 'yun masama ang tingin. Kung nakakamatay lang talaga ang tingin parehas na kaming nakahandusay sa sahig.
Ilang minuto pa kaming nag antay bago dumating ang guardian namin.
"Anak anong nangyare?" Nagaalalang tanong ni Mama ng makarating siya. Sabay lang dumating ang nanay ko at nanay ni Cassandra.
"What's happening here?" Maarteng tugon naman ng nanay ni Cass. Napatingin naman sa akin ang nanay niya.
"You! Anong ginawa mo sa baby ko?!" Galit na Sabi niya at tinuro pa ako.
"Aba! 'wag mo ngang maturo turo ang anak ko! Halata naman ang anak mo ang may ginawa sa anak ko!" Sigaw naman ni Mama sa nanay ni Cass. Mukha naman itong nairita.
"Mom, she's attacked me, she slap my face" paawang sumbong ni Cass.
"Sinungaling!" Sigaw ko pero sinamaan niya ako ng tingin.
"You slap me kaya! Gumanti lang naman ako!" Dipensa niya.
Sarkastiko naman akong tumawa. "Ikaw kaya Ang nauna! Nakita kong binu-bully mo na naman si Ariane kaya lumapit ako!"
"No, mommy, she's a liar" Sabi pa niya at umiyak sa harap namin.
"Singunaling ka naman pala e! May pa iyak iyak ka pang nalalaman" Sabi naman ni mama.
"Hoy! Don't call my daughter's a liar!" Sabi naman ng nanay ni Cass. Mukhang mag sasabunutan pa ata sila buti nalang napigilan ko si mama.
"Enough!" Napatigil naman ang lahat sa sigaw ng principal, "Pinapunta ko kayo dahil gusto kong mag kaayos ang mga anak niyo, at hindi dagdagan Ang gulo" mukhang naiinis na wika niya.
"Now, kung hindi kayo magkaka ayos, one week suspension, tapos." Sabi pa niya at sumandal sa swivel chair niya.
Napatingin naman kami sa isa't isa at niisa ay walang nagtangkang mag sorry.
"Ano? Ayaw niyo?" Tanong pa ng principal.
"K, fine! Sorry" Padabog niyang inabot ang kamay niya sa akin at hindi tumitingin. Nakataas lang naman ang kilay ko at tinitigan ang kamay niya bago ito inabot. Two seconds lang nag dikit ang palad namin at umirap sa isa't isa.
"Bati na yan? Mukhang hindi naman" sabat naman ng guidance counselor.
"Ulitin! Yung sincere" Sabi pa niya.
"Sorry" Pekeng ngumiti si Cass at muling inabot ang kamay niya, ganun din naman ang ginawa ko.
"Okay, pwede na kayong umalis" Sabi naman ng principal.
Nakahinga naman ako ng maluwag.
"Hoy babae! Wag na 'wag kang magpapatalo do'n sa babaeng 'yon ah! Kung pwede lang lamukusin mo 'yung mukha!" Bulong ni mama ng makalabas kami. Tsk! Si mama talaga! Ngayon Alam niyo na kung kanino ako nag mana? Haha!
"Hindi talaga 'no" Sabi ko naman. Natawa siya bago siya magpaalam na uuwi na siya. Ako naman ay pumunta na ng canteen, nagugutom na talaga ako!
Dumiretso na agad akong bumili ng food bago maupo sa p'westo ko.
"Idol Dianne!" Napatigil ako sa pag subo ng pagkain ng dumatig ang tatlong hari.
"Musta, suspension?" Pangaasar ni Brix.
"Ako? Ma sususpension? 'di mo ata ako kilala" Ngumisi ako bago ko sinubo Ang pagkain ko.
"Idol ka talaga namin, Ms. Siga Queen!" Nagtawanan naman sila.
"Nasaan nga pala si Ariane?" Tanong ni Mark.
"Hindi ko Alam" I shrugged.
"Hindi ka ba nagsasawa sa pakikipag away?" Nagulat naman kami sa tanong ni Calix.
"Hindi ako magsasawa hangga't 'di sila nagsasawang guluhin ako!" Siga Kong Sabi.
"Teka nga... Ano mo ba 'yang Cassandra na 'yan at anlaki ng effect sa kaniya 'yung... 'yung ano... Uh..." Pota 'di ko masabi! "Yung..." Tangena.
"Yung kiss?" Nakakunot na tanong niya.
Hays ba't kase inopen ko pa 'yung topic na 'yon!
"O-oo, 'yun nga!" Sabi ko at iniwas ang tingin.
"She act like my girlfriend but we're not!" Mukhang iritado din siya.
"Hindi naman pala e! May saltik ata 'yong babae na 'yun!" Sabi ko pa at pinagpatuloy ang pagkain.
"Dianne!" Muntik na akong mabulunan ng may tumawag sa pretty name ko. Hindi niyo muna ako patatapusin kumain?
"Pwedeng maki-upo?" Tanong ni Briar pero bago pa makasagot ay naupo na siya. Kapal din ng face nito e!
"Anong meron?" Tanong ko.
"May nag papabigay sayo neto" Ang lapad ng ngiti niya at inabot sa akin ang bouquet ng flowers na kulay red. Valentine's na ba?
"Kanino naman galing?" Nagtataka pa ring tanong ko.
"Ewan, pinaabot lang din sakin ng nagpaabot e" Sabi niya. Ano daw, 'di ko na gets.
"May secret admirer na si Ms. Siga Queen!" Aba! ampota pinagsigawan pa ni Brix!
"Well, well, well!" Napahinto kami sa kapapasok lang ng canteen. Walang iba kun'di ang tatlong garapat queens
"See? Hindi daw malandi pero tingnan niyo naman, kasama pa ang 3 Cavaliers" Oha! Napaka demonyita talaga nitong Cassandra na 'to! Ang KJ.
Napatingin naman 'yung apat sa akin pero yumuko lang ako at kumain na ulit. Ayukong pumatol hangga't di ako nabubusog kaya lubayan niyo ako.
"Ano? Guilty ka ngayon?" Narinig ko ang yabag niya palapit.
"Cass, can you please stop?" Rinig kong sabi ni Mark.
"Huwag ka ngang mangealam dito, Mark!" Bumuntong hininga naman si Mark.
Napahinto naman ako sa pagkain ko ng may maramdaman akong bumuhos sa uniform ko.
"Oops, sorry" sarkastikong sabi ni Cassandra habang tumutulo ang juice na binuhos niya sa akin. Napapikit naman ako sa inis.
"Cass, ano ba!" Suway naman ni Calix sa kaniya. Pero tinabig lang nito ang kamay niya na humawak sa kaniya.
Ngumiti ako ng sarcastic at tumayo sa harap niya. Tinaasan niya lang ako ng kilay. Kinuha ko ang juice ni Brix at ibinuhos din sa kaniya at padabog ko iyong inilapag. Kita ko ang mga tao sa paligid na nakatingin sa amin.
"Oops, dumulas" sarkastiko ding Sabi ko at nginitian siya ng nakakaasar. Napapikit din siya sa inis.
"Why did you do that?!" Galit na Sabi niya habang nanlilisik ang mata.
"Ask yourself first, bitch!" Madiin na Sabi ko at kinuha na ang bag saka lumabas ng canteen.
"Ugh!"Rinig kong pagmamaktol ni Cass pero hindi ko na iyon pinansin. Sumunod naman sa akin si Bri at naiwan ang tatlo sa canteen.
"Grabe!" Natatawang sabi ni Bri na manghang mangha sa ginawa ko. "Idol talaga Kita!"
"Diretsong cheer leading uniform na ang isuot mo dahil may practice tayo" sabi pa niya at inabot sa akin ang uniform. Dumiretso naman ako agad sa restroom para mag palit.
YOU ARE READING
If We Fall Inlove (Teen Series)
Teen FictionMs. Siga Queen Vs. Mr. Captain Isang babaeng palaging nakikipag away at laging laman ng gulo sa campus nila. Hanggang isang araw nagbago ang lahat dahil nakilala niya ang isang lalaking ubod ng kulit.