07

2 1 0
                                    

Chapter 7:

"Dianne, bakit antagal mo--" napahinto din si ate Rian ng Makita kung Sino ang kaharap ko.

"Kambal mo?" Tanong sa akin ni ate Rian.

"Hindi" Sabi ko at tinalikuran na siya. Pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Wait..." Hindi pa rin ako lumilingon sa kaniya.

"Are you still mad at me?" Malambing na tono niya.

Sarkastiko akong ngumisi. "You know the answer, Dane" Iwinaksi ko ang pagkakawak niya sakin at bumalik na sa table namin.

"May kakambal ka pala" Hindi makapaniwalang tanong ni ate Rian.

Lahat naman sila ay tumingin sa akin.

"Baka idol niya lang ako kaya ginaya niya 'yung mukha ko" walang emosyong Sabi ko.

"Dianne, can we talk?" Akala ko naman umalis na siya. Tsk!

"Ano namang pag uusapan?" Naiirita na tanong ko.

"Dianne, please, antagal na no'n, hanggang ngayon galit ka parin sa akin?" Sabi niya na kinainis ko.

"Pwede ba? Kahit na panahon pa 'yon ng hapon katagal, hindi mag babago 'yun!" Singhal ko sa kaniya.

"Wala na akong gana, sorry, I have to go. Thank you nalang" Tumango naman sila. Kinuha ko ang bag ko at lumabas na.

Tumulo ang luha ko habang naglalakad sa kalsada. Ugh! Bakit oa siya bumalik? I hate her! I hate her so much!

Nakakita ako ng isang puno ng mangga sa tabi ng daan. Naupo ako sa ilalim noon at isinandal ang ulo ko sa tuhod ko habang umiiyak.

Habang nag lalaro kami sa labas. Nag susunog ng mga basura ang kasambahay namin.

"Dianne tara tagu-taguan tayo!" Aya niya sakin. Nag tagu-taguan nga kami at ako ang taya.

"Tagu-taguan magliwanag Ang buwan, pag bilang kong tatlo, nakatago na kayo... Isa... Dalawa... Tatlo!" Sabi ko hinanap siya.

"Dane! Yuhoo!" Hinanap ko siya sa buong bahay pero hindi ko siya Makita.

"Dane! Lumabas ka na diyan! Pagod na ako" reklamo ko pero hindi parin siya lumalabas. Napatapat ako sa may bodega namin na tambak ng maraming lumang gamit. Pumasok ako do'n baka kase doon siya nag tatago. Hanggang sa makarinig ako ng kalampog mula sa lumang freezer namin.

"Dane nandiyan kaba?" Inalog alog ko ang freezer.

"Dianne tulong!" Nanlaki Ang Mata ko ng marinig ang mahinang sigaw sa loob. Binubuksan ko pero nakalock ito.

"Yaya! Yaya! Help!" Tawag ko sa kasambahay namin na nag wawalis.

"Bakit Dianne?" Nataranta siya dahil natataranta rin ako.

"S-si Dane po! Na-lock sa lumang freezer!" Pagkasabi ko no'n ay agad siyang napatakbo sa bodega.

"Anong nangyare?" Napahinto ako ng marinig ang boses ni Papa kasama si mama pababa ng bahay.

If We Fall Inlove (Teen Series)Where stories live. Discover now