Chapter 26:
"Girl, paano ka sumasakay sa dalawang ito? Hinahati mo ba ang katawan mo?" Curious na tanong ni Briar habang naglalakad kami papasok sa room namin. Nakasabay ko kase siya at kasama ko ang dalawang Captain na 'to.
"Bye, Dianne, see you!" Paalam ni David. Natahimik siya ng makasalubong niya si Dane na kasunod lang namin.
"Kila Leo ako sumabay, manigas sila 'no mamaya mag banggaan pa sila kapag may pinili akong isang sakayan" Sabi ko.
Tumingin ako kay Calix na dire-diretso lang pumasok. Aba, Hindi niya ata ako pinansin ngayon? Pinagmasdan ko siya pero hindi man lang siya lumingon o nag paalam. Tsk! Bipolar din ang isang ito e!
"Anong nangyare 'don?" Bulong ni Briar.
"Ewan, sinapian na naman ata" I shrugged. Nang mapadaan kami sa room nila ay hindi na ako tumingin, aba bahala siya, napaka rude niya.
Bago pa kami makarating sa mismong room namin ay may biglang nadapa sa harapan ko—este hindi pala nadapa, may tumulak. Napaangat ang tingin ko sa dalawang babae na mas bata sa akin ng isang taon, I think, third year sila. Bumalik din ang tingin ko sa babaeng tinulak nila.
"A-ate Dianne?" Mukhang natakot ang dalawang babae ng makita nila ako. Muntik na akong matawa, psh! Ganyan ba ngayon ang mga bully? Matapang lang pag may kasama or hindi lumalaban ang binu-bully nila?
"Anong ginagawa niyo?" Tinaasan ko sila ng kilay habang kalmado pa rin ang pananalita ko.
Agad naman silang umiling, "W-wala po, ate" Tumakbo na sila papalayo. Dumako naman ang tingin ko sa babaeng nakaluhod.
"Stand up, wala na sila" Sabi ko sa babae. Tinulungan naman siyang tumayo ni Briar.
"S-salamat" Aniya na nanginginig pa.
Tumingin siya sa akin bago nginitian ako kaya napakunot ang noo ko.
"Baliw ka ba?" Takang tanong ko pero natawa lang siya sa reaksyon ko. Baliw nga ata 'to. Nasaktan na nga tumatawa pa.
"Masaya lang" Naawang lang ang labi ko ng sabihin niya 'yon. Ah, baliw nga, Sino ba naman matutuwang bully-hin? Siya lang ata e.
Umirap ako bago nilagpasan siya na Tiningnan lang akong umalis. Pumasok na rin kaming dalawa ni Bri sa room.
"HI, DIANNE" Bati ng tatlong lalaki na nakatambay sa dadaanan ko papuntang science room. Teka, namumukhaan ko sila. Tinitigan ko sila.
"O, baka matunaw kami niyan" Pagbibiro ng isa at tumawa pa. Ang yayabang naman ng mga 'to.
"Alam naming gwapo kami, kaya 'di mo na kailangang titigan" Sabi naman nung isa na mukhang bugs bunny.
"Dianne, pwede ka ba idate?" Tumawa naman yung Isa na mukhang anime, kamukha niya si Levi ba 'yun?
Tinaasan ko sila ng kilay. "Nice, akala ko si Calix lang ang kilala Kong mayabang, nand'yan pa pala kayo?" Sarkastiko kong sabi.
"Oh, 'wag masiyadong highblood, papangit ka niyan" Ani pa ng isang lalaki na kinulang sa height.
Inirapan ko lang sila at tumalikod na, sayang oras pag patuloy ko lang silang kakausapin.
Teka!! May nabanggit ako na hindi dapat mabanggit! Aish! Bakit ko na banggit ang pangalan ng tipaklong na 'yon?!
"Hoy, bakit ganyan itsura mo?" Bungad ni Calix. Kumunot naman ang noo ko. May sapi talaga 'to.
"Tse!" Tinalikuran ko lang siya.
"Gagi, beh! Pinagtripan ka nung tatlo sa B7. Kumunot na naman ang noo ko. At sino naman ang B7?
"Sino 'yun?" Tanong ko.
YOU ARE READING
If We Fall Inlove (Teen Series)
Teen FictionMs. Siga Queen Vs. Mr. Captain Isang babaeng palaging nakikipag away at laging laman ng gulo sa campus nila. Hanggang isang araw nagbago ang lahat dahil nakilala niya ang isang lalaking ubod ng kulit.