11.

1 1 0
                                    

Chapter 11.

"Guys! One Practice bago ang final, dali!" Sigaw ni Coach.

Marami ng tao sa loob ng gym.

"Good luck" Tumayo nanaman lahat ng balahibo ko sa kantawan ng may bumulong sa akin. Narinig ko ang tawa niya ng Makita niya itsura ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Nang magsisimula na ang game ay nag cheer na kami. Kinabahan pa ako dahil baka hindi nila ako masalo pag binato nila ako sa ere!

Red color namin at sa kabila naman ay blue.

"Go! Red Cavaliers! Go!" Sigaw ng lahat.

Nagfocus nalang ako sa gagawin ko. Nang inihagis nila ako sa ere ay narinig ko ang sigawan nila. Omg! Akala ko katapusan ko na! Buti nalang Ang ganda pa rin ng pagkakabagsak ko. Hindi ko pinahalata na kinakabahan ako.

Nang matapos kami ay nagkasalubong ang mata namin ni Calix na nakangiti ngayon tapos na thumbs up siya.

"Galing mo" he mouthed.

Naramdaman ko na naman na nag init ang pisngi ko kaya umiwas ako ng tingin. Ano ba! Bakit ganyan ka, Dianne I hate you!

"Nalagutan ata ako ng hininga nung inihagis ka" natatawang sabi ni Dane. Umupo ako sa tabi niya.

"Look, maganda ba?" Tanong niya at pinakita ang banner niya.

Go! Mr. Captain <3
Go! Cavaliers!

Muntikan na akong matawa Buti nalang pinigilan ko. Supportive naman nito!

"Ang ganda" Sabi ko nalang.

Nagsimula na ang game kaya nag sigawan na sila.

Halos buong game ay nakatitig lang ako sa lalaking kinaiinisan ko. Ang hot niya pag nakakashoot siya. Omg! Gago Dianne, Anong sinabi mo?! Madiri ka nga!

"Go! Calix!" Sakit sa tenga ng katabi ko.

Napatingin naman si Calix sa p'westo namin at napangiti ng makita ang banner ni Dane. Nang magtama ang tingin namin ay bumilis ang tibok ng puso ko. Hala ano 'to?!

Narinig ko nalang na nagsigawan ang mga tao dahil panalo kami. My gosh magdamag pala akong tulala.

"Wuhoo! Celebrate!" Kantyaw nila.

Pagkatapos ay nag yayaan silang kumain sa labas.

"Congrats!" Sabi ng cheering squad.

"Libre daw ni Captain!" Sabi naman ni Brix. Binatukan siya ni Calix.

"Libre ko nalang" lahat kami ay napatingin kay Dane na nakangiti.

"Uh.. ayaw niyo?" Sumimangot siya.

"Huh? Sinong may sabing ayaw? Ayos 'yan!" Sagot ni Brix. Aba! Basta libre okay!

Ang ibang member ay nag paalam na dahil may pupuntahan pa daw sila Kaya ang ending naiwan kami. Si Briar, Dane, ako at ang tatlong hari.

At dahil may balak ako. Nang makarating kami sa isang karinderya sa malapit ay humanap ako ng pwestong sakto sa apat. Nahuling umupo si Dane at Calix dahil may tumawag pa sa kaniya kaya ang ending naupo silang dalawa katabing table namin na silang dalawa lang. Ang talino ko talaga!

"Hoy gaga ka ba't mo iniwan 'yung kapatid mo" bulong sa akin ni Bri. Hindi ko siya pinansin dahil abala ako sa pagpili ng pagkain.

"Hoy!" Kinalabit niya ako.

"What?" Patay malisya kong tanong.

"Umamin ka nga, may gusto ba si Dane kay Calix?" Bulong niya.

"Huh? Ewan" Sabi ko pero parang Hindi naman siya kumbinsado.

If We Fall Inlove (Teen Series)Where stories live. Discover now