16.

0 0 0
                                    

Chapter 16:

"Dianne sakin ka sasabay" Nagsalubong nanaman ang kilay ko sa sinabi ni Dane. Maaga akong nagising pero nagulat ako dahil maaga din nagising si Dane. Nasa hapag kami.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Wala. Basta sakin ka sasabay" pinagpatuloy niya lang Ang pag kain.

"Oh, Hi my dear nieces!" Napahinto kami ng bumaba din ng hagdan si Auntie Lia with her daughter.

"Goodmorning Auntie" bati ni Dane at nginitian niya ito ganoon din naman ang ginawa ni Auntie.

"May pabor lang sana ako" Nakangiting sabi ni Auntie pero halata namang peke iyon. Si Auntie ay asawa ng kapatid na bunso ni Mama.

"Ano po iyon Auntie?" Si Dane ang nagtanong dahil siya lang Ang nagtat'yagang kausapin ang mag ina.

"Pwede niyo bang isabay sa school niyo si Loisa? Doon ko na siya pag aaralin pati na rin si Leo." Sabi pa niya.

Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Dane. Alam niya kase ang ugali ng mag inang 'to kaya ayaw niya din sa presensya nito.

"E, nasaan po si Leo?" Bago pa sumagot si Auntie ay may narinig kaming nag doorbell.

"Uhm, pwede niyo bang buksan 'yon?" Ngumiti siya ulit. Aba! Ang kapal neto ah! Sumama ang tingin ko pero hindi naman ito tumingin. Naramdaman ko nalang na sinipa ako ni Dane ng mahina sa ilalim ng lamesa. Nginitian niya ako na para bang sinasabi niya na hayaan ko nalang.

"Ako na po" Tumayo si Dane para buksan ang pinto. Umupo naman silang dalawa. Peke silang ngumiti sa akin pero Hindi ko iyon pinansin.

"Mom!" Lahat kami napalingon sa dumating na lalaki at ang laki ng ngiti.

“Son!” Nakangiting bati ni Auntie. Humalik siya sa pisngi ni Auntie bago napatingin sa akin na busy kumain.

"Dianne?" Napatigil sa pag subo at nilingon siya. Nakangiti siya samantalang ako poker face lang.

"Musta?" Umupo siya sa tabi ko. Bumaba na rin si Mama.

"Fine." maikling sagot ko bago pinagpatuloy ang pagkain.

"Musta, Leo? Dito ka rin ba magaaral?" Nakangiting tanong ni Mama bago kumuha ng pagkain.

"Opo, Auntie" Sagot ni Leo.

"Ma, una na po ako may reportings pa kami e" Paalam ko.

"No, Dianne! Sasabay ako" Tumayo na rin si Dane.

"Sandali!" Napahinto naman kaming dalawa ng pigilan kami ni Auntie.

"Sumabay na kayong dalawa" Sabi niya kila Leo at Loisa. Tumayo naman agad ang dalawa para sumunod sa amin.

Iisang kotse nalang ang ginamit namin at kay Leo 'yun. Siya ang magda-drive no'n. Papasok palang Sana kami ng mapansin ko ang isang kotse sa tabi.

If We Fall Inlove (Teen Series)Where stories live. Discover now