23.

2 0 0
                                    

Chapter 23:

"Ano na? Kanina ka pa tulala! 'wag mo sabihing ayaw mo sa halik ko?" Nakapaweng na sabi ko.

"Hindi ba pwedeng kinikilig lang?" Sabi niya at ngumisi. "Pwedeng isa pa? Hindi nag sink in e"

"Fuck you CJ!" Binatukan ko siya.

"Huh? Kiss lang hinihingi ko, masyado pa tayong bata para d'yan" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Pero nawala din agad ng ma-gets ko ang sinabi niya kaya agad gumalaw ang kamay ko para hampasin siya sa braso.

"Aray ko!" Reklamo niya habang hinihimas himas ang braso na hinampas ko.

"Pinagsasabi mo!" Sigaw ko sa kaniya. Siya naman ay tawa ng tawa. "Alam mo kunti nalang sasakalin na kita e!" Lumapit ako na akmang sasakalin siya pero agad niya iyon inilagan.

"First date natin tapos bubugbugin mo lang ako! Grabe ka na sakin" Sumimangot siya.

"Hindi ka naman masasaktan kung matino kang kausap!" Sabi ko pa.

Maya maya ay natahimik na siya at sumeryuso. "Dianne" Tawag niya sa malabing tono. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Alam mo bang first love kita?" Kumunot naman ang noo ko.

"Hindi. Pake ko ba sayo" pagtataray ko kaya natawa siya.

"Ouch naman" Humawak pa siya sa dibdib niya na aktong nasasaktan.

"Hindi mo dapat binabalewala ang first kiss mo" Mas lalo lang tumaas ang kilay ko. "Sabi nga nila, first kiss never die" Bulong niya in sexy voice.

Natawa naman ako. "Bagong version ba 'yan?" Tanong ko habang tumatawa pa rin.

"Oo, bakit? Pake mo ba sa version ko!" Aniya.

"Okay" natahimik na ulit ako.

Tahimik lang kaming pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. Walang buwan ngayon pero napakaraming bituin.

"Bakit mo ako dinala dito?" Pagbasag ko sa katahimikan. Nakaupo parin ako sa telang nilatag niya samantalang siya ay nakahiga at nakalagay ang dalawang kamay niya sa ulo niya (Sa taas):/

"Sabi nila, dalhin mo ang taong special sayo sa pinaka paborito mong lugar para memorable." Ngumiti siya sa akin.

"So, favorite place mo 'to?" Tanong ko. Hindi ko maiwasang mapangiti.

"Bakit? Special ka ba?" Sinamaan ko siya ng tingin, "Joke lang! Mamaya hindi na ako makalakad niyan dahil bali bali na ang buto ko" pagbibiro niya. Inirapan ko lang siya.

"Baka nga, kaya umayos ka" I said.

Natahimik na ulit kami. Para lang kaming sira dahil pagkatapos naming mag bangayan, tatahimik na ulit kami tapos bangayan ulit.

"Dianne, gusto mo din ba ako?" Pagbasag niya ulit sa katahimikan. Seryuso na siya ngayon na nakatingin sa akin.

"Hindi ko alam." Natahimik naman siya, "Hindi ko alam kung gusto kita o hindi, Ang alam ko lang, lumakas ang tibok ng puso ko sa tuwing lalapit ka, napapangiti ako ng patago sa tuwing nanggugulo ka at nang aasar ka. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, Calix. Ang masasabi ko lang, masaya ako kapag nakikita ka" Ngumiti ako ng kaunti sa kaniya. "Sana maintindihan mo ako dahil ngayon lang ako nakakaranas ng ganito" dagdag ko. Tumango naman siya.

"Naiintindihan kita, at iintayin ko ang araw na magugustuhan mo na rin ako ng hindi ka na nalilito." Ngumiti siya sa akin.

Tumayo na siya at inilahad ang kamay niya para patayuin ako, "Tara na" nakangiti aniya saka ko inabot ang kamay niya. Umuwi na rin kami dahil hating gabi na.

_______________

MAAGA akong nagising dahil Monday na naman. Ang bilis talaga ng oras! Pagkaligo ko ay bumaba na ako, naabutan ko naman si mama na nagluluto. Hindi ko alam pero parang may tumulak sa akin na lapitan siya. Nagulat siya ng yakapin ko siya mula sa likod dahil para mabitawan niya ang sandol na hawak niya.

If We Fall Inlove (Teen Series)Where stories live. Discover now