04.

2 1 0
                                    

Chapter 4:

Buong klase ata nakatulala ako. Ewan ko ba kung bakit. Trauma ata inabot ki do'n sa nangyare. What if nand'yan lang pala sila sa tabi tabi? Tapos gumanti sila?

Pagkatapos ng english subject namin ay dumiretso na ako sa science room. Hindi na ako nag tataka kung bakit andaming mga matang naka sunod sa akin. Sanay na ako do'n, issue na naman ba 'yan? Tsk!

"'Di ba siya 'yung nakahalikan ni Mr. Captain?"

"Oo, nakakakilig nga e!"

"Kaso mukhang ayaw nila sa isa't isa"

Rinig kong bulungan ng mga istudyante sa dinadaanan kong papuntang science room. Bulungan ba talaga 'yon? Teka— ano daw? Nakahalikan? Ampota kadiri naman no'n! Bakit nila pinag uusapan 'yong ganoong bagay. Eww!

Siguro naman maganda na ang araw ko ngayon dahil hinakot na kahapon ang kamalasan ko.

Bago ako makarating sa room ay may tumawag sa napakagandang surname  ko.

"Miss Demesa"

Napalingon ako sa nagsalita. Si Ma'am Rica lang pala.

"Yes ma'am?"

"I have something to tell you" sinenyasan niya akong pumasok at naupo sa harap ng desk niya. Mukhang seryuso si ma'am.

Nagtataka naman akong umupo. "Ano po iyon?"

"Ibabalik ka na daw ulit sa cheer leader" Napanganga ako sa diretsahang Sabi ni Ma'am Rica. What?!

"Po?"

"Yes, Dianne you're back to our squad!" Bigla naman sumulpot si Briar na tuwang tuwa. Hindi pa nga ako pumapayag e!

Since first year highschool kase nasa cheering squad na ako. Inalis lang ako ng coach namin dahil gusto niyang ipalit sa p'westo ko si Kaye na inggitera ng taon. Porket boyfriend niya dati ang anak ng may ari ng School na 'to feeling boss na, Buti nga wala na sila e!

Matanggal ako sa pagiging cheer leader last year pero hindi naman kawalan sa akin 'yon. At least maaga na akong nakakauwi.

"Ano, Dianne?" Nakangiting sabi ni Ma'am Rica. Pinabalik balik ko ang tingin ko sa dalawang nakangiti sa harap ko. Si Ma'am Rica at Briar. Papayag ba ako? Hays sige na nga!

Tumango nalang ako. Parehas naman silang natuwa sa sagot ko.

"I'm so happy, Dianne!" Tuwang tuwa na sabi ni Bri habang ako ay nakasimangot na bumalik sa upuan ko.

"Ano bang nangyare sa cheer leader niyo?" Tanong ko sa kaniya.

"Hays ayon! Tinopak dahil binreak nung jowa" umiiling iling na sabi niya. Amp! 'yun yung dahilan? Parang gusto kong tumawa.

"Excuse!" Natahimik kami ni Bri sa pag uusap ng may epal na sumingit. Nasa gitna kase namin ang upuan niya kaya no choice kaming tumahimik baka marinig niya pa yung pinag uusapan namin e.

"Excuse po ma'am kay Dianne" Lahat kami ay tumingin kay ate Rian na kasama din sa cheering squad. Mas matanda siya sa akin ng isang taon kaya ate tawag ko.

"I remind lang po sa kaniya na mamaya na po ang start niya ulit sa cheering squad" Sabi niya.

"Teka--" mag re-react pa Sana ako kaso naka alis na siya.

"Dianne, nasa kanila ang uniform mo" Sabi naman ni Ma'am Rica bago muling nagsulat sa board.

"OMG!" Napalingon ako kay Bri na sumigaw. Lahat kami ay napatingin sa kaniya. Bigla naman niyang tinago yung phone na hawak niya at ngumiti sa amin na parang natatae.

If We Fall Inlove (Teen Series)Where stories live. Discover now