19.

0 0 0
                                    

Chapter 19:

"Bitawan mo nga ako!" Pilit kong tinatanggal ang kamay niya pero masiyado siyang malakas at Ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin.

"Are you okay?" Malambing na tanong niya ng makalayo kami sa gym.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Magiging okay ako kapag nakaganti ako sa kanila!" Sigaw ko sa kaniya.

Akmang babalik ako sa gym pero mas hinigpitan niya ang kapit sakin.

"Let me go!" Sigaw kong muli pero hindi niya talaga ako binibitawan.

"Hindi matatapos ang gulo sa pagitan niyo ni Cassandra kung mag gagantihan kayo habang buhay" Seryuso niyang sabi kaya natahimik ako.

"Ano bang pakealam mo?" Inis na tanong ko.

"Wala. Ayuko lang na nakakakita ako ng gulo!" Sabi niya.

Napataas naman ang kilay ko, "Just close your eyes!" I said.

"Really? 'yan lang sasabihin mo?" Seryuso pa rin siya.

"So, ano ba dapat sabihin ko?" Sarkastikong tanong ko.

"Please, tumigil ka na" Nagulat ako sa sinabi niya and deep in side naguluhan ako.

"Sinasabi mo?" Takang tanong ko.

Huminga siya ng malalim. "Tumigil ka na sa pakikipag away" Diretsang sabi niya na literal akong natulala. Pinagsasasabi ba niya?

"At bakit ako titigil? Huh?" Nanatiling nakataas ang kilay ko. Naguguluhan ako sa inaakto ni Calix ngayon.

"Basta" simpleng sagot niya na kinainis ko. Tumalikod pa siya na akmang aalis pero agad kong hinila ang braso niya.

"Anong Basta?" Pangungulit ko.

"Wala" tumalikod siya ulit.

"Baliw ka na talaga Calix James! Pinapatigil mo ako sa gulo pero ayaw mong sabihin ang dahilan? Nag da-drugs ka ba, huh?!" Sigaw ko sa kaniya dahilan para mapahinto siya. Ilang dangkal palang ang layo niya sa akin.

"Gusto mo talagang malaman?" Seryuso parin na tanong niya.

"Itatanong ko ba kung hindi?" Sarkastikong sabi.

Ngumisi siya at hinawakan ang kamay ko at hinila ako palabas ng campus.

"Hoy saan mo ako dadalhin?!" Tanong ko sa kaniya habang hila hila niya ako.

"Just close your mouth until we're there" Saad niya na kinakunot lalo ng noo ko. Tama ata hinala ko na nag da-drugs 'to.

"Aminin mo!" Kumunot naman ang noo niya na tumingin sakin, "Nagsha-shabu ka ba?" Sandali siyang natahimik bago siya tumawa ng malakas. "Oh, I think I'm right" Alam ko na ang sagot.

"Kung nag aadik ma ako, sa tingin ko ikaw ang shabu" Nakangisi niya sabi.

"Huh? Mukha ba akong shabu ha!" Pagsusungit ko. Tumawa lang naman siya at huminto sa paglalakad. Huminto kami sa isang puno ng mangga malapit sa kalsada. 'Yung puno ng mangga kung saan ako dinamayan sa pag iyak ni Calix noong dumating si Dane. Actually I choose this place dahil tahimik ito. Hindi naman gano'n kalapit sa kalsada dahil malayo ito ng ilang dangkal. Nag iisa ang puno ng manggang ito at sa likod nito ay may malawak na Bermuda grass. Maganda din ang tanawin dahil kita dito ang dalawang bundok sa malayo.

Hindi ko maiwasang magtaka na tumingin kay Calix na naupo sa ilalim ng puno.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko habang tumitingin sa paligid.

"Sit there" utos niya.

"Wow ha! Aso lang?" Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Umupo ka nalang at namnamin ang simoy ng hangin" Sabi niya. Psh! Daming alam!

Uupo na sana ako pero pinigilan niya akk saglit at may nilabas siyang handkerchief at inilatag sa damo saka niya ako doon pinaupo. Sa bagay maiksi ang palda ko kaya baka matusok pa ng damo kawawa naman ang baby ko. Char!

"So ano ngang ginagawa natin dito?" Di ako mapakaling hindi itanong 'yan e. Humarap siya sa akin at tiningnan niya ako ng seryoso niyang tingin. Bigla nalang akong may maramdamang kuryente na dumaloy sa katawan ko ng dumampi ang kamy niya sa pisngi ko.

"Hindi ba masakit?" Tanong niya. Kumunot naman ang noo ko at nagtataka. Huh? Masakit alin?

"'Yung pisngi mo?—sabagay you're the Siga Queen nga pala kaya walang sasakit sayo, ikaw ata 'yan" Sarkastikong aniya at mahinang tumawa.

Ah eh, may masakit pala sa akin? Bakit 'di ko naramdaman simula nung hilahin ako ni Calix palayo.

"H-huh? E, Oo 'no! Maliit na bagay!" Sabi ko nalang.

"Teka! Oo nga pala! Ano nga pala 'yung sinasabi mo kanina?" Tanong ko. Nakalimutan ko na kanina pero buti nalang naalala ko.

"Gusto mo pa ba talagang malaman?" Tanong niya.

"Oo naman 'no! Inistorbo mo 'ko do'n tapos 'di mo sasabihin!" Sabi ko pa.

Bumuntong hininga siya at akala ko sasabihin na niya pero..."'Wag na" Sumandal siya sa puno.

"Hoy sabihin mo na!" Pagpupumilit ko. Natigilan ako ng nilapit niya ang mukha niya sa akin as in sobrang lapit three inches nalang ang pagitan sa sobrang lapit. Naduduling na nga ako habang gulat na nakatitig sa kaniya. Unti unting sumilay ang ngisi niya.

"Kapag nangulit ka pa hahalikan Kita" nakahinga ako ng maluwag ng lumayo siya sakin. Natahimik tuloy ako. Sobrang kabog ng dibdib ko sa ginawa niya! Feeling ko gustong kumawala ng puso ko mula sa loob.

Parehas naman kaming natahimik at pinagmasdan ang papalubog na araw. Napakaganda ng langit na nagtataglay ng sinag ng araw na papalubog.

"Dianne?" Tawag niya sa malabing na tono.

"Hmm?" Sagot ko habang pinagmamasdan ang langit. Kita ko sa peripheral vision ko na nakatingin siya sakin kaya napalingon ako at tinaasan siya ng kilay.

"Sabi ni mom, parehas lang daw kayo ni Dane pero for me, hindi" Lalong tumaas tuloy ang kilay ko, siya naman ay mahinang tumawa.

"See? Si Dane kahit kailan hindi ko nakitang magtaas ng kilay sakin pero ikaw? Halos umabot na hanggang langit" He chuckled.

"Magkaiba kami ni Dane, at inaamin ko 'yun na masama ang ugali ko sabi nila" Sabi ko at ibinalik ang tingin sa langit.

"Sabi nila? So ibig sabihin hindi talaga?" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Oo, Sabi nila. Kaya wala akong choice kun'di ipakita kung anong ugali ang sinasabi nila."Sabi ko pa. "Kahit namang anong gawin ko, iyon at iyon parin ang nakikita nila" Ngumiti ako ng kaunti pero may lungkot sa ngiti na 'yun.

"Bakit? Bakit hindi mo ipakita ang mabuting loob mo? Kung iyon naman talaga ang ugali mo?" Tanong pa niya.

"Wag na, hindi naman na sila maniniwala e," I chuckled.

"Alam mo, hindi sila maniniwala kung pati sarili mo ayaw mong paniwalain" Seryusong sabi niya habang nakasandal parin sa puno at nakatingin din sa langit.

"E, ikaw? Kaya mo bang maniwala sakin? Kaya mo bang maniwala na hindi masama ang ugali ko? Sigurado akong hindi dahil saksi ka sa mga pagtataray ko" Natatawa kong sabi pero nanatili siyang seryuso at nakatitig sakin.

"Kung Oo, maniniwala ka rin ba?" Doon ako natahimik sa sagot niya.

Ilang minuto rin kaming natahimik bago niya ulit binasag ang katahimikan.

"Bakit naisipan mong lumaban? Makipag away? Sa tingin mo ba tatahimik ang buhay mo kung lagi kang lalaban?" Sabi niya.

Mahina akong tumawa, "Hindi sa lahat ng oras magpapaapi ka, kung Kaya mo naman lumaban bakit hindi?  Saka hindi tatahimik ang buhay ko hangga't may nanggugulo." Tumayo na ako at kinuha na ang panyo niya. "Tara na nga, Gabi na" aya ko, inabot ko ang kamay ko para patayuin siya pero tinitigan niya lang iyon bago sumilay ang ngisi niya at tiningnan ako kaya tumaas muli ang kilay ko.

"Ano 'yan? Magkaibigan na ba tayo?" Nakangisi niya sabi.

"Pinapatayo lang kita 'wag kang assuming!" Pagtataray kong muli.

"Salamat!" Tumayo na siya at umalis na kami sa lugar na 'yon. Para sakin iyon ang pinaka magandang lugar kapag may problema ka o wala. Wala lang napaka comforting lang.

If We Fall Inlove (Teen Series)Where stories live. Discover now