06.

1 1 0
                                    

Chapter 6:

Bago pa mag time ay pumunta na kami sa gym.

"Dianne!" Tuwang tuwang bati ni ate Rian at lumapit sa amin.

"Welcome back! Our Queen!" Bati naman ng mga kasamahan namin sa cheering squad.

"Namiss niyo ba 'ko?!" Pang aasar ko sa kanila. Tumawa naman sila.

"Of course!" Sabi naman ni Mira.

"Mas bagay talaga sayo 'yang uniform natin kesa sa uniform ng school" natatawang sabi ni ate Rian.

Naputol ang pag chichikahan namin ng may tumama sa aking bola.

"Oops, sorry!" Nakangiting sabi ni tukmol na parang nang aasar. Feeling ko tuloy mag pa-fly high 'yung utak ko!

"Hindi, ayos lang!" Sarkastikong sabi ko. Umirap ako at dinampot ang bola saka ibinato sa kaniya. Tumama naman iyon sa t'yan niya.

"Ouch" Sabi niya at tumawa. Abnormal ata 'to.

Umirap akong muli at tinalikuran na siya. Pero ng hinarap ko ang mga kasama ko ay nagpipigil sila ng tawa sa amin. Kumunot naman ang noo ko.

"Okay, let's start na!" Pag iiba ko. Nasa gilid kami ng gym dahil may practice din ang mga basketball player.

Habang nasa kalagitnaan kami ng pag pa-practice ay palaging napupunta sa amin ang bola. Hindi ko Alam kung sadya ba 'yun o ano.

"Sorry pasensya na!" Sabi muli ni Mr. Captain na nakangiti. Naiirita ako sa ngiti niya!

"Hindi, ayos lang! Batuhin mo lang kami ng paulit ulit Basta ikaw!" Sabi naman ni Mira. Amp!

"Gaga ka talaga, Mira!" Natatawang Saad ni Kia ang bestfriend niya.

"Whatever, back to the practice na!" Sigaw ko sa kanila.

"Yes, boss!" Sabay sabay nilang Saad.

Nagbigay ng break time si Coach.

Umupo ako sa kabilang gilid para uminom ng tubig. My ghad! Bitin! Tatayo na Sana ako para bumili ulit ng tubig kaso may nakita akong nakatayo sa harap ko at inaabot ang water bottle niya. Napangiwi naman ako ng inangat ko ang ulo ko para Makita kung sino 'yon.

"Tubig" nakangiting sabi niya.

"No need, bibili nalang ako" Sabi ko at tumayo.

"Ah, manghihingi Sana ako" Napakamot siya ng ulo. What the F? Akala ko naman binibigay niya.

"Joke!" Tumatawang Saad niya ng Makita ang reaksyon ng mukha ko.

"Abnormal ka ba?" 'di maiwasang tanong ko habang nakakunot ang noo. Tawa kase siya ng tawa.

Umupo siya sa tabi ko. "Bakit ba ang sungit mo?"

"Wala kang pake" Sabi ko. I heard him chuckled.

"Hay, dapat hindi mo sinusungitan ang first kiss mo" Seryuso niyang sabi. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Feel mo naman? Big deal sayo 'yon 'no? Siguro you enjoyed that kiss?" Pagtataray ko. Tumawa nanaman siya. May saltik talaga 'to.

"What if... I am" Bulong niya with husky voice. Tangina naman! Ilayo niyo nga 'tong lalaking 'to!

"Tsk! Whatever" I rolled my eyes. Tumayo na ako para sana bumalik sa mga ka-mates ko.

"Hey! We're friends na" Hinila niya ako na muntikan ng matumba muli sa kaniya pero buti nalabanan ko.

"Friends?" I chuckled, "no way" lumayo ako sa kaniya.

"Yes!" Sabi niya.

"Desisyon ka?" Nakataas na kilay ko.

If We Fall Inlove (Teen Series)Where stories live. Discover now