Chapter 18: .
Natapos na kami't lahat pero hindi sumunod si Dane. Ano kayang nangyare do'n?
"May binu-bully na naman daw si Cassandra, Queen of bitch talaga 'yun!" Rinig kong kwantuhan ng dalawang babae na kapapasok lang ng canteen. Nagkatinginan naman kaming anim. Ayukong isipin na si Dane ang binu-bully niya pero kailangan kong manigurado dahil kanina pa wala si Dane. Wala siyang ibang kaibigan kun'di kami kaya wala siyang ibang pupuntahan. Tumayo na ako pero pinigilan ako ni Ariane.
"Saan ka pupunta?" Takang tanong niya.
"Pupuntahan ko lang si Dane" sagot ko.
"Sama ako" Napatingin ako kay Calix pero tumango nalang din ako.
Pupuntahan dapat namin si Dane sa library dahil iyon ang sabi ni Ariane pero hindi pa kami nakakalayo ay bumungad na agad sa amin ang kumpulan sa hallway.
"'Di ba si Dianne 'yun? Bakit hindi na siya lumalaban ngayon?" Rinig kong tanong ng babae sa malapit sa amin.
"Tanga, kakambal niya 'yan" Sabi naman ng kasama niya.
Nagkatinginan kami ni Calix at mukhang narinig niya din ang usapan ng dalawa. Para akong nanlambot sa narinig. Anong kasalanan naman ni Dane dito?!
Papunta na sana ako ako pero pinigilan ako ni Calix.
"Kailangan ako ng kapatid ko" Iwinaksi ko ang pagkakahawak niya at agad kong hinawi ang mga echosero't echosera.
"Tabi!" Sigaw ko.
"Oh, look who's here!" Nakangiti pang sabi ni Cass ng makita ako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita si Dane na nakasubsob sa sahig at umiiyak. May Sugat siya sa tuhod at basa din ang uniform niya.
"Tangena mo, anong ginawa mo sa kapatid ko?!" Galit na sabi ko with nanlilisik ang mata. Ngumiti lang siya sa akin.
"Eto naman, nagmamadali, wala pa nga sa kalahati ang ginagawa ko sa twin sister mo" Sabi pa niya at hinablot si Dane.
Agad namang sumingit si Calix. "Cass! Tumigil ka na!" Galit na aniya at kinuha si Dane.
"'Wag ka ngang mangialam Calix! Pinagpalit mo na ba ako sa magkapatid na basura na 'yan?!" Galit na Sabi niya Calix.
"Walang pinagpalit dito, Cass dahil wala namang tayo!" Natahimik ang lahat sa sinabi ni Calix at nag bulungan naman ang iba.
"Shut up!" Sigaw ni Cass sa mga tao sa paligid.
"Hoy! Babae kasalanan mo 'to e! Lahat nalang ba inagaw mo? Huh?!" Sigaw ni Cassandra sa akin.
Sarkastiko akong tumawa. "Inagaw? Hanggang ngayon parin ba bitter ka parin sa pangiiwan sayo ni Dave? Tsk! Alam mo din ba na wala akong pake sainyo? Syempre hindi, Bobo ka e" Sabi ko kaya mas lalo siyang nagalit.
Sinugod niya ako at sinampal pero hindi ako nag patalo. I slapped her face 360 degrees. Napaupo siya sa pagkakasampal ko. Hindi pa ako nakuntento at nilapitan ko siya saka siya hinila patayo.
"Para 'to sa panggugulo sa akin!" Sinampal ko siya sa kabila.
"Para naman 'to sa pananakit sa kapatid ko na walang kalaban laban!" Sinampal ko siya ulit sa kabila ng napakalakas bago siya natumba ulit pero hinatak ko siya. Pulang pula na ang mukha niya sa pagsampal ko. Napahawak naman siya sa magkabilang pisngi niya.
Sasampalin ko sana siya ulit pero may humawak sa akin. "Dianne, tama na 'yan" sila Bri at Ariane. Napansin ko na din pala na wala na si Calix at Dane sa likuran ko. Dahil kadadating lang nila kasama sila Briar, Ariane at sila Brix and Mark.
YOU ARE READING
If We Fall Inlove (Teen Series)
Ficção AdolescenteMs. Siga Queen Vs. Mr. Captain Isang babaeng palaging nakikipag away at laging laman ng gulo sa campus nila. Hanggang isang araw nagbago ang lahat dahil nakilala niya ang isang lalaking ubod ng kulit.