Chapter 10:
Kinabukasan ay masaya akong bumangon. Omg exciting 'to!
Pagkaligo ko ay bumaba na agad ako para kumain. Nasa baba na din si Dane.
"Aba! Ang aga niyo ata ngayon? Buti naman 'di na kailangan gisingin" Natawa nalang kami ni Dane sa sinabi ni mama.
"May laban ang basketball team namin and bago 'yun ay cheer leading muna" sagot naman ni Dane.
Oo nga pala! Nakalimutan ko. Agad akong tumakbo sa kwarto ko para kunin 'yung cheerleading uniform ko.
Pagkakuha ko ay bumalik na ulit ako sa kusina.
Pagkatapos namin kumain ay umalis na rin kami dahil baka ma-late pa kami.
"Excited na ako!" Kinikilig na sabi ni Dane habang naglalakad kami sa school. Nginitian ko lang siya.
Hinatid ko siya sa room nila dahil madadaanan ko din naman iyon papauntang classroom namin.
"Bye" Sabi niya. Sumilip ako sa loob ng room nila dahil baka makita ko si Calix pero wala pa siya doon. Para tuloy akong nalungkot. Huh? Nalungkot? Sino? Tsk! Stupid Dianne.
Pagkaupo ko sa upuan ko ay kinuha ko ang phone ko dahil maaga pa. Ite-text ko siya.
To: Tukmol
Pst! May sasabihin ako mamaya.Pagkasend ko ay inilagay ko agad sa Facebook para mag scroll. Maya maya ay nag beep na siya. Hala baka anong isipin niya sa sinabi ko.
From: Tukmol
Ano 'yan? Mag co-confess ka na ba sa akin?Oha! Tangena talaga! Ano bang meron utak niya? Sabi na e!
Hindi ko na siya nireplyan. Buong klase ay nakinig ako. Parang gusto Kong laktawan ang science namin! Dahil baka mang asar lang si Tukmol!
Pero mukhang trip talaga ako ni lord ngayon dahil parang five minutes lang ata 'yung english class namin. Ang bilis!
Lakad zombie ako papunta sa science room namin.
"Dianne!" Muntik na akong mapatalon sa gulat ng tapikin ako ni Bri.
"Ano ba! Ba't ka ba nanggugulat!" Reklamo ko, tumawa naman siya.
"You like a zombie, kaya ginulat kita!" Tumatawa niyang sabi.
Nangmakarating kami sa science room ay nakahinga ako ng maluwag dahil wala pa siya.
"Class lahat ng cheerleading excuse kayo dahil mamaya na ang laban niyo." Sabi ni Ma'am Rica.
"Ma'am ang unfair!" Reklamo ni Yen.
"Pwede ka naman umalis sa class ko if you want? But don't you dare to back my class... ever" Seryusong tugon ni Ma'am Rica at tumalikod na para mag sulat sa board. Narinig ko naman ang maktol ni Yen sa likod ko.
"Tara, Dianne" Tumayo na si Bri at lumabas na.
Tumingin ako kay Yen na ang sama ng tingin sa akin. Unti unting sumilay ang malang asar kong ngiti na laging tumatalab sa kaniya. Nginitian ko siya bago ako lumabas. Asar na asar nanaman siya kaya natutuwa ako.
Habang nag lalakad kami ay muntikan nanaman akong mapatalon dahil sumulpot si Dane sa harap namin.
"Hi, sis" nakangiti niyang bati.
"Anong ginagawa mo dito? Wala na kayong klase?" Takang tanong ko.
"Wala na, atsaka panonoorin nalang kita" ngumiti siya ng alanganin.
Pinaningkitan ko siya ng Mata. "Ako ba talaga ang papanoodin mo o si—" Agad niya tinakpan ang bibig ko at namula siya. Hala!
"Huli!" Tumawa ako kaya hinampas niya ako sa braso. "Ouch" reklamo ko.
YOU ARE READING
If We Fall Inlove (Teen Series)
Подростковая литератураMs. Siga Queen Vs. Mr. Captain Isang babaeng palaging nakikipag away at laging laman ng gulo sa campus nila. Hanggang isang araw nagbago ang lahat dahil nakilala niya ang isang lalaking ubod ng kulit.