Chapter 25.
"Bakit ka umalis?" Nagmamaktol na ani Briar. Tapos na ang game at panalo ang team namin. Sabi nila halos tapatan lang daw ang laban. Hays, expected ko na 'yon!
"Nagutom ako" Sagot ko nalang.
"Manlilibre daw si Coach Liam!" Anunsyo ni Brix na nakaakbay kay Mark.
"Coach Liam!" Ngumiti ako ng nakakaloko at lumapit sa kaniya. Si Coach Liam ay dati din Captain ng basketball team nila. Matangkad, mestizo, Mabango. Basta gwapo kaya naman madami ding nagkakandarapa sa kaniya at Isa na si Coach Lukas, pero... pakiramdam ko lang iyon. Gusto ko lang talaga siya asarin.
"Hi, Dianne!" Sabay na bati ng dalawang itlog sa tabi ni Coach Liam. Si Calix at David. Hindi ko sila pinansin at lumapit nalang kay Coach.
"Coach, may jowa ka na?" Nagulat naman siya sa tanong ko at maging ang nakarinig ay nagulat din.
"Hoy ano 'yan? 'wag mo sabihing may gusto ka kay Daddy Liam! Mali 'yon!" Sinamaan ko ng tingin si Briar.
"Shut up, Bri!" Suway ko at tumingin ulit kay Coach Liam.
"Wala" Napatakip ako sa bibig ng kamay ko ng marinig ang sagot ni Coach.
"Talaga Coach? Weh?" Tumango tango naman ito at ngumiti. Omy! Sino bang hindi ma-fa-fall kay Coach Liam ang cute niya lang. He's a type of man na serious type! Actually Sir Liam like a boyfriend material.
"Have a ex I think" He added.
"Boy or girl?" I asked again. Halos pabulong lang dahil maraming tenga sa paligid na nakikinig sa amin.
"Girl" Para akong nalungkot sa sinabi niya. Pero hindi ako nakuntento.
"Sir, I have a question" Sabi ko pa. Seryuso naman siyang nakatingin sa akin na iniintay ang sasabihin ko. "Nag kagusto ka naba sa lalaki? As in same gender sayo ganun?" Dagdag ko.
Nakita ko naman ang mukha niya na parang nag iisip. "Ahm...Yeah?" Hindi siguradong aniya.
"Sino?" Nagtaka naman siya sa akin. Iniisip niya siguro na napaka interesado ko sa kaniya.
"Why would you ask that? Are you interested to my life?" Seryusong aniya. Luh? Sabihin na nating Oo? Ship ko sila ni Coach Luke e, ba't ba!
"Ah..."
"Oo nga! Interesado ka ba kay Coach?" Pag putol ni Calix sa sasabihin ko. Napatingin ako sa kanilang lahat na halos lahat sila ay mukhang nakikinig sa usapan namin. Bumuntong hininga ako. Bakit ba sila nakikinig sa usapan namin?
"Sir add kita sa FB ha? Ano name mo?" Bulong ko na ikinakunot ng noo niya pero sumagot din naman.
"Wait sir!" Pag-udlot ko sa pagbuka ng bibig niya. Agad Kong kinuha ang phone ko. "Sige sir tell me" Iniopen ko ang phone ko patungong Facebook para isearch siya.
"Liam Velasco" maikling aniya. Agad ko naman siyang sinearch at wow! He's so handsome in his profile huh.
"Accept me sir" sabi ko at kinindatan siya.
"Babe! Bakit mo naman ako pinagpalit kay Coach!" Inirapan ko lang si Calix
"Shut up, CJ!" Pumunta na ako sa gawi nila Ariane.
"Guys! Don't kalimutan ha, manlilibre si Coach!" Anunsyong muli ni Brix. Naiiling iling nalang si Coach Liam. He love his students huh? I like coach na!
"Hi, Coach!" Tumabi ako kay Coach Luke na nag aayos ng gamit at nginitian siya.
"Anong ngiti 'yan, Ms. Prikitik?" Pagsusungit niya. Wow! Si Coach nag susungit!
YOU ARE READING
If We Fall Inlove (Teen Series)
Novela JuvenilMs. Siga Queen Vs. Mr. Captain Isang babaeng palaging nakikipag away at laging laman ng gulo sa campus nila. Hanggang isang araw nagbago ang lahat dahil nakilala niya ang isang lalaking ubod ng kulit.