24.

0 0 0
                                    

Chapter 24:

"Ah, wait!" Pinigilan ako ni David bago pa ako makapasok sa gate. Kumunot naman ang noo ko na Tiningnan siya.

"Wala bang goodbye kiss?" Sabi niya na kinataas ng kilay ko. Magsasalita na sana ako kaso may biglang dumaan sa gitna namin na dahilan ng pagbitaw ni David sa kamay ko.

"Tabeeee!" Nang aasar na tono niya at dumaan sa gitna namin. Tumingin ako kay Calix na nginitian lang niya kami at tumalikod na, ngiting nang aasara alam niyo 'yun? Psh! Nang ibalik ko ang tingin ko kay David ay Ang sama ng tingin niya sa papalayong Calix na masaya pang naglalakad.

"Sige alis na ako, bye, Dianne!" Tumalikod na siya at tuluyan na siyang umalis.

"DIANNE!" Bungad agad ni Ariane ng makapasok ako sa canteen. Siya lang ang naabutan ko dahil may practice daw ang tatlong hari as usual. Si Dane naman ay hindi pumunta dahil hindi pa kami ayos. "Where's Briar?" She asked.

"Nasa gym na, may practice din kami as cheering" ibinaba ko na ang bag ko at bumili ng pagkain.

"E, ikaw? I know kasali ka soon dahil ikaw ang Captain" Sabi niya ng maupo ako dala ang pagkain.

"Kaya ko 'yun without practice 'no! I'm Dianne" Proud na sabi ko ko, "saka gutom na ako, hindi rin ako makakapagfocus kapag gutom ako" Dagdag ko habang nakanguso sabay kagat sa burger na hawak ko. Ewan ko ba, daig ko pa ang may baby sa tiyan e! Palaging gutom.

"Nakita ko si Dane, inaaya ko siya but she want to go on library" Nakasimangot na aniya.

"Don't mention her name," Nag taka naman ang itsura niya.

"Bakit? Magkaaway ba kayo?" Takang tanong niya.

"Wala, nevermind" Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko habang siya ay nagtataka parin ang itsura.

"By the way, manood ako, I have a banner nga e, for Brix and all Cavaliers" She giggled.

"Wow, kailan ka pa naging suppoter nila?" Natatawang tanong ko.

She rolled her eyes, "Duh! Since we're friends!" She said. "Secret lang natin 'to ah," Lumapit siya sa akin at may binulong, "I have a crush on Brix" Aniya. Nanlaki naman ang mata ko at natawa. "What? Anong nakakatawa?" Ngumuso siya.

"Wala lang, not only you have a crush on Brix, I think." I chuckled.

"Huh? Psh! I know naman na maraming nag kakandarapa kay Brix, but I am the Queen of them" aniya at tumawa. May saltik din 'tong babae na 'to e.

"Dianne!" Muntik ng bumara sa lalamunan ko ang pagkain ko ng marinig ang malakas na sigaw ni Briar, buti nalang ininuman ko agad iyon ng tubig. "Kailangan ka na do'n" Aniya at naupo sa tabi ko.

"Wait a minute!" Sabi ko at mabilis na inubos ang kinakain ko.

"Sama na ako, wala naman na kaming klase" Sabi ni Ariane.

"Vi! May banner akong ginawa para kay Brix" Nabulunan na ako ng tuluyan dahil bigla kong nalunok ang huling piraso ng burger sa binulong ni Briar. Agad naman nataranta ang dalawa kaya agad akong inabutan ng tubig. Habang umiinom ako ay hinihimas himas naman ni Bri ang likod ko. Nang makainom ako at nahimasmasan ay hinimas ko din ang lalamunan ko. Wew! Akala ko katapusan ko na.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Bri. Tumango lang ako at natawa. Nagtaka naman ang itsura ng dalawa dahil pagkatapos kong muntikang mamatay pero tumawa pa ako. Nakakatawa naman talaga e! Ano kayang reaksyon nilang dalawa kapag nalaman nilang nag aagawan sila sa korona for Brix? Masaya siguro 'to!

"Bakit ka tumatawa?" Takang tanong ni Ariane.

Umiiling iling ako habang natatawa parin. "Wala, na-e-excite lang ako" Nagkibit balikat nalang sila habang nagtataka parin.

If We Fall Inlove (Teen Series)Where stories live. Discover now