Chapter 3:
"Sorry Dianne"
Bago pa ako makalingon ay tinakpan na nila ang ilong ko ng panyo. Ewan ko ba bigla nalang akong nahilo. Unti unti ng lumabo ang paningin ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.
Nagising ako sa madilim na silid. Dahan dahan akong tumayo mula sa kama na pinaghihigaan ko. Maliit lang Ang kwartong iyon, may maliit din na papag na naroon at may maliit na bintana. Lumapit ako sa bintana pero naka-kadena iyon. Sumilip ako sa butas, nakita kong madilim na sa labas.
"Help!!" Sigaw ko.
"May tao ba diya?! Helo me!" Sigaw kong muli. Natahimik ako ng makarinig ako ng yabag ng paa na papalalit.
"Tulungan mo ako--"
"Hi Dianne" napahinto ako ng marinig ang pamilyar na boses.
"Jerald?"
"Ako nga, patawarin mo ako Dianne" nagtataka akong tingnan siya. Mag sasalita pa Sana ako para tanungin kung bakit pero lumapit siya sakin at hinalikan ako sa leeg. Nag pupumiglas naman ako.
"Lumayo ka sakin! Ano ba!" Tinulak ko siya palayo.
"Dianne 'wag ka ng magpakipot! Alam ko namang gustong gusto mo 'yan" Sabi pa niya at lumapit muli sa akin.
"TULONG!!" Sigaw kong muli. Naramdaman kong may pumatak na luha sa Mata ko.
May dumating namang Isa pang lalaki.
"Kye hawakan mo nga!" Utos niya kay Kye na sumunod naman.
"Sabi ko sayo itali mo nalang eh" Reklamo naman ni Kye.
"Bakit niyo ginagawa sakin 'to?" Tanong ko sa kanila.
Ngumisi si Jerald. "Obvious ba? Kase I like you" lumapit siyang muli sa akin.
"TULONG!!" Yun nalang tanging lumalabas sa bibig ko.
Nanghihina ako kaya tinanggap ko na kung anong sunod mangyayare sa akin. Umiiyak pa rin ako at ipinikit nalang Ang Mata ko habang binababoy ako ng lalaking nasa harapan ko.
Maya maya ay nakarinig ako ng kalabog kaya dahan dahan kong iminulat ang mata ko. Tumambad sa akin ang nakahandusay sa sahig na si Jerald at may lalaking nakatayo. Yung lalaking humarang sa amin kanina.
"Hey, are you okay? Let's go" Sabi niya at inalalayan akong tumayo. Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas kami sa isang wearhouse.
"T-thank you" mahina kong sabi. Bago niya ako pinapasok sa kotse niya ay isinandal niya ako sa kotse.
"Botton your blouse" bulong niya at pinunasan niya ang mukha ko na puro luha. Pagkatapos kong ibutones ang blouse ko ay sumakay na ako sa kotse niya.
"Don't worry, I demand them for you" Sabi niya habang nag da-drive. Tinitigan ko lang siya. Ang gwapo niya, matangos ang ilong, ang manly ng jawline niya tapos Ang kapal din ng kilay niya. Nagulat ako ng napatingin siya sa akin. Nag tama ang mga Mata namin kaya napangiti siya. Agad naman akong umiwas ng tingin.
"'Di ko akalain na ang isang Reyna ng siga sa campus ay humihingi ng tulong" He chuckled. Lumingon akong muli sa kaniya at nagtataka.
"Bakit mo ginawa 'yon? At paano mo nalaman na nandon ako? Sino ka ba?" Sunod sunod kong tanong. Natawa naman siya.
"Easy, isa isa lang" Sabi niya. "Okay... Una... ginawa ko 'yon kase may nangangailangan ng tulong, panglawa... Nalaman ko kase sinundan ko ang sasakyan niyo dahil kinutuban ako ng masama, at pangatlo... I'm David Carl Jimenez" nakangiti niyang sabi.
David? Oh siya 'yung pinagkakaguluhan kaninang umaga!
"Now, tell me you address" dagdag niya pa. "Saka sigurado namang wala silang ginawang masama sayo dahil dumating ako" he added. Tumahimik nalang ako at isinandal ang ulo ko sa may bintana. Nandidiri ako sa sarili. Kahit papaano nahawakan at nahalikan ako ng lalaking 'yon! Kaya diring-diri ako!
Nang makarating kami ay laumabas siya para pagbuksan ako ng pinto.
"Salamat" I gave him small smile then he gave me back.
"Ingat ka Dianne" Sabi niya at ngumiti sa akin.
"Ikaw ang ang ingat!-- Teka! Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Takang tanong ko.
"Uh... Your I'd" napakamot siya sa batok niya na parang nahihiya. "Bye" tumango ako at inintay siyang umalis bago ako pumasok.
Kinabukasan ganun na naman ang alarma ko.
"DIANNE!"
dahan dahan akong bumangon at nag-inat-inat pa.
"Dianne! Aba bumangon ka na riyan! Bakit ba palagi ka nalang tanghali bumangon ha?! Ang kupad kupad mo talaga!" Aga aga putak ng putak si Mama! Sabagay sanay na ako tsk!
"Dainne, may gwapong nag aantay sayo labas" parang automatic na bumukas ng malaki ang mata ko. What?! Gwapo? Sino naman?
Pumasok si mama sa kwarto ko saka ako hinampas ng unan.
"Aba Gwen! Saan mo napulot 'tong nilalang na ito? Ang yaman pa!" Natutuwang sabi ni mama na parang kinikilig. "Nanliligaw ba saiyo 'yon anak?" Dagdag niya pa.
"Ma, Sino ba 'yun? Saka walang ako maliligaw" napakamot nalang ako sa ulo habang nakabusangot ang mukha.
"Oh siya! Maligo kana at 'wag mong pag intayin ang prinsipe mo...Mahal na prinsesa" diniinan niya pa ang salitang 'mahal na prinsesa'.
Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako. Nanlaki ang mga Mata ko ng makita kung sino 'yung lalaking sinasabi ni mama. Si David.
Nag ku-kwentuhan sila ni mama sa dining table ng bumaba ako.
"Anak kain na" Ngumiti si mama. Wow himala, Anong nakain ni mama bakit bumait? Hays, si mama na bugnutin, palaging galit pero isang araw may anghel atang dumating tss!
"Anong ginagawa mo dito?" Agad na tanong ko kay David ng makaupo ako.
Ngumiti siya sakin,"Susunduin kita" umawang ang labi ko sa sinabi niya.
"Anak, pasasalamat na din 'yon dahil niligtas ka niya kahapon" Sabi naman ni mama. Paano niya nalaman 'yon? Sa pag kakaalam ko Wala akong sinabi sa kaniya.
Mukha namang nabasa niya ang isip ko. "Sinabi niya ang nangyare sayo kahapon, bakit nga ba kase sinasabi sa akin?" Galit na tono niya.
"Eh, k-kase po baka mag alala po kayo. Saka okay na ako" Sabi.
Nang matapos na kaming kumain ay umalis na kami.
"Simula ngayon hatid-sundo na kita." Hindi mapawi ang ngiti niya.
"Bakit?" Takang tanong ko.
"Ano ka ba, delikado ka" Sabi pa niya. Bumuntong hininga nalang ako. Wala akong sa mood ngayon. Hanggang sa makarating kami sa school ay tahimik lang ako. Alam kong kating kati siyang kausapin ako pero wala talaga akong sa mood makipag usap.
"Salamat" Sabi ko nalang at ngumiti ng tipid saka bumaba ng sasakyan niya. Magsasalita pa Sana siya pero sinara ko na 'yung pintuan.
Buti nalang Hindi na siya sumunod pa. Wala akong time para makipagdaldalan ngayon.
Poker face lang ako habang naglalakad. Walang Sino man ang pinansin sa tuwing may babati sa akin.
Nakuha ng atensiyon ko ang mga nagkukumpulang nanaman na istudyante sa hallway. Anak ng! Ang aga aga. Nilagpasan ko nalang iyon. Wala namang bago dun halos araw araw ata may binu-bully sila Cassandra doon. Siya lang naman ang kilalang bully sa buong school e, kasama ang nga galamay niya. Hindi naman makakagalaw yun pag Wala ang mga 'yun.
YOU ARE READING
If We Fall Inlove (Teen Series)
Ficção AdolescenteMs. Siga Queen Vs. Mr. Captain Isang babaeng palaging nakikipag away at laging laman ng gulo sa campus nila. Hanggang isang araw nagbago ang lahat dahil nakilala niya ang isang lalaking ubod ng kulit.