02.

2 1 0
                                    

Chapter 2:

"O-MY-GOSH"

Napahinto ako sa pag lalakad pabalik sa classroom ko ng marinig ang boses ng kung sino mang demonyo 'yon.

"Hoy! Dianne!" Dahan dahan akong humarap sa mga pakshet na tumawag sa maganda kong pangalan. Walang emosyon akong humarap sa kanila.

"Ilan na ba ang tumikim sayo?" Tanong ng isang impakta at nag tawanan naman 'yung dalawang asungot sa tabi niya.

"Wala pa... Pero kayo, baka gusto niyong makatikim?" Umirap ako at pinakita ang kamao ko. Nakita ko naman ang inis sa mga mukha nilang mukhang garapata.

"Ilusyunada! Layuan mo ang captain namin!" Sigaw naman nung isa.

Napataas ang kilay ko at natawa. Pinagsasasabi nila? Teka-- captain nila? Eh tanga pala sila e! Sila nga itong ilusyunada na 'captain nila'? Tsk! Saksak nila sa ekiks nila!

"Alam niyo libre mangarap. At saka sainyo na 'yung CAPTAIN niyo!" Tumalikod na ako dahil sinasayang nila ang oras ko! Mas mahalaga pa nga ang oras ko kesa sa buhay nila e! Mga ogags.

Teka nga! Ni hindi ko nga nilalapitan 'yong tukmol na 'yon! tapos sasabihin nilang layuan ko? What the jerk!

Tahimik akong bumalik sa classroom dahil sirang sira na ang araw ko at Wala na akong sa mood!

"Hi Dianne"

Palaging bati sa akin ng mga kaklase kong lalaki pero ni isa ay ayukong pansinin. Nanti-trip lang naman sila e!

Wala pa 'yung teacher namin sa english kaya kinuha ko muna ang phone ko. Bumungad sa akin ang napakaraming notification.

Someone tagged you in a post.

Tiningnan ko 'yung picture. Kusang tumaas ang kilay ko ng Makita kung Sino 'yun. Picture namin 'yon sa canteen kasama sila Calix, Brix at Mark.

Caption:

Napakalandi talaga! Pati ba naman ang 3 Cavaliers ay gustong akitin!

The fuck?! I don't care about of them! Tsk! mga utak talaga nila may ubo!

"Haynako! Andami talagang higad sa tabi tabi!"

Ayan na naman sila, parinig dito, parinig doon. Walang kasawaan! Hindi ko nalang sila pinapansin. Hanggang matapos ang klase ay tahimik lang akong nakikinig. Wala akong mapapala kung papatulan ko pa sila ngayon!, may bukas pa naman.

Pag labas ko ng classroom ay andaming lalaking sumusunod sa akin. Problema nila?

"Dianne hatid ka na namin!" Presinta ni Kye

"Ako na maghahatid sa kaniya" Sabi naman ni Jerald. Hindi ko sila pinansin hanggang makarating ako sa locker ko. Hinarap ko sila dahil nga nakasunod sila sakin! Naiirita ako!

"Hindi na kailangan" Seryuso kong sabi. Natahimik naman sila sa pagkukulitan.

"Pero Dianne, delikado sa daan" kulit talaga!

"Bahala kayo" naiirita kong sabi. Rinig ko naman na natuwa sila. Tsk!

Pagbukas ko ng locker ko, napatalon ako sa gulat ng makita ang dalawang palaka sa loob ng locker ko.

"Ay palaka!" Lahat sila napatingin sa akin.

"Sino nag lagay niyan?" Tanong ng isa sa mga lalaking kasama ko.

I rolled my eyes. "I don't know" kinuha ko ang palaka. Kung sino man ang naglagay no'n, akala nila takot ako sa palaka? Who said? Tsk!

"Kuya, can you put this? Kawawa naman e, 'wag mo pong itatapon ah" Sabi ko sa janitor ng school at nginitian siya. Kinuha naman niya 'yung palakang hawak ko.

If We Fall Inlove (Teen Series)Where stories live. Discover now