28.

6 0 0
                                    

Chapter 28.

"BAKIT hindi ka pumasok?" Pagbasag muli ni Calix sa katahimikang lumukob sa amin ng ilang minuto.

"Wala" Maikling sagot ko. "E, bakit ikaw? Anong ginagawa mo dito?"

"Gusto ko lang tumambay, since wala ka sa canteen kanina, hindi ko naman ine-expect na nandito ka pala" Sagot niya.

"Gusto kong mapag isa..." Kita ko parin sa gilid ng mata ko na lumingon siya sa akin pero pinanatili ko ang tingin ko sa harapan. "...pero dahil alam ko ugali mo, kukulitin mo lang ako para samahan ako" dagdag ko.

"Ha? Hindi ah" Aniya kaya tinarayan ko siya.

"E, di umalis ka!" Singhal ko.

"Ayuko!"

"Ewan ko sayo, Calix James!"

Ilang saglit pa ay naghari na naman ang katahimikan sa paligid.

"Alam kong may problema ka, 'wag kang mahiyang ishare sakin. Ano pa't naging poging manliligaw mo ako slash poging friend kung hindi mo ako sasandalan" Aniya. Napataas ang kilay ko.

"Hindi ko alam kung bakit napagti-tiyagaan kitang kausapin kahit na makakabuo ka na ng buhawi," I rolled my eyes, "paano pa kaya pag naging jowa kita?" Tumingin ako sa kaniya, nakatulala siya sa sinabi ko.

"J-jowa?" Nauutal pang aniya.

"'Pag' lang" Umiwas ako ng tingin. Rinig ko ng buntong hininga niya.

"Hays, huwag ka ngang magsabi ng ganyan! Aatakihin ako sa puso" Napangiwi ako sa sinabi niya. Ang OA ng tipaklong na 'to.

"Ang tagal naman" Bulong ko pero pinarinig ko talaga 'yon sa kaniya.

"Anong matagal?"

"Na atakihin ka" Nginitian ko siya ng malapad. Inirapan naman niya ako.

Kinunutan ko siya ng noo ng bigla siyang tumayo at hinila ako patayo. "Hoy! Bitawan mo nga ako!" Reklamo ko pero parang wala siyang narinig. Hinila niya ako pababa ng burol at hatak hatak niya ako papasok sa loob ng matataas na damuhan.

"Anong gagawin mo sakin, ha?" Pagdududang tanong ko pero hindi niya parin ako pinansin.

Napanganga nalang ako ng makalagpas kami sa mga matataas na damong sinuutan namin. Hawak niya parin ang kamay ko habang nililibot ko ang paligid.

"Hindi ko akalain na may mas magandang lugar pa bukod sa manggang 'yon" nakanganga ko parin wika habang manghang mangha sa paligid. May ilog doon tapos ang linis din ng paligid at tahimik.

Nang nahimasmasan ako sa pagtingin tingin sa paligid ay tumingin ako kay Calix na nakatitig lang din sa akin na may kislap sa mga mata.

"Paano mo nalaman 'to?" Tanong ko na nagpakurap sa kaniya at umiwas ng tingin.

"Huh? Ah, palagi akong tumatambay doon sa mangga na 'yon, hanggang sa natagpuan ko 'to" Napatitig ako ng ngumiti siya ng todo. Lumabas ang maliit na dimple niya sa gilid ng labi niya at malalim iyon. Ngayon ko lang napansin na may dimple pala sya. At ngayon ko lang din napansin na ang cute niya ngumiti. Hindi ko lang napapansin dati dahil naiirita ako kapag ngumingiti siya. Pero ngayon parang nakakagaan sa kalooban 'yung ngiting 'yon.

Natauhan ako ng bigla niyang pitikin ang noo ko ng mahina kaya napairap ako.

"Alam kong gwapo ako pero 'wag mo naman ako titigan ng ganyan... nahihiya ako" Pinalobo niya ang pisngi niya na parang nahihiya talaga at umiwas pa ng tingin. Pasimple akong natawa dahil sa ginawa niya. Ang cute.

Naupo ako sa isang malaking bato sa tabi ng lawa at pumulot ng bato saka inihagis sa tubig. Napaiktad ako ng biglang tumalon si Calix mula sa kinatatayuan niya papuntang tubig.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 06, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

If We Fall Inlove (Teen Series)Where stories live. Discover now