22.

0 0 0
                                    

Chapter 22:

Tahimik lang kami habang pinagmamasdan ang liwanag ng buwan. Tanging mga kuliglig lamang ang maririnig. Alas nuebe na ng Gabi pero hindi parin kami umuuwi. Ewan ko ba sa lalaking 'to kung bakit ayaw pa umuwi!

"Wala ka bang balak umuwi?" Tanong niya pero umiling lang ako.

"Ayukong umuwi" tipid na sagot ko. Nakasandal ako sa puno samantalang siya ay humiga sa damuhan.

"Iidlip lang ako, ha? Gisingin mo lang ako kapag gusto mo ng umuwi" He said with hoarse voice. "'Wag mo akong iiwan" Sabi pa niya at tuluyang ipinikit ang mata. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil may isang tao na hindi ako iniiwan.

Pinagmasdan ko siyang matulog. Napaka amo ng mukha niya na akala mo ay hindi makakasira sa araw mo. Napangiti nalang ako habang iniisip iyon. Sa amo ng mukha niya, Hindi mo maiisip na may isang tao na sinisira ang araw niya. At ako 'yon.

Humiga na din ako sa tabi niya habang pinagmamasdan ang mukha niya. Tinanggal ko din iyon at ibinaling ang tingin sa buwan.

Karamihan, kinatatakutan ang dilim at ang Sabi pa pati ang kabilugan ng buwan dahil may mga nakakatakot na bagay ang lumalabas daw. Pero para sakin? Ang dilim at napakagandang buwan ang nagpapagaan sa loob ko. Gabi ang karamay ko sa tuwing nag iisa ako. Dilim ang kakampi. Sila ang comforter ko.

Dahan dahan kong ipinikit ang mata ko at tuluyan ng nakatulog.

—————————

Nagising ako sa nakakasilaw na liwanag. Napaupo ako sa kinahihigaan ko at tumingin sa paligid. Nandito pa rin ako sa ilalim ng puno ng mangga.

"Gising ka na pala, iuuwi na kita, panay ang tunog ng phone mo baka nag aalala na sila sayo" tumingin ako kay Calix na nakatayo sa harap ko. Nagdadalawang isip pa ako kung uuwi ako o hindi pero sa huli ay tumango nalang ako at inabot ang kamay niya para alalayan ako.

Sumakay na kami sa kotse niya. Habang nasa sasakyan ay tahimik lang kami. "Dito na tayo" natauhan ako sa pagkatulala ng magsalita siya.

"Ah, salamat" Sabi ko at akmang lalabas na pero nilingon ko siya ulit. "Salamat, Calix, kase hindi mo ako iniwan" Ngumiti lang siya at kumaway kaya lumabas na ako ng tuluyan. Inintay ko muna siyang umalis bago ako pumasok. Huminga muna ako ng malalim.

"Pinag alala mo sila, saan ka ba galing?" Bungad ni Loisa na nasa gate.

Tumaas naman ang kilay ko at hindi siya pinansin. Dire-diretso lang akong naglakad papasok.

Nasa sala sila mama pero hindi ko na sila pinansin at umakyat na ng kwarto ko. Pag karating sa kwarto ay agad akong dumiretso sa banyo para maligo. Nang makalabas ako sa banyo ay bumungad sa akin ang babaeng nakaupo sa kama ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Blanco lang ang mukha ko na hinarap siya.

"Dianne, sa nangyare kahapon, sorry" Sabi niya.

"'yan lang ba sasabihin mo? Okay. Pwede ka ng umalis" Wala paring emosyon kong sabi. Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Kasalanan mo—"

"Kung walang kwenta ang sasabihin mo, you may leave" I cut her off.

"Fine" Tumalikod na siya at lumabas ng kwarto ko.

Naupo ako sa kama ko para matulog muli. Ayukong lumabas at makita sila ngayon.

Muntik na akong mapatalon ng mag beep ang phone ko kaya agad ko iyong kinuha at tiningnan.

From: Mr. Captain

If you need me, just dial my handsome name in your contact^_-

Hindi ko alam kung bakit nalang ako napangiti. Hindi ko maintindihan kung Anong nararamdaman ko para Kay Calix. Ang alam ko lang sanay akong nand'yan siya sa tabi ko para guluhin ang araw ko. Palibhasa kase puro gulo, away lang ang inatupag ko buong buhay ko kaya hindi ko naisipan ang mag kagusto o mag mahal ng isang lalaki. Siguro dahil na rin sa sitwasyon ng pamilya namin. Iniisip ko na lahat ng lalaki ay kagay ni Papa, manloloko. Ayukong matulad kay mama na nagmahal pero bandnag huli iiwan din siya ng taong minahal niya para sa iba. 'Yun lang ang tumatak sa utak ko kaya siguro hindi ko naisip Ang mga 'Love' 'Love' na 'yan. Pero simula ng makilala ko si Calix? Feeling ko parang bigla nalang nagiba ang takbo ng buhay ko. Sa tuwing nand'yan siya para guluhin ako kahit nakakainis, pakiramdam ko gumagaan ang loob ko. Lumalakas ang tibok ng puso ko sa tuwing lalapit siya. Akala ko sa mga drama or fairytale lang Ang may ganun or akala ko OA lang pero totoo pala.

If We Fall Inlove (Teen Series)Where stories live. Discover now